Slogan Tungkol Sa Guro (20+ Mga Slogan)

SLOGAN TUNGKOL SA GURO – Ating pag-aralan ang mga halimbawa ng slogan tungkol sa guro o gurong Pilipino sa Tagalog. Ang mga guro ay maituturing na mga huwarang bayani natin sapagkat binibigay nila ang kanilang pinakamahusay na talento at talino para maturuan tayo.

Hindi biro ang preparasyon nila sa kanilang mga klase sa araw-araw pati na rin ang pagdidisiplina na kung minsan ay nakakalimutan na nila ang kanilang sarili. Maliit man ang sahod nila ay buong puso parin nilang tinuturuan ang mga kabataang Pilipino.

Slogan Tungkol Sa Guro
Slogan Tungkol Sa Guro

20+ Halimbawa ng Slogan Tungkol sa Gurong Pilipino sa Tagalog

  1. “Guro, mga Taong dapat Pahalagahan dahil Sila ang Gagabay tungo sa Ating Pangarap.”
  2. “Guro ang Tulay sa Pangarap, Guro ang Liwanag ng Pag-asa ng Bayan.”
  3. “Ang Guro ay Nagtuturo ng Sanhi ng Kaalaman na Magbubunga Kailanman.”
  4. “Salamat ay Hindi Sapat sa mga Gurong Pilipino na Naging daan Marating lamang ang Magandang Kinabukasan.”
  5. “Salamat ay di’ Sapat sa Gurong Tapat, Patawad sapagkat Kami’y di’ Maawat.”
  6. “Guro ang Nagbibigay Inspirasyon sa mga Kabataan Noon at Ngayon.”
  7. “Mga Guro ang Nagsisilbing Gabay upang Makamit ang Ating mga Pangarap at Tagumpay.”
  8. “Sa Panahon ng Pandemya ang mga Guro ang Gabay Marami mang Pagsubok pero ang Kabataan ay Magtatagumpay.”
  9. “Aking Guro, Aking Bayani!”
  10. “Mga Gurong Pilipino ang Nagsasakripisyo upang Magsilbing Tulay para sa mga Batang Pilipino Patungo sa Isang Magandang Kinabukasan.”
  11. “Mga Guro ng Bayan, Sandalan, Sandigan upang Makamit ang Magandang Kinabukasan.”
  12. “Dahil sa Kabutihan Loob na Ginawa Mo Ako ay Nagpapasalamat at Sayo ay Sumasaludo.”
  13. “Ang Arawng mga Guro, ang Pinakamahalagang Araw.”
  14. “Mga Guro ng Sambayanan ang Dahilan Tungo sa Magandang Kinabukasan.’
  15. Guro ang Gabay sa Tamang Daan ng Kabataang Manlalakbay.”
  16. “Gurong Pilipino: Turo Mo, Kinabukasan Ko.”
  17. “Ang mga Guro ay Masisipag at Marunong Pahalagahan ang mga Bagay.”
  18. “Gurong Pilipino, Kaagapay ng Kabataan sa Progreso.”
  19. “Makabagong Kaalaman, Itinuturo ng Modernong Guro na Kaagapay Patungo sa Kinabukasan.”
  20. “Modernong Guro, Teknolohiya ay Niyakap para ang Modernong Kabataan Matuto.”
  21. “Gurong Pilipino’y laging Handa sa Makabagong Hamon sa Kanilang Propesyon.”
  22. “Katuwang ng Lipunan ang mga Guro sa Paaralan sa Pag-agapay sa mga Kabataan.”
  23. “Si Mam at si Sir, Tinutulungan Akong maging Titser.”

Konklusyon sa Slogan Tungkol sa Guro sa Tagalog

Sana sa pamamagitan nitong mga slogan tungkol sa guro ay pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga walang kapagurang guro. Hindi matatawaran ang kanilang dedikasyon sa pagbigay sa atin ng dekalidad na edukasyon upang makamit natin ang pangarap sa hinaharap.

Binuhos nila ang kanilang galing at oras kahit na minsan ay wala na silang oras para sa kanilang sarili at pamilya. Ang simpleng ABAKADA ay hindi matututunan kung hindi dahil sa kanila kaya – thank you mam at sir kami ay natuto na.

Kung may suhestyon kayo o tanong sa ating topiko ay magkomento lamang sa ibaba. Marami rin kaming iba pa aralin sa Filipino na mapag-aaralan ninyo kaya bumisita lang sa aming websyt.

Iba Pang Aralin Para Sa Inyo

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment