Uri Ng Sanaysay At Halimbawa Nito

URI NG SANAYSAY – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang dalawang (2) uri ng sanaysay sa Tagalog at mga halimbawa nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga sanaysay na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Ano Ang Kahulugan Ng Sanaysay?

Ang sanaysay o essay sa Ingles ay isang uri ng sulatin may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang isang sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda.

Ang mga sanaysay ay isang komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Naipapahayag ng may akda ang sariling impormasyon, magpahayag ng nararamdaman,magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.

Gamit ang malawak na pag-iisip maaaring tumalakay ng iba’t ibang paksa gaya ng pag-ibig, kapaligiran, pamilya, lipunan, mundo, at iba pa.

Uri Ng Sanaysay - Ano Ang Dalawang Uri Ng Sanaysay At Halimbawa Nito
Uri Ng Sanaysay

Ano Ang Dalawang Uri Ng Sanaysay

Ngayon na nalaman na natin kung ano ang kahulugan ng sanaysay, talakayin naman natin ang mga uri ng sanaysay.

  • Pormal na Sanaysay – Ito ay isang uri ng sulatin na may maayos at seryosong paksa at nilalaman. Mahahalagang impormasyon ang nililikha dito upang mapukaw ang isip at damdamin ng mambabasa.
    • Hindi ito nakabatay sa opinyon ng awtor sapagkat dumaan ito sa proseso nang maingat na pananaliksik at pagsusuri ng mga datos. Karaniwang paksa nito ang mga importanteng tao, pangyayari, mga isyu sa lipunan at kung paano ito masusulusyunan. Ang halimbawa nito ay ang pahayagang editoryal.
  • Di-pormal na Sanaysay – Ang di-pormal na sanaysay ay isang sulatin na mas malaya at naipapakita ng awtor ang kanyang personalidad na parang nakikipag-usap sa isang kaibigan. Karaniwang paksa ng manunulat ang kanyang mga karanasan at pananaw sa mga bagay at pangyayari sa paligid. Nagtataglay din ito ng nakaka-aliw at nakaka-akit na nilalaman sapagkat ang awtor ay hindi na kailangang magbase sa iba.

Ang sanaysay ay may dalawang (2) uri. Ito ay ang pormal na sanaysay at di-pormal na sanaysay.

Halimbawa ng Sanaysay

1. Sanaysay Tungkol Sa Sarili
Sino Ako?

Ang aking ina, ama, kapatid, tiyahin, tiyuhin, pinsan, at mga kaibigan. Silang lahat ay aking nakasama sa luob ng mahabang panahon. Kilala ko ang bawat miyembro ng aking pamilya, ganuon din naman ang aking mga kaibigan.

Alam ko ang mga bagay na hilig nilang gawin at mga lugar na lagi nilang pinupuntahan, pati mga pagkaing madalas nilang kinakain. Ganuon ko sila kakilala, ngunit sapat na ba iyon upang malaman ko kung sino talaga sila? Gaya ng aking sarili. Lubos ko na bang kilala kung sino talaga ako, bilang ako?

Ako, isang simpleng tao. Gaya ng iba mayroon din akong mga pangarap. Mga pangarap na walang katapusan.

Kapag mayroon na akong mga ninanais na bagay na aking nakamit ay mayroon na namang bagong pangarap na uusbong sa aking puso at isip. Maiksi lamang ang buhay at walang sandali ang dapat sayangin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Sino Ako?” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Batay sa kahulugan at 2 uri ng sanaysay, narito ang isang halimbawa ng sanaysay na pinamagatang Sino Ako?. Ito ay isang halimbawa ng mga maikling sanaysay tungkol sa sarili. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.

2. Sanaysay Tungkol Sa Pangarap
Ang Pangarap Ko Sa Buhay

Ang pangarap ang nagsilbeng gabay ng aking mga pagsisikap.Ito nalang ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan. Ang aking pangarap ay makapunta sana sa ibang bansa.

Gusto ko doon magtrabaho dahil malaking tulong ito sa aming mamaahon sa kahirapan. Sa kabilang dako naman,alam ko na hindi ito matupad kapag hindi ako makatapos ng high school ganoon din sa kolehiyo.Kaya, pagbutihin ko na ang pananaw ko ngayon sa buhay.

Mag- aral ako sa ALS habang nagtatrabaho ng kahit ano nakakabuti sa aming pamilya at makatulong sa pag-aalaga sa aking mga bunsong kapatid. Sana makapasa na ako ngayon sa pasulit dahil magpatuloy ako sa kolehiyo upang makatapos ng kurso…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ang Pangarap Ko Sa Buhay” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang isang halimbawa ng sanaysay na pinamagatang Ang Pangarap Ko Sa Buhay. Ito ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Konklusyon

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang dalawang (2) uri ng sanaysay at halimbawa nito. Dagdag na rin ang kahulugan ng sanaysay na makakatulong sa inyo.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment