Sanaysay Tungkol Sa Pangarap – 8 Maikling Sanaysay

SANAYSAY TUNGKOL SA PANGARAP – Tunghayan ang mga halimbawa ng maikling di pormal na sanaysay tungkol sa tagumpay at pagkamit sa pangarap sa buhay ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Lahat tayo ay may pangarap, batid din ng marami sa atin hindi madali ang pag-abot nito. Ngunit kung tayo ay pursigido na maabot ito lahat ay ating gagawin para magtagumpay. Gaano man kalaki o kaliit ang ating pangarap basta’t pagsusumikapan ay tiyak na makakamtan. Hindi lahat sa atin ang natutupad ang mga pangarap pero sipag at tiyaga ang kailangan upang magkaroon ng katuparan.

Sana sa pamamagitan nitong mga sanaysay sa pangarap ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay at makamit sa ating pangarap. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng sanaysay.

See also: Talumpati Tungkol Sa Pangarap

8 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Pangarap Sa Buhay Tagalog

Time needed: 5 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa Pangarap.

  1. Ang Pangarap Ko Sa Buhay

  2. Sa Pagkamit Ng Mga Pangarap

  3. Sa Rurok Ng Tagumpay

  4. Aking Pangarap

  5. Buhay Ng May Pangarap At Hangarin

  6. Ang Aking Pangarap

    Sanaysay mula sa alstutor.wordpress.com

  7. Ang Aking Pangarap

    Sanaysay mula sa johnmarlonabat28.blogspot.com

  8. “Maliit kong Silid, Tanawin mo!!” “Ang Silid ng Aking mga Pangarap”

SANAYSAY TUNGKOL SA PANGARAP 2021 - 8 HALIMBAWA NG MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL SA PANGARAP
SANAYSAY TUNGKOL SA PANGARAP

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang maikling sanaysay. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng maikling sanaysay sa pangarap.

1. Ang Pangarap Ko Sa Buhay

Ang pangarap ang nagsilbeng gabay ng aking mga pagsisikap.Ito nalang ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan.Ang aking pangarap ay makapunta sana sa ibang bansa.

Gusto ko doon magtrabaho dahil malaking tulong ito sa aming mamaahon sa kahirapan.Sa kabilang dako naman,alam ko na hindi ito matupad kapag hindi ako makatapos ng high school ganoon din sa kolehiyo.

Kaya,pagbutihin ko na ang pananaw ko ngayon sa buhay.Mag- aral ako sa ALS habang nagtatrabaho ng kahit ano nakakabuti sa aming pamilya at makatulong sa pag-aalaga sa aking mga bunsong kapatid.Sana makapasa na ako ngayon sa pasulit dahil magpatuloy ako sa kolehiyo upang makatapos ng kurso…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ang Pangarap Ko Sa Buhay” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Ang Pangarap Ko Sa Buhay ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay.

2. Sa pagkamit ng mga pangarap

Tayong mga tao na nabubuhay sa mundo ay mayroon tinatawag na pangarap. Isang bagay na nais nating makamit o maabot na ating pinagsusumikapan. Bawat tao ay may iba’t ibang pagiisip kaya naman may kanya kanya tayong pangarap sa buhay.

Mga pangarap na nagsisilbing isa sa ating inspirasyon kung bakit tayo ay determinado at nagsusumikap sa ating mga ginagawa. Ang pangarap ay hindi madaling makamit ngunit tiyak mo na maaabot ang pangarap kung ikaw mismo ay mayroong pagtatyaga at pagsisikap.

Pagtatyaga at pagsisikap sa buhay ang isa sa mga sagot upang maabot ang pangarap. Idagdag mo pa ang determinasyon at tamang diskarte sa buhay sa pagkamit ng pangarap mo sa buhay...

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Sa pagkamit ng mga pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Sa pagkamit ng mga pangarap ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay sa pangarap sa buhay.

3. Sa Rurok Ng Tagumpay

Sa araw-araw nating pakikipaglaban upang mabuhay, maraming mga pagsubok ang ating nakakasalubong sa lansangan. Minsan tayo ay pinalad at minsan nama’y umuwi tayo ng luhaan.

Walang perpektong nilalang sa mundong ibabaw ika nga, kaya dapat alam mo sa iyong sarili kung hanggang saan aabot ang iyong mga ngiti sa kasiyahan at mga luha sa kalungkutan.

Walang madali sa lahat ng aspeto ng ating buhay, lahat ng mga bagay ay ating pinaghirapan, dugo at pawis ang ating pinuhunan. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pangarap, kanya-kanyang deskarte at kanyakanyang plano kung paano makatakas sa madilim na kulungan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Sa Rurok ng Tagumpay” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Sa Rurok ng Tagumpay” ni 19BlackDiamond86 ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay sa pangarap sa buhay.

4. Aking Pangarap

Ang pangarap ng isang indibidwal ay nakakamit lamang sa pamamagitan ng kanyang kasipagan at interes na makamit ito. Binibigyan nito ng importansya ang sarili na matulungan na maiangat ang antas ng kanyang buhay tungo sa magandang kinabukasan at sa hinaharap.

Ang aking sanaysay na ang tanging nilalaman nito ay tungkol sa aking mga pangarap.

Sa dinami-dami man ng pagsubok ay di ko nagawang bumitaw sa mga ito, sa kadahilanang gusto kong ipakita sa aking pamilya na kaya kong mabuhay at buhayin ang mga taong nakapaligid sa akin at patuloy na sumusuporta sa aking pag-aaral…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Aking Pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Aking Pangarap ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay.

5. Buhay ng may Pangarap at Hangarin

Tayo ay may mga pangarap o mga hangarin sa buhay. Ito ang nagiging inspirasyon natin upang tayo ay magpursige para makamit ang mga pangarap o mga layunin na ito.

Ngunit kailangan nga ba natin malalaman kung itong pangarap na ito ay para sa atin? Kung ito bang mga hangarin na ito ay makakaya natin?

Ilan lamang ito sa mga tanong na laging umiikot sa ating isipan kapag nagtatalakay tayo tungkol sa mga bagay na iyon. Meron tayong kanya-kanyang mga pangarap at mga layunin o goals sa ating buhay...

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Buhay ng may Pangarap at Hangarin” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Buhay ng may Pangarap at Hangarin ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay sa pangarap sa buhay.

6. Ang Aking Pangarap

Bata pa lang ako ay mahilig na akong magluto. Sa katunayan, palagi akong nakasunod sa aking mga magulang sa tuwing sila ay nagluluto ng aming pagkain.

Dito ako nagsimulang mangarap na maging isang magaling na chef.

Iisa lang ang naiisip ko na paraan upang maabot ko ang aking pangarap. Ito ay ang pag-igihan ko ang aking pag-aaral dito sa Alternative Learning System (ALS)…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ang Aking Pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Ang Aking Pangarap ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay sa pangarap sa buhay.

7. Ang Aking Pangarap

Ang pangarap ko sa buhay ay ang makatapos ng aking pag-aaral dito sa D.A at makapag kolihiyo. Para sa akin kahit hindi ako masyadong magaling sa klasi ngunit hindi ito hadlang para maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay.

Gagawin ko ang lahat para sa ikakatupad ng aking mga pangarap, salat man kami sa pera pero mag susumikap ako para makamit ko ang mga bagay na gusto kong maabot at makamtan.

Higit sa lahat kailangan kong maging matapang sa bawat pagsubok na aking tatahakin at makasagupa sa buhay. Pangarap ko kasing makapag-abraod at doon makipag sapalaran sa buhay...

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ang Aking Pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Ang Aking Pangarap ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay sa pangarap sa buhay.

8. “Maliit kong Silid, Tanawin mo!!” “Ang Silid ng Aking mga Pangarap”

Mula pagkabata dito sa munting tahanan na ito ako nakatira,kasama ang aking mga magulang at mga kapatid. Isang tahanan na puno ng pagmamahalan at pag aaruga.

Simpleng tahanan na may dalawang silid,isang tanggapan ng mga panauhin,kainan, kusina at palikuran. Samahan mo ako at ipapasilip ko sa’yo ang tinagurian kong “Silid ng Aking mga Pangarap”

Pagpasok mo pa lang sa aming munting tahanan, ang aming munting tanggapan ang bubungad sa iyo at sa dako pa roon ay nandoon ang aming kainan, kusina at palikuran.

Isang hakbang sa aming pasilyo madadaanan mo ang silid ng aking mga magulang kasunod na ang silid namin ng aking mga kapatid.

Pagbukas ng pinto maaring mapatigagal ka sa iyong makikita. Dalawang kama, isa sa kanan para sa dalawa kong kapatid at isa sa kaliwa malapit sa bintana na aking pag-aari. Isang orocan na durabox lang ang naghahati sa dalawang kama.

Ang aking kama na pinakaborito kong bahagi ng aming silid. Kaya naman para sa akin masasabi kong maganda ang aming tahanan lalo na ang aming silid…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Maliit kong Silid, Tanawin mo!!” “Ang Silid ng Aking mga Pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Maliit kong Silid, Tanawin mo!!” “Ang Silid ng Aking mga Pangarap” ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay sa pangarap sa buhay.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Konklusyon

Ang pangarap ay isang bagay na dapat pahalagahan at isapuso natin. Kaya ang artikulong mga Sanaysay Tungkol Sa Pangarap ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon at aral sa pagkamit at pagtagumpay sa ating mga pangarap sa buhay.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment