Slogan Tungkol Sa Kulturang Pilipino (10+ Mga Slogan)

SLOGAN TUNGKOL SA KULTURANG PILIPINO – Ating pag-aralan kung ano ang mga halimbawa ng slogan tungkol sa kultura o kulturang Pilipino. Ang kutura ay tumutukoy sa aktibidad ng tao sa isang lipunan.

Tayong mga Pilipino ay maraming mga kutura na isinasabuhay at ipinamamana sa mga susunod na henerasyon. Mula sa mga kaugalian, kagamitan, lenguwahe, at paniniwala, nagsilbing pakakakilanlan natin ang mga ito bilang mga Pilipino.

Slogan Tungkol Sa Kulturang Pilipino
Slogan Tungkol Sa Kulturang Pilipino

10+ Halimbawa ng Slogan Tungkol sa Kulturang Pilipino

  1. “Lipunan at Kultura’y Sadyang Mapagbigkis ng Wikang Kinagisnan, Kung Ating Pahahalagahan itong Ating Munting Kayamanan.”
  2. “Wika ay Gamitin, Ating Kultura ay Pahalagahan at Pagyamanin.”
  3. “Isang Bansang Natatangi, PInagbuklod ang Lahi, Wika ang Sanhi, Kultura ang Sukli.”
  4. “KUltura ang Pamana ng Nakaraan, Regalo para sa Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan.”
  5. “Ang Sining at Kulturang Pilipino ay Ipagmalaki at Pahalagahan Mo.”
  6. “Kultura ang Espirito ng isang Lipunan na dapat Nating Ingatan at Pahalagahan.”
  7. “Kahit Magbago man ang Takbo ng Mundo, Huwag Mong Kalimutan ang Kulturang Pilipino.”
  8. “Mga Larong Pinoy ay Balikan Pagka’t Itong Kultura Natin ay Sadyang Nalimutan.”
  9. “Bayanihan, Makadiyos at Mapagmahal sa Pamilya, Ilan lamang sa mga Kulturang Pamana ni Lola.”
  10. “KUlturan ng bawat Grupong Etniko ay Pagyamanin dahil ito ang Pagkakakilanlan Natin.”
  11. “Ang Pagmamano ay Gawin Mo dahil ito ang Parangal na Kilos na Gihnaganap sa Kulturang Pilipino.”
  12. “Mga Kultura at Tradisyon Natin ay Iwagayway ng Buong Mundo ay Tumingala sa Atin ng Tunay.”
  13. “Masasayang Fiesta ay Naglipana sa Pilipinas na Puno ng Saya na Siyang Kultura ng Bawat Isa.”

Konklusyon sa Slogan Tungkol sa Kulturang Pilipino

Ang Pilipinas ay punong-puno ng mga materyal at di-materyal na mga kultura at tradisyon. Nariyan ang mga fiesta, folkdance, kundiman, larong lahi, bayanihan, pagmamano at maraminng-marami pa.

Bilang Pilipino dapat na isabuhay natin ang mga ito ay ipamana sa mga kabataan na siyang magdadala nito sa kinabukasan. Huwag ikahiya na ikaw ay Pilipino, dahil kahit saan mang panig ng mundo ay may Pilipino na pinagsisigawan at ipinagmamalaki niya ang kanyang lahi.

Tiyak na nagustuhan mo ang ating paksa na mga halimbawa ng slogan tungkol sa kultura, kaya magkomento ka nalang sa ibaba kung may gusto ka pang idagdag. Ikatutuwa namin ang inyo pang pagbisita sa aming websyt. Maraming salamat po.

Iba Pang Aralin Para Sa Inyo

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment