Slogan Tungkol Sa Daigdig (10+ Mga Slogan)

SLOGAN TUNGKOL SA DAIGDIG – Ngayon, ating pag-aralan ang mga halimbawa ng slogan tungkol sa pangangalaga sa daigdig. Ito ang ating tahanan kaya dapat natin itong mahalin at alagaan.

Sa pagdami ng mga tao sa mundo, dumarami na rin ang problemang kinakaharap nito lalong lalo na sa polusyon at global warming. Isang sanhi natin ang pang-aabuso ginagawa nating mga tao, kaya bilang sukli ay kailangan nating alagaan ang ating tirahan.

Slogan Tungkol Sa Daigdig
Slogan Tungkol Sa Daigdig

10+ Halimbawa ng Slogan Tungkol sa Pangangalaga ng Daigdig

  1. “Alagaan Natin ang Mundo dahil yan ang Tama.”
  2. “Magtanim ng Puno, Iligtas ang Mundo.”
  3. “Kagandahan ng Kalikasan ay Pangalagaan dahil ito ang Ating Tirahan.”
  4. “Ang Daigdig ang Ating Tahanan kaya dapat Natin itong Mahalin at Alagaan.”
  5. “Nasa Kalikasan ang Ating Kaligtasan.”
  6. “Turuan ang mga Kabattan na Alagaan ang Kalikasan para sa Kanilang Kinabukasan.”
  7. “Kakapusa ay Agapan, Hayop at Kapaligiran ay Alagaan.”
  8. “Tayo’y Magkaisa, Isalba ang Mundo Habang Maaga pa.”
  9. “Iisa lang ang Mundo para sa Atin kaya dapat Natin itong Linangin.”
  10. “Ang Buhay ng Tao ay KOnektado sa Buhay ng Mundo.”
  11. “Ating Daigdig, dapat Alagaan, Huwag Pagsamantalahan.”
  12. “Pangangalaga sa Daigdig ay Aksyunan lalong-lalo na sa Karagatan at Kagubatan.”
  13. “Iisa ang Ating Mundo, Iisa lang rin ang Buhay Mo kaya Pahalagahan Mo ito.”

Konklusyon sa Slogan Tungkol sa Daigdig

Maraming mga aktibidad tayong mga tao na siyang naging problema ng ating mundo. Para maibsan ang mga ito ay dapat na magtulungan din tayong pangalagaan ito.

Magandang halimbawa ng pagtulong sa daigdig ay ang pagtanim ng mga puno at pagtapon ng mga basura sa tamang lalagyan. Sana naman ay nakatulong ang mga slogan tungkol sa daigdig upang mahikayat ang lahat na arugain natin ang ating tahanan.

Kung may suhestyon kayo at tanong tungkol sa ating paksa ay magkomento lamang sa ibaba para malaman namin ang nasa inyong isip tungkol dito. Bumisita na din sa aming websyt para sa iba pang leksyon sa Filipino na tuyak na makakatulong sa inyo.

Iba Pang Aralin Para Sa Inyo

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment