TALATA TUNGKOL SA PANGARAP – Ating tunghayan ang mga halimbawa ng maikling talata tungkol sa tagumpay at pagkamit sa pangarap ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
Lahat tayo ay may pangarap, batid din ng marami sa atin hindi madali ang pag-abot nito. Ngunit kung tayo ay pursigido na maabot ito lahat ay ating gagawin para magtagumpay. Gaano man kalaki o kaliit ang ating pangarap basta’t pagsusumikapan ay tiyak na makakamtan. Hindi lahat sa atin ang natutupad ang mga pangarap pero sipag at tiyaga ang kailangan upang magkaroon ng katuparan.
Sana sa pamamagitan nitong mga talata sa pangarap ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay at makamit sa ating pangarap. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng talata sa pangarap.
See also: Talumpati Tungkol Sa Pangarap
6 Halimbawa Ng Maikling Talata Tungkol Sa Pangarap
Time needed: 3 minutes.
Narito na ang mga halimbawa ng maikling talata tungko sa pangarap.
- Mga Hari 3: 10-14
- Pangarap Kong Buhay
- Pananaw Ng Isang Nangangarap Na Maging Arkitekto
- Ang Pangarap Ko Na Maging Piloto Ng Eroplano
- Pangarap Kong Maging Isang Guro
- 2 Paraliponemo 1: 11-12

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang maikling talata. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng maikling talata sa pangarap.
1. 1 Mga Hari 3:10-14
At ang pangungusap ay nakalugod sa Panginoon, na hiningi ni Salomon ang bagay na ito. At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka’t iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo’y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan;
Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa’t walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo.
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “1 Mga Hari 3: 10-14” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang 1 Mga Hari 3: 10-14 ay isang halimbawa ng mga maikling talata sa pangarap sa buhay.
2. Pangarap Kong Buhay
Sabi nila “Libre lang mangarap” pero para sa akin, walang saysay ang pangangarap kung hanggang pangarap nalang.
Simple lang ang pangarap ko sa buhay, at yun ay maging isa akong nurse, kaya naman lahat ginagawa ko upang makapagtapos ng pag – aaral. Marami mang balakid sa buhay ay hindi ako nagpapatinag, dahil alam ko na isa lamang pagsubok ang mga iyon.
Lahat ng mithiin ay pinaghihirapan, lahat pinagsusumikapan, kaya naman hindi na ako nabibigla sa mga bagay na maaaring humarang sa akin patungo sa aking tagumpay.
Lagi kong nilalagay sa isip ko ang salitang “tiwala lang”, walang hindi kayang gawin kapag tayo ay nanalig sa isang bagay at pinaniwalaan natin na makakamit natin kahit ano pa man ito, kaya naman naniniwala ako na ako ay magiging isang nurse balang – araw…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Pangarap Kong Buhay” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang Pangarap Kong Buhay ay isang halimbawa ng mga maikling talata tungkol sa pangarap sa buhay. Ang talata na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.
3. Pananaw Ng Isang Nangangarap Na Maging Arkitekto
“Anong gusto mong maging sa iyong paglaki?” Bata pa lamang ako, ito na nag paulit-ulit na tinatanong ng aking magulang, mga guro at maging ang aking kamag-aral.
Guro, nurse, chef at marami pang iba ang naging kasagutan ko sa tanong na ito noong ako’y bata pa. Kung tatanungin ako ngayon, ano nga ba ang gusto kong propesyon?
Bata pa lamang ako ay mahilig na ako sa pagguhit at pagpinta. Ang interes ko ay nasa larangan ng sining kaya naman aking napagdesisyunan na kuhanin ang kursong arkitektura sa kolehiyo.
Ayon sa artikulong “The Filipino Soul in Architecture mula sa Philstar, ang globalisasyon ay nagkaroon ng epekto sa Arkitekturang Filipino na kung saan ilan sa mga magagandang gusali sa Pilipinas ay gawa ng isang dayuhan.
Kapansin-pansin sa panahon ngayon na mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang disenyong gawa ng dayuhan kaysa sa gawa ng kapwa natin Pilipino. Bilang isang nangangarap na maging arkitekto, nais kong makibahagi sa mga problemang kinahaharap ng bansa sa mga simpleng paraan.
Dahil ako ay isang estudyante pa lamang, sisikapin kong mag-aral ng mabuti nang sa gayon ay magkaroon ako ng opportunidad upang ipakita at ipamalas ang aking kakayahan at talento. Sinasabi rin sa artikulo ng Philstar na ang Arkitekturang Filipino ay kasalukuyang hinahanap ang pagkakakilanlan nito…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Pananaw Ng Isang Nangangarap Na Maging Arkitekto” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang Pananaw Ng Isang Nangangarap Na Maging Arkitekto ay isang halimbawa ng mga maikling talata sa pangarap sa buhay.
4. Ang Pangarap Ko Na Maging Piloto Ng Eroplano
Noon pa man, talagang manghang-mangha na ako sa mga piloto ng eroplano. Para sa akin, ito na ang pinaka magandang trabaho sa buong mundo. Sino nga naman ba ang aayaw?
Meron kang malupit na uniform, mataas ang iyong sweldo, araw-araw kang makakapunta sa iba’t ibang lugar sa mundo. Para bang binabayaran ka nila para magbakasyon. Ngayon, sino nga ba naman ang aangal pa doon?
Ambisyon ko sa buhay ito. Madalas akong tumingin sa malayo habang naglalakad (pero siyempre nag-iingat sa pagtawid) at iniisip, paano kaya kung maging piloto talaga ako? Napakasarap siguro nun. Mas masarap pa kesa sa jabee.
Pwede akong mag-almusal sa Japan at mag-dinner sa Dubai. Wow diba? Sana nga talaga makamit ko iyon. Wala na iba pang magpapasaya sa akin kundi maging isang piloto ng eroplano.
Dito sa ating bansa, kung saan sikat ang wika ng mga Pilipino, hindi padin nawawala ang pagiging proud sa iyo ng magulang mo kapag nakakuha ka ng magandang trabaho.
Mataas ang sweldo ng mga piloto. Kahit hindi ka international na lumilipad, talaga nganamang isang damak-mak ang salapi na iyong makukuha.
Hindi lahat ng tao nabubuo ang kanilang pangarap. Tulad nga ng sabi dati ni Jeff, eh hindi niya alam na ganoon lang talaga ang pag-ipon ng gamit…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Ang Pangarap Ko Na Maging Piloto Ng Eroplano” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang Ang Pangarap Ko Na Maging Piloto Ng Eroplano ay isang halimbawa ng mga maikling talata tungkol sa pangarap sa buhay.
5. Pangarap Kong Maging Isang Guro
Maraming nagtataka kung bakit pagtuturo ang napili kong propesyon.Sabi nga nila, walang pera sa pagtuturo. Kung meron man, hindi mo ito ikakayaman.
Sasakit lang daw ang ulo mo sa mga pasaway na estudyante, sa paggawa ng lesson plan araw-araw, sa pagtuturo sa mga gusto at ayaw matuto at kung anu-ano pang problema na maaari mong isipin sa buhay ng isang guro.
Pero naisip mo na ba kung bakit meron pa ring ibang tao na nagpipilit at nagtiya-tiyagang nagpapakadalubhasa upang maging isang ganap, mahusay hinahangaan at respetadong guro? Ito ang ilang dahilan ko kung bakit:
Una, dahil gusto nyang makatulong sa bansa. Gusto nyang maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagtuturo ng walang inaasahang kapalit o bayad. Gaya ko.
Masaya na sila kahit ga-bundok ang nilalakad araw-araw, maaksidente paminsan-minsan at magsakripisyo ng sariling kasiyahan at buhay makapagturo lamang sa mga estudyanteng nakatira sa bundok na nagnanais matuto. Gaya ko.
Ikalawa, dahil nasa lahi, angkan o dugo nila ang pagtuturo. Kahit anong gawin nilang pag-iwas o pagtanggi, sa pagtuturo pa rin sila napupunta. Hindi natalo ng isip ang lakas ng puso.
Tawag nga daw ng kalikasan. Ikatlo, biyaya ng Diyos. Masasabi kong “biyaya” sapagkat hindi lahat ng tao ay nakakapagturo ng natural.
Kunbaga, kahit hindi niya pansin ay nakakapagturo siya ng maganda at maayos sa kabila ng pagtanggi niya nito. At iba kasi pag galing sa puso.
Itinuturing kong bagong bayani ang mga guro. Bakit? Sapagkat sa guro nakasalalay ang mga buhay at pangarap ng mga batang ipinagkatiwala sa kanila ng mga umaasang magulang.
Sa guro nakasalalay kung ilan sa mga tinuturuan niya ang mamumuno ng bansa, papatay ng tao, magiging artista, makakadiskubre ng gamot sa aids, magiging illegal recruiter,magiging tycoon o magiging isa na namang guro.
Ang alam kong pinagkaiba nila sa OFW ay hindi sila kumiita ng dolyar at hindi rin masyadong demand sa ibang bansa. Gaya ng nauna kong nasabi, walang pera sa pagtuturo. Meron man hindi mo ito ikakayaman ika nga ni Bob Ong…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Pangarap Kong Maging Isang Guro” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang Pangarap Kong Maging Isang Guro ay isang halimbawa ng mga maikling talata sa pangarap sa buhay.
6. 2 Paralipomeno 1:11-12
At sinabi ng Dios kay Salomon, Sapagka’t ito ang sumaiyong puso, at hindi ka humingi ng kayamanan, pag-aari o karangalan o ng buhay man ng nangapopoot sa iyo, o humingi ka kaya ng mahabang buhay;
kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman sa ganang iyong sarili, upang iyong mahatulan ang aking bayan, na aking pinaggawan sa iyo na hari: Karunungan at kaalaman ay nabigay sa iyo; at…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “2 Paralipomeno 1:11-12” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang 2 Paralipomeno 1:11-12 ay isang halimbawa ng mga maikling talata sa pangarap sa buhay.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino
- Tula Tungkol Sa Pangarap
- 10 Halimbawa Ng Maikling Kwento Na May Gintong Aral
- Talumpati Tungkol sa Wika
- Sanaysay Tungkol Sa Sarili – 10 Halimbawa Ng Sanaysay
Konklusyon
Ang pangarap ay isang bagay na dapat pahalagahan at isapuso natin. Kaya ang artikulong mga Talata Tungkol Sa Pangarap ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon at aral sa pagkamit at pagtagumpay sa ating mga pangarap sa buhay.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.