Slogan Tungkol Sa LGBT (20+ Mga Slogan)

SLOGAN TUNGKOL SA LGBT – Narito ang mga halimbawa ng slogan tungkol sa diskriminasyon sa kababaihan at karapatan ng lgbt community sa Tagalog. Isang malaking pagpupugay ang aming handog sa mga miyembro ng lgbt community.

Bakla, Tomboy, Bisexual, Transgender o ano ka pa, tao kang may karapatan at nilikha ng Diyos kapantay ninuman. Respeto ay dapat mapasa-inyo dahil kayo ay anak ng Diyos at kapwa ko Pilipino.

Slogan Tungkol Sa LGBT
Slogan Tungkol Sa LGBT

20+ Halimbawa ng Slogan Tungkol sa Diskriminasyon Sa Kababaihan at LGBT Community

  1. “Kawalan ng Trabaho at Oportunidad, Dag-dag na Diskriminasyon sa Pinoy LGBT.”
  2. “Pantay na Pagtrato at Oportunidad sa Trabaho para sa Pinoy LGBT, Ipaglaban!”
  3. “LGBTQIA Lumalaban para sa Pag-ibig at Karapatan; Tolerance, Acceptance: Make Life Colorful as a Rainbow!”
  4. “Ang Pag-ibig ay Walang Kasarian.”
  5. “Ang Karapatang Pantao ay Karapatan din ng LGBT.”
  6. “Kapatan ang maging Malaya anuman ang Kasarian.”
  7. “Paglaya ng Bayan, Paglaya ng Kasarian.”
  8. “Pag-ibig, Respeto, Kalayaan, Pagpaparaya, Pagkapantay-pantay, at Pagmamalaki.”
  9. “Ikaw, Alam Mo kung sino Ka, Hindi ang Lipunan.”
  10. “Pantay na Pagtrato ang Kailangan ng Bawat Tao.”
  11. “Respetuhin Kapatid Natin, Kasarian ay Huwag Punahin, LGBT ay Yakapin na Natin, Diskriminasyon ay Itigil, Karapatan Nila’y tulad rin ng Atin.”
  12. “Ang Pag-ibig ay Pag-ibig, Walang Kasarian.”
  13. “Karapatan ng Kababaihan, itigil ang Prostitusyon!”
  14. “Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay.”
  15. “Ang Karapatan ng Transgender ay Karapatang Pantao.”
  16. “Ang Tangi Kong Pinili ay ang Maging Aking Sarili.”
  17. “Mahalaga ang Bakla at Tomboy sa Lipunan.”
  18. “Ang Pagpapakasan ay tungkol sa Pag-ibig, Hindi sa Kasarian.”
  19. “Ladlad, Bukas Isip, Bukas Puso.”
  20. “Magpakatotoo ka sa kung ano ang Iyong Gusto; Huwag sa kung ano ang gusto ng Nakararami para Sa’yo.”
  21. “Walang Anumang Makakapantay sa Kasarian na Pantay-pantay.”
  22. “LGBT ay Hindi Laruan upang Paglaruan at Hindi Komedya na Pinagtatawanan.”

Konklusyon sa Slogan Tungkol sa Karapatan ng LGBT sa Tagalog

Dapat nating galangin ang mga nasa LGBT community dahil ang karapatan natin ay karapatan din nila. Itigil na ang diskriminasyon at pangungutya sa kanilang kasarian dahil kung ganon tayo ang nagmumukhang mangmang.

Sana ay nakatulong sa inyo ang mga halimbawa ng slogan tungkol sa LGBT. Marapat lamang na tanggapin at respetuhin sila ng lipunan para sa ikauunlad ng ating bansa. Hindi masama ang maging iba, ang masama ay kung hindi mo nirerespeto ang karapatan ng iba.

Kung may tanong kayo o suhestyon tungkol sa ating topiko ay ilagay lamang ang inyong komento sa ibaba. Kung gusto niyo naman ng iba pang leksyon sa Filipino, bisitahin ang aming websyt dahil palagi kaming may bagong update.

Iba Pang Aralin Para Sa Inyo

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment