Sanaysay Tungkol Sa Magulang – 8 Maikling Sanaysay

SANAYSAY TUNGKOL SA MAGULANG – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang sanaysay tungkol sa dakilang pagmamahal o pag-ibig sa magulang ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa kadakilaan ng mga magulang ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

Ang mga sanaysay tungkol sa magulang ay nagpapakita ng pagmamahal ng mga magulang sa tahanan. Hindi biro ang ginagampanang papel ng mga magulang sa ating tahanan. Sila ang pinakamahalagang bumubuo sa isang tahanan dahil ang ina at ama ang kumakalinga at nagtuturo ng mabubuting asal sa mga anak. Bagama’t isang malaking hamon ang magpalagi at mag-aruga ng mga anak. Kaya ang simpleng pagyakap o paghalik at pagsabi ng- Salamat Nanay at Tatay, mahal ko po kayo ay napakasarap sa pakiramdam para sa ating mga magulang.

Sana ang mga sanaysay tungkol sa magulang ang magsilbing inspirasyon upang mas mahalin at pahalagahan pa natin ang ating mga magulang. Pahalagahan at sundin ang mga mabubuting aral nila upang ito’y maipamana din natin sa ating mga anak sa susunod pang mga henerasyon.

Sanaysay Tungkol Sa Magulang – 8 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Pagmamahal O Pag-ibig Sa Magulang Tagalog

Time needed: 5 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa Magulang.

  1. Ang Ating Magulang: Igalang, Mahalin At Pahalagahan

  2. Mahal Ko Kayo Aking Magulang

  3. Aking Magulang, Aking Inspirasyon

  4. Ang Magulang

  5. Ang Aking Bayani Ay Ang Aking Magulang

  6. Maikling Sanaysay Tungkol Sa Kanyang Lola

  7. Kahalagahan Ng Magulang

  8. Pagmamahal Ng Magulang Ating Bigyang Halaga

Sanaysay Tungkol Sa Magulang – 8 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Pagmamahal O Pag-ibig Sa Magulang Tagalog

SANAYSAY TUNGKOL SA MAGULANG 2021 - 8 HALIMBAWA NG MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL SA MAGULANG
SANAYSAY TUNGKOL SA MAGULANG 2021 – 8 HALIMBAWA NG MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL SA MAGULANG

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling Sanaysay Tungkol sa Magulang. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa pagmamahal o pag-ibig sa mga magulang.

Ang Ating mga Magulang: Igalang, Mahalin at Pahalagahan

Ang ating mga magulang ay ang pinakamahalagang tao sa buhay natin. Simula pagmulat ng ating mga mata hanggang sa panahong mayroon na tayong tama at sapat na isipan ay kasama natin sila. Sila yung nagpapakahirap makaraos lamang ang pamilya sa pang-araw-araw na mga pangangailangan. Ang ating mga magulang, gagawin lahat maibigay lamang yung mga bagay na makapag-papasaya sa atin. Ang mga magulang ang siyang sumusuporta sa atin ano man ang maging desisyon nating sa mga bagay-bagay at iba’t ibang aspeto ng buhay. Sila rin ang gumagabay sa atin, parating nariyan matiyak lamang ang ating kaayusan. Ang ating mga magulang ang gumagawa ng paraan makapagtapos lamang tayo ng pag-aaral. Kahit anong hirap, titiisin nila para lamang sa atin. Sila rin yung unang taong parati nating karamay sa mga oras na mayroon tayong problema na hindi nating magawang solusyonan ng tayo lang. Ang ating mga magulang ang siyang lahat-lahat sa atin. Kung kaya’t mapalad yung mga nabiyayaan ng kumpleto at masayang pamilya. Isang buong pamilya na magkakasama sa hirap at ginhawa, lungkot at kasiyahan.

Ako, lumaki ng walang kinikilalang ina. Dalawang araw pa lamang ako dito sa mundo noong ako’y kanyang iniwanan. Wala e, kinuha agad siya ng Panginoon. Ang nakakalungkot, hindi man lamang ako nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang babaing nagluwal at nagbigay buhay sa akin. Hindi ko man lamang nakita ang maganda at maamong mukha ng pinakamamahal kong ina. Hindi man lamang ako nabigyan ng pagkakataon na maiparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi rin ako nakapag-pasalamat para sa siyam na buwan niyang paghihirap, pagtitiis at pag-aalaga sa akin sa loob ng kanyang sinapupunan. Nakakalungkot!! Sobra. Napakaraming oportunidad sa buhay kasama siya ang agad ng nawala sa akin. Kahit ano pa ang gawin ko, hindi ko na maibabalik ang mga pangyayaring nakalipas na. Hindi ko rin maibabalik ang buhay ng yumao kong ina. Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay harapin ang bukas ng buong tapang at maluwag na tanggapin sa aking puso at isipan ang katotohanang kahit kailang ay hindi na mabubuo pa ang aming pamilya. Kahit na pagbali-baligtarin ko pa ang mundo, ang nakaraan ay tapos na at kailangan ng kalimutan. Ang dapat ko na lang pagtuunan ng pansin ay kung anong meron ako ngayon. Ang aking ama! Siya na lang ang nag-iisa at dapat kong ingatan. Oo, masasabi ko na hindi ako perpektong anak para sa kanya. Nakagagawa ako ng mga kamalian ng buong puso ko namang inaamin. Minsan pa ay nasasagot ko siya. Nakakalimutang igalang. Ano pa man ang mangyari at kahit sino pa man sa amin ang tama sa mga bagay na aming pinagtatalunan, siya pa rin ang aking ama. Kailangang irespeto at hindi na dapat akong sumagot pa. Unawaan na lang kumbaga para magkasundo at wala ng pagtatalo pa. Sa napakaraming beses nang ako’y nagkamali sa mga desisyon na aking ginawa, siya lang ang nakapag-tama! Siya lang ang nakatulong.

Ang aking ama na mag-isang nagtaguyod sa akin ay lubos kong hinahangaan. Lahat ng hirap na pinagdaanan niya masigurado lamang ang aking magandang kinabukasan ay lubos kong pinasasalamatan. Sa ngayon, ako ay nag-aaral at nagsusumikap hindi lamang para sa aking sarili kundi para rin sa aking ama na umaasa at nagtitiwala sa aking kakayahan. Siyempre, para rin sa aking ina na siyang nagsilbing inspirasyon ko sa buhay. Ano man ang aking marating sa hinaharap ay alay ko sa aking ama at ina. Sa aking mga magulang. 🙂

Lahat kayo, lahat tayo! Pahalagahan natin ang ating mga magulang. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay nariyan sila. Lalong hindi buong buhay ay kasama natin silang malakas at masigla. Mahalin, alagaan, ingatan at iparamdam natin sa ating mga magulang na mahalaga sila. Huwag nating sayangin ang bawat oras at pagkakataon. Sulitin natin ang bawat minutong kasama natin sila. Dahilika’ngani Kuya Kim, ang buhay nating mga tao ay “Weather, Weather lang!”

Sanaysay tungkol sa magulang tagalog slashdericko03.wordpress.com

Ang sanaysay na pinamagatang Ang Ating mga Magulang: Igalang, Mahalin at Pahalagahan ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pagmamahal o pag-ibig sa mga magulang. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

Mahal Ko Kayo Aking Magulang

Marami sa atin ang nagsasabing mahal natin ang ating mga magulang, pero ilan lang sa atin na kayang sabihin sa harap nila ang mga salitang “I love you pa, ma” “mahal ko po kayo” bakit parang napakahirap sabihin ito sakanila? Ang totoo ay hindi ito mahirap, ika’y nahihiya lamang, oo nahihiya ka lang lalo na kung hindi mo ito araw araw na sinasabi at hindi ka sanay. Aminin mo sa sarili mo na gusto mong sabihin iyon sa yong mga magulang mo, Oo hindi pa huli kaibigan, sabihin mo na mahal mo sila, alam nating pinapakita natin sa kanila na mahal natin sila sa pamamagitan ng mga gawa natin ngunit bilang magulang iba pa rin na marinig nila sa kanilang mga anak ang salitang “tay, nay mahal ko po kayo” baka nga mapaluha pa ang iyong mga magulang kapag narinig nila mula sa inyo iyon.

May nais akong ikwento na hango ito sa totoong buhay, habang kmi ng aking kaibigan ay pauwi na at nagaabang ng sasakyan, may dalawang mag-inang naguusap na kalaunan ay sinigawan ng anak ang kanyang ina na lalong nakakuha ng aming atensyon. Sinigawan niya ang kanyang ina na.

“bakit kasi hindi mo pa ako hayaan malaki na ako alam ko na ang ginagawa ko, lagi ka nalang nakikialam, mamatay ka na sana!”

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon, at mas ikinagulat ko pa ay ng tinataboy niya ang kanyang ina na naging dahilan ng pagkadapa ni nanay, Sa akin tingin ay nasa 15-18 taong gulang ang babae at nasa 40-50 naman ang ina. Awang-awa ako sa ginang gustong gusto ko siyang tulungan, ganoon na rin ang mga taong nakakasaksi ngunit biglang tumayo si nanay, inaasahan ko na sasampalin niya ang kanyang anak ngunit nagkamali ako nag nagsalita at umiyak ang kanyang nanay habang sinasabi niya,

“Anak ng nasa edad mo ako, nasagot ko na rin ang lola mo, tulad ko hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay sinabi niya sa akin na magiging ina rin ako at maiintindihan ko din balang araw kung bakit siya ganoon sa akin, kung bakit gusto niya akong protektahan. Heto na ang sinasabi ng lola mo sa akin, nangyari na sa akin, ayokong pagdaanan mo ito, ayokong maranasan mong sagut-sagutin ka ng iyong mga anak dahil sobrang sakit anak”

Hindi ko mapigilan hindi maiyak ng mga oras na yun, alam kong hindi dapat ako nakikinig sa usapan nila pero nasasaktan ako para sa nanay niya.

Sana ay nagbigay ng leksyon sa inyo ang aking kwento, Huwag nating sana labanan o saktan ang ating mga magulang, sila ang binigay ng Diyos sa atin kaya dapat natin silang mahalin lalo na sila ang nagbigay ng buhay sa atin. Alam nating lahat na walang permanenteng bagay o tao dito sa mundo, kung nababasa mo ito, pakiusap sabihin mo sa iyong mahal sa buhay lalo na sa iyong magulang kung gaano mo sila kamahal.

Sanaysay tungkol sa pagmamahal sa magulang ni marizen

Ang sanaysay na pinamagatang Mahal Ko Kayo Aking Magulang ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pagmamahal o pag-ibig sa mga magulang. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

Aking Magulang, Aking Inspirasyon

Pagkapanganak pa lang sa atin ng ating mga ina,magulang na agad natin ang ating kasama. Bata pa lamang tayo sila na ang lagi nating nakikita. Sila ang gumagabay sa atin sa bawat hakbang na tinatahak natin dito sa ating buhay. Sila ang una nating naging guro pagdating sa mga mabubuting asal. At hanggang sa ating paglaki, sila pa rin ang sa ati’y gumagabay.

Nakakapag-aral ako dahil sa aking mga magulang. Mga magulang ko ang aking inspirasyon lalo na sa aking pag-aaral. Sapagkat, sila ang dahilan kung bakit ako nakakapasok sa eskwelahan. Nakakapag-aral ako dahil sa paghihirap nila sa kanilang mga trabaho. Hindi madaling pumulot ng pera. Kaya nga nariyan ang aking magulang upang gawin ang lahat ng kanilang makakaya para lang pangtustos sa aming pamilya lalo na sa pagpapa-aral nila sa akin. Ang saya isipin na nakakapag-aral ako dahil may mga masisipag akong magulang. Na handang ibuwis ang kanilang buhay para lang sa pangarap at tagumpay ng kanilang anak.

Ang edukasyon ang isa sa kayamanang hinding hindi mananakaw nino man. Ito rin yung pinaka magandang regalo na matatanggap natin mula sa ating mga magulang. Kaya’t huwag nating sayangin ang pagkakataon na tayo’y nakakapag-aral. Sapagkat, hindi lahat ng tao ay nakatungtong ng paaralan. Ang swerte natin kung isa tayo sa taong nakatanggap ng isang regalo ng edukasyon. Gawin nating inspirasyon ang ating mga magulang lalo na sa ating pag-aaral. Dahil, sa isang simpleng tagumpay mo lamang sa eskwelahan, matataas na grado mo lang, ang ating magulang ay natutuwa na sa mga bagay na iyon. Isipin nating nagpapakahirap ang ating mga magulang para maibigay lang ang maganda nating kinabukasan. Nasa atin na yun kung paano pa natin palalaguin ang edukasyon na ibinigay sa atin. Walang “PAGOD” sa isipan ng ating mga magulang kapag nakita nila na ang kanilang anak ay nagpupursigi sa pag-aaral. Kaya’t gawin natin lahat ng ating makakaya. Para masuklian natin lahat ng hirap na ipinagkaloob sa atin ng ating mga magulang. Tahakin natin ang daan patungo sa ating magandang kinabukasan upang sa gayon ay matulungan na natin ang ating mga magulang at maibalik na natin lahat ng kanilang pinaghirapan.

Sanaysay tungkol sa magulang tagalog ni Marie Antonette D. Bernardo

Ang sanaysay na pinamagatang Aking Magulang, Aking Inspirasyon ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pagmamahal o pag-ibig sa mga magulang. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

Ang Magulang

Naisip mo ba ang paghihirap ng iyong magulang mapag-aral at mapakain ka lang? Kahit na pagod na pagod na si ina at ama magtrabaho, kinakaya nila para sayo. Ang swerte mo diba? Na meron kang ina na mahal ka at inaalagaan ka pati ama na nakikinig sa iyong kwento at mga problema.

Siyam na buwan nagtiis ng sakit ang iyong ina maisilang ka lang para makita mo ang ganda ng daigdig. Nasa sinapupunan ka pa lang ng iyong ina ay ramdam mo na ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga sayo. Habang si ama ay nagtatrabaho para sa inyo. Umiinom ng bitamina at gatas si ina upang pag sinilang ka ay malusog at masigla.

Dumating na yung araw na lumalaki ka na. Natuto kang sagut-sagutin ang iyong mama at papa, sumasagot ka na din ng pabalang. Hindi mo nahahalata na nawawalan ka na ng respeto sa kanila. Tila ba kinalimutan mo na ang mga ginawa nila para sa iyo. Pero pinabayaan ka ba nila? Iniwan ka ba? Nawalan ba sila ng pake sayo? Hindi diba? May kasabihan pa nga na “walang magulang ang nakakatiis sa anak pero ang anak nakakatiis pa sa magulang” Kahit na ganon ang iyong inasal ay nandyan pa rin sila para sa iyo.

May ibang bata na lumaki na walang magulang. Ang iba ay broken family meron din mga bata na hindi kilala ang kanyang mama o papa. Paano kaya nila nakakayanan yun? Wala silang magulang para mayakap at masandalan. Bakit nila nagagawang ngumiti kahit masakit? Ang hirap diba? Sobrang hirap mawalan ng magulang.

Kung minsan napapaisip ako. Paano kung wala akong magulang? Iniisip ko pa lang ang sakit na. Walang magmamahal sa akin at mag-aalaga. Wala ring magluluto ng paborito kong ulam. Walang tutulong sa aking mga takdang-aralin. Masakit mawalan ng magulang. Kapag aalis ako walang magsasabi ng, “ingat ka anak ah?”

Ang gusto lang naman ng magulang natin ay makapagtapos tayo ng ating pag-aaral. Isa ito sa mga pangarap ng iyong magulang at higit sa lahat makita kang nagmamartsa para kunin ang iyong diploma sa pagtatapos ng iyong pag-aaral. Madalas pa nga tayong pagsabihan at pagalitan tuwing umuuwi tayo ng gabing-gabi at kapag may ginawang masama. Ginagawa nila iyon para sayo dahil gusto ka nilang protektahan at malaman ang tama sa mali.

Kaya ngayon pa lang habang buhay pa ang iyong magulang ay iparamdam mo na ang pagmamahal at alagaan mo sila gaya ng pag-aalaga nila sa iyo nung bata ka pa. Gagawin lahat ng magulang makakaya nila para lang maibigay nila sa atin ang ‘the best’. Sila ang pinakamasayang magulang. Ang makita ka na may magandang buhay at may masayang pamilya. Ipakita at iparamdam mo kung gaano mo sila kamahal at kung gaano sila kaimportante. Lubusin mo na habang kasama mo pa sila dahil sa araw na sila ay mamayapa na ay magsisisi ka kung bakit hindi mo naiparamdam na mahal mo sila. Balang araw magiging magulang din tayo at mararanasan natin lahat ng naranasan nila bilang magulang. Mahalin at respetuhin natin ang ating magulang.

Sanaysay tungkol sa pagmamahal ng magulang ni Galadriel Bernardo

Ang sanaysay na pinamagatang Ang Magulang ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pagmamahal o pag-ibig sa mga magulang. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

Sanaysay Tungkol Sa Magulang – 8 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Pagmamahal O Pag-ibig Sa Magulang Tagalog

Ang aking Bayani ay ang aking Magulang

Ang itinuturing kong Bayani sa aking buhay ay ang aking mga magulang, dahil ginagawa nila ang lahat para lamang kami ay mabuhay. Ang kanilang pagsasakripisyo sa pagtatrabaho, ang pagod at hirap na kanilang dinanas upang kami ay mapag-aral ng aking kapatid ay walang katumbas. Ang kanilang dugo’t pawis ang maituturing kong kayamanan dahil sa kanila ay naging maganda ang buhay ko. Ang kanilang mga payo na tinanggap ko upang mapabuti ang buhay ko ay isasabuhay ko at dadalhin sa aking pagtanda hanggang sa ako din ay magkaroon ng pamilya. Kaya sa aking magulang ako ay nagpapasalamat dahil sila ang gumabay sa akin mula ng ako’y isinilang hanggang sa kasalukuyan. Binigyan niyo ako ng magandang Edukasyon upang mapabuti ko pa ang aking kaalaman at magamit ito sa pangaraw-araw. Kaya’t aking magulang kayo’y aking pinararangalan at pinasasalamatan dahil andito kayo upang gabayan ako sa aking buhay sa mga problema na aking dinadanas dahil kayo ang aking naging sandalan sa oras ng kagipitan. Alam ko ang mga problema na kinakaharap natin ngayon ay pawang pagsubok lamang upang mapatibay pa ang ating relasyon at sa ating pananampalataya sa diyos. Kaya nating lagpasan ang mga pagsubok na ito basta’t buong lakas natin itong haharapin. Kaya’t sa aking mga magulang ako ay nagpapasalamat dahil kaya niyong magsakripisyo alang-alang sa inyong mga anak. Kayo ang aking “BAYANI”. Oh para sa inyo sino ang Bayani niyo ?

Sanaysay tungkol sa magulang tagalog mula sa stevenalba.blogspot.com

Ang sanaysay na pinamagatang Ang aking Bayani ay ang aking Magulang ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pagmamahal o pag-ibig sa mga magulang. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL SA KANYANG LOLA

Ako at ang aking kapatid na babae ay may isang paboritong lola. Ang kanyang pangalan ay Baba Nastya. Kahit na, siyempre, iba pang mga tao ito ay tinatawag Anastasia, at sa isang simpleng paraan, kaya tinatawag naming ang kanyang mga apo. Siya ay hindi masyadong matangkad, bahagyang yumuko mula sa mga taon ng pamumuhay, ngunit pa rin malakas at napaka-kaaya-aya. Sa halip chubby, ngunit hindi taba. Nang kakatwa sapat na, ngunit ito ay lubos na manipis na baywang, bilang isang babae Nastya sa kanyang kabataan nagtrabaho sa tradisyonal na sayawan at pagkanta.

Ang kanyang mukha ay ang lahat ng fine at magaslaw wrinkles, dahil ang aming lola para sa maraming, maraming taon. tuwid na ilong at noo – mataas, makikita ng isa na siya ay napaka-matalino, at napaka-kaakit-akit sa kanyang kabataan. Isang araw siya ay ang kanilang mga lumang larawan, ipinakita sa amin na pagkatapos na pagkatapos ng digmaan, nakuhanan ng larawan sa mga kaibigan – na rin, napaka-maganda. At ngayon Baba Nastya mukhang mas mahusay kaysa sa maraming mga matatanda sa nayon kung saan kami ay darating para sa tag-init. Ngunit kanyang buhok pumuti at naging medyo kulay abo at puti. Siya sa kanila sa lahat ng oras pagtatago sa ilalim ng isang panyo, kaya masinop at malinis.

Grandma ay hindi kailanman mahigpit na sa amin. Siya spoils sa amin, ang kanyang apo: bumili ng kendi, dalhin gatas (baka at ang kanyang Duska may ganoong Baba Nastya milks araw-araw). At kapag ang aking ina nagpunta sa lungsod upang trabaho, ang aking lola ay naglalagay sa amin sa pagtulog at nagsasabi sa mga engkanto Tale, sa bawat oras – ng isang bago, mula sa kung saan kaya mahusay at kaya nahihimbing: sweet dreams!

Sanaysay tungkol sa pagmamahal sa magulang mula sa tl.atomiyme.com

Ang sanaysay na pinamagatang MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL SA KANYANG LOLA ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pagmamahal o pag-ibig sa mga magulang. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

Kahalagahan Ng Magulang

Naisip nyo ba na kung gaano kahalaga ng ating mga magulang sa ating buhay?. Naisip nyo rin ba kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at kinalakihang magulang o maulila nang maaga sa kanila? Maaaring sa buhay nating mga kabataan ngayon, mas nakararami na ang kabataang hindi na gumagalang sa kanilang magulang o kaya’y wala ng pakialam. Hindi na nila naiisip na kung hindi dahil sa kanila, wala ako, ikaw at tayong lahat dito sa mundong ito. Malaki ang paghihirap ng ating mga magulang para sa atin. Ang ating “ina” na naghirap sa pagdadalang tao nila sa atin, hanggang sa mailuwal nya tayo at lumaki. Ang ating “ama”, siya naman ang hirap na hirap sa pagtatrabaho para magkaroon ng pera pambili ng gatas at mga gamot natin. Pero ngayon hindi natin naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palalakihin ng may magandang kinabukasan.

Kung minsan napapaisip ako. Paano kaya kung mawalan ako ng magulang? Iniisip ko pa lang, parang hindi ko kaya, ang hirap. Wala na mag-aalaga sa akin, wala ng mag-aasikaso sa akin tuwing umaga bago pumasok sa paaralan at kapag may sakit tayo na nag-aalala sa atin ng sobra. Wala ng susuporta sa mga bagay na gusto mong gawin. Wala na ring magsasabi ng “ingat ka anak ha” at wala na ring magagalit tuwing makakagawa ng maling bagay at mgpapayo sa tuwing may problema. Di ba ang hirap isipin kong wala nang gagawa sa atin ng ganitong mga bagay. Lalo na’t kung nasanay tayo na ginagawa ito sa atin n gating mga magulang.

Kaya ngayon, habang kapiling pa natin ang ating mga magulang, ipadama natin sa kanila ang ating pagmamahal. Iparamdam rn natin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay, at magpasalamat tayo sa lahat ng ginawang pagsisikap nila para mapaganda ang ating buhay. Humingi rin tayo ng tawad sa mga kasalanan na ating nagawa. Suklian natin ng sobrang pagmamahal at paglingkuran natin sila habang kapiling pa natin sila. Sabihin natin sa kanila na “mahal na mahal ko po kayo nay at tay” at nagpapasalamat ako na kayo ang aking naging magulang. Mabilis ang panahon, kaya tayong may mga magulang pa, hangga’t maaga pa at kapiling pa natin ang ating mga magulang, gawin na natin ang lahat ng bagay na ikasasaya nila, bago pa mahuli ang lahat, at pasisihan natin ang mga bagay na mali nating nagawa, at hindi natin naipadama sa kanila kung gaanu natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay.

Sanaysay tungkol sa magulang tagalog ni morisettania

Ang sanaysay na pinamagatang Kahalagahan Ng Magulang ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pagmamahal o pag-ibig sa mga magulang. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

PAGMAMAHAL NG MAGULANG ATING BIGYANG HALAGA

Naalala ninyo pa ba kung kalian ninyo huling sinabihan ng “I love you” o “mahal kita” ang inyong mga magulang? Sino ang mas madalas ninyong sabihan ng mga katagang iyan? Sino nga ba ang mas pinahahalagahan ninyo?

Simula’t sapul minahal na tayo ng ating mga magulang. Hindi pa lamang tayo iniluluwal, alagang-alaga na nila tayo. Siyam na buwang pagtitiis ng ating ina, magisnan lang natin kung gaano kaganda ang daigdig. Habang ang ating ama naman ay nagpapakahirap, mapaghandaan lamang ang ating kinabukasan.

Nang tayo’y isinilang, hindi masusukat ang kasiyahang naramdaman nila. Lumipas ang panahon, tinuruan nila tayo kung paano maglakad, magsalita, magbasa at magsulat. Sila ang gumabay sa atin sa tamang landas. Kahit nalilito at namomoblema kung saan kukunin ang pampaaral sa atin, ginawa nila ang lahat, mapag-aral lamang tayo sa isang maganda at de-kalidad na paaralan.

Nang tayo’y lumaki, natuto tayo kung paano sagut-sagutin ang ating mga magulang. Natuto rin tayo kung paano suwayin ang mga utos nila. Tila biglang nakalimutan ang mga sakripisyong ginawa nila para sa atin. Isinawalang-bahala natin ang mga araw na halos himatayin sa pagod sa pagtatrabaho ang ating mga magulang. Sakit at pighati lamang. Dapat nga iparamdam natin sa kanila na naririto lang tayo handang damayan at pasayahin sila. Pero alam n’yo ba, na kahit nasasaktan sa mga maling ginagawa at sa masasakit na salita na ibinigay natin sa kanila ay hindi nila magawang ipagtabuyan tayo? Hindi nga talaga masusukat ang pagmamahal nila para sa atin, na kahit talikuran, saktan at ipagtabuyan natin sila, handa pa rin nila tayong tanggapin at mahalin.

Alam naman natin kung gaano nila tayo kamahal pero ang tanong, magbubulag-bulagan pa rin ba tayo? Sa simpleng pag-I love you natin sa kanila, alam ninyo ba kung gaano na sila kasaya? Hindi naman tayo gagastos kung sasabihin natin ang mga katagang iyan.

Paano pa nga ba natin sila pasasayahin? Paano pa nga ba natin masusuklian ang mga sakripisyong ginawa nila para sa atin?

Simple lang, mag-aral nang mabuti upang makatapos at magkaroon ng diploma. Dahil ang diploma natin ay katumbas ng isang ginto para sa kanila. Yaman na hindi mapapalitan ng kahit na ano. Yaman na katumbas ay walang hanggang kasiyahan. Maaari rin na bigyan natin sila ng panahon na makasama tayo.

Lagi nating tatandaan na mabilis lang ang takbo ng oras. Bawat minuto o segundo ay mahalaga, kaya habang nandyan at kapiling pa natin ang ating mga magulang, iparamdam kung gaano natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay.

Magpasalamat sa pagbibigay-buhay nila sa atin, lalung-lalo na sa mga sakripisyong ginawa nila, mabigyan lang tayo ng magandang kinabukasan. Humingi ng tawad sa lahat ng ating ginawang pagkakamali at sa mga panahong pinaiyak natin sila at ang panghuli, sabihan sila ng mga katagang, “mahal kita” o “mahal ko kayo mama’t papa”.

Salamat, patawad, mahal ko kayo, simpleng mga salita pero katumbas ay walang hanggang kasiyahan.

Huwag hintaying kunin sila ng ating Panginoon. Tandaan, hindi natin hawak ang hinaharap!

Sanaysay tungkol pagmamahal sa magulang mula sa draftsbyzhelle.wordpress.com

Ang sanaysay na pinamagatang PAGMAMAHAL NG MAGULANG ATING BIGYANG HALAGA ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pagmamahal o pag-ibig sa mga magulang. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Summary of Mga Sanaysay Tungkol Sa Magulang 2022

Ang ating magulang nag-aruga at nagpamulat sa atin dito sa mundo. Sila ang pinakamagandang regalo ng Diyos para sa atin. Sila rin ang nagbigay ng lungkot at saya sa ating mga labi. Kaya ang artikulong Sanaysay Tungkol Sa Magulang ay siyang magsisilbing inspirasyon natin upang pasalamatan at mahalin ang ating mga ama at ina.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling sanaysay tungkol sa magulang. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Sanaysay Tungkol Sa Magulang – 8 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Magulang 2022. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment