Slogan Tungkol sa Trabaho at Manggagawa (10+ Mga Slogan)

SLOGAN TUNGKOL SA TRABAHO – Sa ating paksa, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng slogan tungkol sa trabaho at manggagawa. Mahalaga ang trabaho sa bawat isa, ito ang nagbibigay ng pera upang mapunan ang pangangilangan ng isang pamilya.

Sa Pilipinas, marami ang araw-araw na naghahanap ng trabaho para matutusan ang pangangailangan sa buhay. Ang iba sa atin ay nangingibang bansa upang makapagbigay ng sapat na sustento sa kani-kanilang mga pamilya.

Slogan Tungkol Sa Trabaho at Manggagawa
Slogan Tungkol Sa Trabaho at Manggagawa

10+ Halimbawa ng Slogan Tungkol sa Trabaho at Manggagawa

  1. “Kung Walang Kontraktwal, Pilipinas ay Uunlad.”
  2. “Ang Tunay na Sikreto sa Tagumpay ay Pagsisikap at Patuloy na Pagbangon sa Bawat Pagkakamali.”
  3. “Maging Maabilidad upang Pilipinas ay Umunlad.”
  4. “Karapatan ng Manggagawa, Huwag Ipawalang-bahala.”
  5. “Sahod, Trabaho, at Karapatan Ipaglaban, Kontraktwal Gawing Regular para sa Ikauunlad ng Pamumuhay.”
  6. “Walang Trabahong Mahirap sa Isang Taong Pursigido at Masikap, Tiyak na Maaabot ang bawat Pangarap.”
  7. “Tamang Benepisyo para sa mga Manggagawang Pilipino.”
  8. “Sahod ay Huwag Iantala upang mga Manggagawa ay Laging nasa Tala.”
  9. “Pagpugay ang para sa Manggagawa dahil Kayo ang Kabalikat sa Pag-unlad ng Bansa.”
  10. “Saan Ka mang Parti ng Mundo, Mabuhay Ka Manggagawang Pilipino.”
  11. “Ating Ipanawagan, Kawalan ng Trabaho ay dapat Punan ng Pamahalaan.”
  12. “Tumulong sa Pagbigay ng Trabaho para Maiahon ang Pamumuhay ng Pamilyang Pilipino.”
  13. “OFW Kayod ng Kayod upang ang Pamilyang Pilipino ay Maitaguyod.”

Konklusyon sa Slogan Tungkol sa Trabaho at Manggagawa

Malaki ang karapatan ng mga manggagawa sapagkat sila ang nagpapayaman sa mga amo nila. Marapat lamang na ibigay ang sapat na sahod, benepisyo, at mga karapat-dapat na karapatan sa kanilang trabaho.

Sana ay nagustuhan ninyo ang mga halimbawa ng slogan na ibinahagi namin. Bilang mga manggagawa dapat na alam ng bawat isa ang kani-kanilang karapatan upang hindi tayo basta-basta maloko ng kung sinuman.

Kung may suhestyon o tanong tungkol sa ating paksa ay magkomento lamang sa ibaba. Bumisita na rin sa aming websyt para sa iba pang paksa sa Filipino na tiyak na magugusthan mo.

Iba Pang Aralin Para Sa Inyo

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment