Sanaysay Tungkol Sa Pandemya – 5 Maikling Sanaysay

SANAYSAY TUNGKOL SA PANDEMYA – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling sanaysay tungkol sa panahon ng pandemya ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa edukasyon ngayong pandemya (Covid 19) ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

Ang mga sanaysay tungkol sa pandemya ay nagpapakita ng mga karanasan ng mga tao sa panahon ng pagsubok. May mga malungkot at masayang karanasan ang mga tao na siyang kapupulutan natin ng aral at inspirasyon. Bagama’t ang malaking hamon dulot ng pandemya ay nagbigay ng pag-asa, pagmamahal at pananampalataya sa panahon sa ating lahat. Kaya pasalamatan din natin ang mga frontliners na tumulong sa napakaraming Pilipino sa panahon ng pandemya.

Sana ang mga sanaysay tungkol sa pandemya ang magsilbing inspirasyon upang mas mahalin at pahalagahan pa natin ang ating mga kaibigan, magulang at kapwa-tao. Pahalagahan at bigyang atensyon ang mga bagay at taong minsan lang natin nakasama upang maipadamana din natin sa kanila na may pandemya man o wala ay mahalaga at mahal natin sila.

See also: Talumpati Tungkol Sa Pandemya

Sanaysay Tungkol Sa Pandemya – 5 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Karanasan Sa Buhay Sa Panahon Ng Pandemic Tagalog

Time needed: 5 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa Pandemic (Covid 19).

  1. Sanaysay Tungkol Sa Pandemya

    Sanaysay mula sa panitikan.com.ph

  2. Ang Aking Karanasan Sa Panahon Ng Pandemya?

  3. Karanasan Sa Covid 19

  4. Sanaysay Tungkol Sa Pandemya

    Sanaysay ni Mary Grace Patulada

  5. Epekto ng Pandemya Sa Kinabukasan Ng Bata

Sanaysay Tungkol Sa Pandemya – 5 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Karanasan Sa Buhay Sa Panahon Ng Pandemic Tagalog

SANAYSAY TUNGKOL SA PANDEMYA 2021 - 5 HALIMBAWA NG MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL SA PANDEMYA
SANAYSAY TUNGKOL SA PANDEMYA 2021 – 5 HALIMBAWA NG MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL SA PANDEMYA

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling Sanaysay Tungkol sa Pandemya (Covid 19). Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa pagsubok na karanasan at edukasyon sa panahon ng pandemic.

Sanaysay Tungkol sa Pandemya

Alam nating lahat na masama ang epekto ng pandemya sa aspeto ng kabuhayan,trabaho ng bawat isa sa’tin,ekonomiya at maging ang pag-aaral ng mga kabataang tulad ko.

Sa panahon ng pandemya alam kong lahat ay nag-hihirap at nawawalan ng pag-asa.

Sa patuloy na paglaganap ng pandemyang ito,patuloy din itong sinusubok ang ating pagbabayanihan sa kung paano natin ito masusugpo at malalabanan.
Ngunit batid ko na marami sa ating kababayan at maging sa ibang panig ng mundo ang unti-unting nang nawawalan ng pag-asa na kung ito ba ay atin pang makakaya o hindi na.

Hindi man biro ang pinagdaraanan natin ngayon pero alam kong meron paring mainam na solusyon.

Bago pa man magka-pandemya diba’t tayong lahat ay nagsasaya?

Kaya’t wag tayong mawalan ng pag-asa sapagkat isa lamang ito sa mga pagsubok na darating pa sa hinaharap. Kung susuko ka ngayon paano ang bukas?
Ang magandang bukas na naghihintay sa’yo. Ako man ay nangagamba pero nandiyan ang Panginoong Diyos na nakamasid at palihim na tumutulong sa pagsugpo sa malaking problemang ating hinaharap ngayon.

Malalagpasan rin natin ‘to basta’t tayo’y magkaisa at manalig sa itaas.

Sanaysay tungkol sa panahon ng pandemya ni Miss A.A

Ang talumpati na pinamagatang Sanaysay Tungkol sa Pandemya ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang sanaysay tungkol sa karanasan ngayong pandemic na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng (Covid 19).

Ang Aking Karanasan Sa Panahon Ng Pandemya?

Ang pagsiklab ng pandemya sa bansa ay nagbunsod ng malalaking hamon na aking kinaharap sa panahong ito. Nariyan ang takot at pangamba sa aking kaligtasan gayundin ng aking pamilya sapagkat ang sakit na kumakalat sa bansa ay labis at lubhang nakahahawa.

Kung kaya naman ito ay nag-iwan ng takot sa aking isipan. Sa usaping edukasyon, ako ay kumakaharap ng isang matinding hamon sa pagbabago ng pamamaraan ng pagtuturo gayundin ang paggamit ng mga kinakailangang materyal.

Hindi madali ang matuto ng leksyon sa sariling mga kamay sapagkat may mga kaalaman na hindi pa abot ng aking kaunawaan.

Sa paggamit naman ng cellphone at internet, hindi rin naging madali sapagkat ito ay nakadaragdag sa gastusin ng aking pamilya.

Batid kong lahat ay nahihirapan sa panahon ng panddemya subalit ang mga pagsubok na ito ay hindi natin dapat sukuan.

Sanaysay Tungkol Sa Pandemya Tagalog mula sa panitikan.com.ph

Ang talumpati na pinamagatang Ang Aking Karanasan Sa Panahon Ng Pandemya? ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang sanaysay tungkol sa karanasan ngayong pandemic na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng pandemya (Covid 19).

“Karanasan sa Covid 19”

Madaming naging karanasan ang mga tao ngayon panahon na ito. Dahil ito sa covid 19 na isang sakit na sobrang nakakahawa sa tao, madaming tao ang nahihirapan dahil sa wala na silang trabaho o kalahati nalang ang nakukuha nilang sahod. Estudyante ang isa sa pinaka nahihirapan ngayong panahon na ito dahil bawal magpatuloy ang klase ngayong may pandemya dahil baka kumalat ang sakit at madaming estudyante ang magkaroon ng covid 19.

Isa akong estudyante at ito ang mga naging karanasan ko, nung una hindi ako masyadong nahirapan dahil sanay naman ako na hindi lumalabas ng bahay kaso nung tumatagal na nahihirapan na din ako. Nahihirapan kami dahil kailangan naming magtipid kasi di naming alam kung kalian kami mauubusan ng mga pagkain o pera, isa na din sa naging problema ng isang estudyante na katulad ko kung paano kami makakapasok sa eskwelahan o makakapag aral dahil sa panahon ngayon hindi pinapayagan na lumabas ng bahal yung edad 20 pababa. Halos lahat ng estudyante ay nasa edad 20 pababa kaya yun yung isa sa naging problema ng kapwa ko estudyante, at nagkaroon ng (online class) kung saan makakapag aral pa din yung mga estudyante sa pamamagitan ng internet. Bilang isang estudyante kailangan kung subukan yun dahil mahirap naman kung titigil ako sa pag aaral ko, kaya madaming estudyante ang pumapasok sa online class) ngayon dahil sa ligtas at hindi na kailangan lumabas ng bahay. Madami din ang hindi pumasok sa online class dahil hindi sapat ang kanilang pera upang makapag patuloy sa pag aaral, nung una hindi ko alam kung makakapag patuloy pa ako sa pag aaral dahil hindi na nagiging sapat ang pera ng aking mga magulang kaso pumasok parin ako sa online class kahit nahihirapan.

Ito ang aking naging karanasan bilang isang estudyante at isang tao na humaharap din sa hamon ng buhay, madami tayong nagiging problema pero lagi natin tandaan na malalagpasan natin ito kaya bilang estudyante katulad ko kailangan natin magpatuloy sa buhay kahit nahihirapan tayo. Nasulat ko ito dahil madami akong naging aral dahil sa pagsubok na ito at madami akong naging karanasan na bumago sa aking buhay.

Sanaysay tungkol sa karanasan sa pandemya mula sa scribd.com

Ang talumpati na pinamagatang “Karanasan sa Covid 19” ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang sanaysay tungkol sa karanasan ngayong pandemic na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng (Covid 19).

Sanaysay Tungkol Sa Pandemya – 5 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Karanasan Sa Buhay Sa Panahon Ng Pandemic Tagalog

Sanaysay Tungkol sa Pandemya

Malaki ang naging pinagbago ng mundo nang dahil sa pandemya. Naging mahirap ang buhay at ultimo pati paglabas sa bahay. Maging ang pag-aaral ng mga estudyante at paghahanap-trabaho nga bawat magulang naging limitado at apektado. Sa kadhilanang ito, mga pangarap at pananaw ng kabataan ay naging malungkot at nawalan ng buhay. Mas maproduktibo pa rin ang pag-aaral na may gabay nga mga guro. Kaya’t sana ang pandemya dulot ng sakit na Covid ay matapos na nang panibagong buhay ay masimulan na.

Sanaysay tungkol sa karanasan sa panahon ng pandemya ni Mary Grace Patulada

Ang talumpati na pinamagatang Sanaysay Tungkol sa Pandemya ay isang halimbawa ng mga maikling sanaysay tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang sanaysay tungkol sa karanasan ngayong pandemic na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng (Covid 19).

Epekto Ng Pandemya Sa Kinabukasan Ng Bata

Sa unti-unting pagluwag ng pandemic lockdown, palayo nang palayo ang ginagala nating lugar sa labas ng bahay. Para tayong nagsusuri ng pinsala pagkalipas ng bagyo. Wala na ang suking barberya, ang paboritong restoran, ang dating pasyalang resort sa dulo ng lungsod. Maraming bakanteng gusali, naglalakad na tila tuliro, at namamalimos.

Malaking sakuna talaga itong COVID-19.

Malalim ang sugat sa lipunan ng pandemya. Apat na mil­yon ang out-of school youth. Karamiha’y mga estudyante­ sa pribadong paaralan na kinapos ang pang-tuition, ani Sen. Sonny Angara. At karamihan ay grade school. Ibig sabihin kailangan pang matuto ng basic Math, Science at Reading para makapaghanapbuhay sa wastong edad. Baka nga tuluyan na silang mawalan ng interes sa pag-aaral, nag-aalala si Angara na chairman ng Senate committee on education. Wala silang iaasenso.

Samantala, napag-iwanan ang Pilipinas ng mag-aaral sa mga kapit-bansa. Sa Malaysia, Vietnam, Thailand at Sin­gapore patuloy ang face-to-face classes habang sa Pili­pinas ay mahabang bakasyon kasunod ang online learning. Batid ng mga eksperto na ‘di epektibo ang puro online. Mas dudumugin ng investors kung saan mataas ang pinag-aralan.

Nalusaw ang puhunan ng maraming entrepreneurs. Malaking halaga ang nilaan ng gobyerno para makabangon sila. Pero sa papel lang ‘yon. Sa totoo kapos ang koleksiyon ng buwis dahil nga lagapak ang ekonomiya. Hirap ding umutang ang gobyerno dahil sa pangmatagalang epekto nu’n. Mga apo ng apo natin ang magbabayad ng uutangin natin.

Hindi na maibabalik ang mga pinatay ng COVID-19. Ma­aring permanente at seryoso ang epekto sa katawan ng daan-daang libong gumaling mula impeksiyon, anang mga doktor. Dapat alalayan sila.

Maraming nabuntis nang murang edad, wala pang 16, anang Population Commission. Habambuhay dadalhin ng mga teenage mothers ang maselang epekto nito sa kalusugan, isip at kabuhayan nila.

Sanaysay tungkol sa karanasan ng kabataan sa panahon ng pandemya ni Jarius Bondoc

Ang talumpati na pinamagatang Epekto Ng Pandemya Sa Kinabukasan Ng Bata ay isang halimbawa ng mga maikling sanaysay tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang sanaysay tungkol sa karanasan ngayong pandemic na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng (Covid 19).

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Summary of Sanaysay Tungkol Sa Karanasan Sa Pandemya 2022

Ang pandemya ang masasabi kong nagpatigil sa mundo. Ang lahat ay tuliro, takot at hindi alam ang gagawin o kung paano haharapin ang pagsubok na dala ng Covid 19. Siguro, tayo ay ginising ng Diyos upang pagnilayan ang mga pangyayari sa ating buhay na nakakaligtaan natin. Kaya ang artikulong Sanaysay Tungkol Sa Pandemya ay siyang magsisilbing inspirasyon natin upang patatagin ang ating kalooban, manalangin at maghanda dahil hindi natin alam ang maari pang mangyari bukas.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pandemya. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, 5 Halimbawa Ng Maikling Sanaysay Tungkol Sa Pandemya (Covid 19) At Edukasyon. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment