Sanaysay Tungkol Sa Kaibigan – 15 Maikling Sanaysay

SANAYSAY TUNGKOL SA KAIBIGAN – Ating tunghayan ang mga halimbawa ng maikling pormal at di pormal na sanaysay tungkol sa tunay na kaibigan ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

Ang mga sanaysay para sa kaibigan ay nagpapakita ng pagmamahal ng isang kaibigan. Pinagpala kang maituturing kung hanggang sa pagtanda mo’y kasama mo parin ang mga kaibigan mong tunay. Sila ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at talaga namang biyaya ng Diyos na walang kapantay.

Sana ang mga pormal at di pormal na sanaysay sa kaibigan ang magsilbing inspirasyon sa ating lahat na maghanap ng tunay at mapagmahal na kaibigan na hindi natin malilimutan kailanman. Pahalagahan at mahalin ang mga kaibigan kasama natin sa kalokohan man o sa iyakan na tunay na nagmamahal sa atin.

See also: Talumpati Tungkol Sa Kaibigan

15 Halimbawa Ng Pormal At Di Pormal Na Sanaysay Tungkol Sa Katapatan Sa Kaibigan Tagalog

Time needed: 5 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa Kaibigan Tagalog.

  1. Ano Ang Tunay Na Pagkakaibigan Ayon Sa Bibliya?

  2. Sanaysay Tungkol Sa Kaibigan

    Sanaysay mula sa panitikan.com.ph

  3. Maging Tapat Na Kaibigan

  4. Tunay Na Kaibigan?

  5. Kaibigan

  6. Ang Tunay Na Pagkakaibigan

  7. Matalik Na Kaibigan

  8. Sanaysay Tungko Sa Kaibigan

    Sanaysay ni Chadyl L. De Los Santos

  9. Ang Mga Katangiang Hinahanap Ko Sa Isang Kaibigan

  10. Tunay Na Kaibigan

  11. Ang Kaibigan

  12. Pagkakaibigan

  13. Hanggang Sa Muli

  14. Kaibigan, Tunay Ka Nga Ba?

  15. Kaibigan, Kayamanan Ko!

SANAYSAY TUNGKOL SA KAIBIGAN 2021 - 15 HALIMBAWA NG MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL SA KAIBIGAN
SANAYSAY TUNGKOL SA KAIBIGAN

1. Ano ang tunay na pagkakaibigan ayon sa Bibliya?

Ibinigay sa atin ng Panginoong Hesus ang pagkakakilanlan sa isang tunay na kaibigan: “Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Kayo’y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon.

Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama” (Juan 15:13-15)...

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ano ang tunay na pagkakaibigan ayon sa Bibliya?” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Ano ang tunay na pagkakaibigan ayon sa Bibliya?” ay isang halimbawa ng maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

2. Sanaysay Tungkol Sa Kaibigan

Kung ang pamilya ay pinagbuklod ng kanilang dugo, mayroong isang uri naman ng samahan na binuo ng isang magandang samahan—ang pagkakaibigan.

Dahil sa dami ng nilalang sa mundo, hindi naman lahat ay magiging kaanak natin, at hindi lamang sila ang makasasalamuha natin. Nariyan din ang ibang tao na matututuhan nating pahalagahan at magkakaroon nang maayos na samahan.

Nabubuo ang pagkakaibigan sa iba’t ibang panahon. Mayroong mga kababata na kasama mo sa iba’t ibang gawain noong ikaw ay musmos pa lamang, lalo na sa paglalaro…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Sanaysay Tungkol Sa Kaibigan ay isang halimbawa ng maikling di pormal na sanaysay sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

3. Maging tapat na kaibigan

Para mapanatili mo ang magandang pagkakaibigan, kailangan na maging bukas ang damdamin at komunikasyon ng bawat isa.

Kaya lang dumarating din sa magkaibigan ang isang sitwasyon na nahihirapan kang maging “open” sa kanya at sabihin sa kanya ang ilang bagay na gusto mong ipaalam sa kanya.

Maaaring nahihiya o natatakot ka na masaktan mo ang damdamin ng iyong kaibigan kaya napipigilan kang maging totoo sa kanya...

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Maging tapat na kaibigansa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Maging tapat na kaibigan ay isang halimbawa ng maikling pormal na sanaysay tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

4. Tunay na Kaibigan?

Ito yung mga taong kahit kailan hindi mawawala sayo. Sila yung mga taong alam ang kahinaan mo pero hindi nila gagawin ito para lang makalamang sayo.

Ang tunay na kaibigan yung mga taong kahit hindi ka laging kinakausap dahil sa meron din silang kanikanilang buhay, mararamdaman mo sila sa oras na kailangan mo sila.

Nakakatuwa yung mga kaibigan na biglang nagpaparamdam tila bang ang saya kasi hindi mo inaasahan na magiging ganun sila…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Tunay na kaibigan?sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Tunay na kaibigan?” ni Rhadson Mendoza ay isang halimbawa ng maikling di pormal na sanaysay sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

5. KAIBIGAN

“Kaibigan”, binubuo lang ito ng walong letra, pero nakagagawa ng libo libong saya, kapag kasama mo sila.

Kaibigan o barkada, sila yung mga taong nandiyan sa lahat ng oras, sila yung mga taong ma-aasahan mo at sila yung tutulong sayo sa oras ng kagipitan.

Para sa akin ang kaibigan ang nagsisilbing pangalawang pamilya ko, minsan man nagkakaroon kami ng tampuhan, pero ‘di magtatagal ay magkaka – ayos din, dahil kailanman hindi matatalo ng galit ang pagkakaibigan namin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Kaibigansa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Kaibigan ay isang halimbawa ng maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

6. ANG TUNAY NA PAGKAKAIBIGAN

Kakaiba ang magkaroong ng kaibigan. Masarap sa pakiramdam kung alam mong mayroon kang taong masasandalan sa mga panahong tayo’y nangangailangan.

Masarap din kasama ang mga kaibigan tuwing tayo’y ay masaya at mayroong ipinagdiriwang. I’m no stranger to this feeling. Alam ko kung ano ang nararamdaman ng isang tao na alam niyang may makakapitan siya.

Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat kung gaano kayo katagal nagkakilala ng iyong kaibigan. Ang importante ay ang parehong tao na bahagi nito ay nagkakaintindihan malayo man sila sa isa’t-isa…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ang Tunay Na Pagkakaibigansa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Ang Tunay Na Pagkakaibigan ay isang halimbawa ng maikling di pormal na sanaysay sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

7. Matalik na Kaibigan

Papaano ba natin makikilala ang isang kaibigan? Lalo na kapag ito’y may katuwang na ‘matalik.’ Ano ba ang talaga ang kahulugan nito para sa atin?

“Kaibigan ko siya,” ang paliwanag ng isa. “Bakit naging kaibigan mo siya?” ang tanong naman ng nakarinig. “Nakasabay ko siya sa biyahe,” ang tugon nito.

Marami sa atin ang madalas na banggitin ang katagang kaibigan, gayong itaas man ang kanang kamay sa pagbilang ng ating limang daliri, hindi ito lalampas kung ilan ang tunay na kaibigan kinalulugdan natin sa buhay…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Matalik Na Kaibigansa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Matalik Na Kaibigan ay isang halimbawa ng maikling pormal na sanaysay tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

8. Sanaysay Tungkol Sa Kaibigan

Siya iyong tipong makakasama mo magpakailanman. Siya Iyong pinagkukunan natin ng lakas at inspirasyon, yan ang kaibigan.

KAIBIGAN, talagang nagpapahaba ng ating buhay. Lahat tayo ay may mga kaibigang nandito pa rin sa atin at hindi tayo iniiwan sa lahat ng oras, sa hirap man o ginhawa.

Nandiyan sila na parang mga linta sa ating tabi na hindi natin agad maalis dahil naging parte na sila ng ating mga buhay. Sila iyong mga drogang kayhirap na tigilan at mga larawang hindi mawawala sa ating mga isipan maging sa kabilang buhay man…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Sanaysay Tungkol Sa Kaibigansa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Sanaysay Tungkol Sa Kaibigan” ni Chadyl De los Santos ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

9. Ang Mga Katangian Hinahanap ko sa Isang Kaibigan

Ang bawat isa sa atin ay may natatanging kaibigan ito’y nakakagalak sa ating buhay, nagpapasya sa atin kapag tayo’y nalulungkot.

Matatakbohan mo at tutulong pag may problema tayo nagbibigay ng mga payo. Minsa’y maituturing na mas higit pa sa kapatid ang isang kaibigan.

Ang gusto ko sa isang kaibigan ay tapat at matulungin hindi lamang sa katuwaan. Ito’y maghikayat sa akin tungo sa tamang landas at gagabay sa kabutihan sa tamang kaugalian…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ang Mga Katangian Hinahanap ko sa Isang Kaibigansa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Ang Mga Katangian Hinahanap ko sa Isang Kaibigan ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

10. Tunay Na Kaibigan

Masarap mabuhay ng maraming Kaibigan. Iba’t ibang ugali ang ating masusumpungan. Pero iba pa rin talaga kapag tunay na kaibigan o di kaya’y matalik na kaibigan.

Minsan may mga bagay na hindi mapagkasunduan pero hindi pa rin matatawaran ang sayang nadarama ng isang tunay na pagpapahalaga. maraming pagkakaiba maraming pagkakaparehas ngunit ang pinakamasaya dito ay ang pagiging totoo ng bawat isa.

Minsan, may mga panahon na nagkakaroon ng problema ang ating mga kaibigan subalit ang kasiyahan pa rin ang namumutawi sa kanilang mga labi...

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Tunay Na Kaibigansa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang Tunay Na Kaibigan ni Santiago’s Gazette ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

11. ANG KAIBIGAN

Ang bawat isa sa atin ay may ibat-ibang kaibigan. Mula pa ng ating pagkabata ay may nasilayan na tayong kaibigan na lagi nating kalaro sa araw-araw sa bahay man o sa paaralan.

Ang kaibigan ay isang mahalagang bahagi ng ating buhay. Sila ay nagbibigay sa atin ng mga magagandang alaala mula ng ating pagkabata hanggang sa paglaki.

Sila rin ang tumutulong sa atin upang lalo pa nating mapaunlad at matutunan ang mga bagay-bagay na nakapalibot sa as atin. Sa tulong din ng kaibigan ay lalo pa nating naiintindihan ang tunay na kahulugan ng buhay ng isang tao…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ang Kaibigansa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Ang Kaibigan” ni Bertolano, Inocencio Jr. ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

12. Pagkakaibigan

Ang pagkakaibigan na marahil ang isa sa mga bagay na mahirap ipagpalit sa materyal na bagay. Karaniwang pinaghihirapan ang makakuha at magkamit ng isang mabuting kaibigan.

Kung hindi naman maaalagaan ang isang kaibigan ay nawawala na lamang na parang bula. Ang pag-iingat ng isa sa iyong mga pinakamahalagang kayamanan sa buhay ay maihahalintulad sa pag-aalaga ng isang kaibigan.

Tunay na nakapagpapaligaya magkaroon ng isang kaibigan. Sa mga pagkakataong ika’y malungkot at nag-iisa ang isang kaibigan ay maaasahan. Sa lahat ng pagkakataon ay nariyan siya upang ika’y gabayan at damayan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Pagkakaibigansa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Pagkakaibigan” ni reez ay isang halimbawa ng mga maikling pormal na sanaysay sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

13. Hanggang Sa Muli

Noong bata pa ako ang dami kong mga pangarap sa buhay, ang dami kong gustong gawin at puntahan. Kapag may makikita akong eroplanong dumadaan sa himpapawid, nangako ako sa aking sarili na makasakay din ako nyan balang araw.

Wala akong ibang hangad kundi ang magkaroon ng magandang buhay ang aking pamilya. Sa matagal na panahon hindi ko man lang naranasan kung paano mamuhay ng marangya tulad ng aking nakikita sa mga pelikula at telenobela.

Dahil sa ako ay bata pa noon, hindi ko pa pasan ang mga problema sa buhay, ang problema ko lang ay kung paano ko takasan ang aking Nanay na katabi ko sa pag tulog tuwing hapon para makipaglaro sa aking mga kaibigan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Hanggang Sa Mulisa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Hanggang Sa Muli” ni 19BlackDiamond86 ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

14. Kaibigan, Tunay Ka Nga Ba?

No man is an island, iyan ay ika nga ng karamihan. Ang tao ay ‘di raw kayang mabuhay nang mag-isa o walang kaibigan. Ngunit, ano nga ba ang kaibigan?

Ito ba ay nakakain o gamit na laging nahahawakan? O baka, ito ay isa lamang salitang walang magandang kahulugan?Inyong alamin kung tunay at anong uri kang kaibigan.

Ang kaibigan, para sa akin, ay maaaring bagay o hayop. Pero ayon sa iba, ito ay kadalasang tao. Ang kabigan ay isang taong mapagkakatiwalaan, matapat, maaasahan o masasandalan sa oras ng pangangailangan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Kaibigan, Tunay Ka Nga Ba?sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Kaibigan, Tunay Ka Nga Ba?” ni chastevision ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

15. Kaibigan,Kayamanan Ko!

Pera,yaman at popularidad ano nga ba ang halaga nito kong wala kang kaibigan.

Oo, mayaman ka nga sa materyal na bagay ngunit aanhin ba ito kong wala kang kaibigan na makakasama, diba malungkot?

Kaya, mahalagang magkaroon ng isang kaibigan dahil mapupuno ka sa yaman ng pagmamahal...

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Kaibigan, Kayamanan Ko!sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Kaibigan, Kayamanan Ko!” ni Mary Son Ambuat ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay sa pagmamahal sa tunay na kaibigan.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Konklusyon

Kaibigan ang tawag sa mga taong kasa-kasama natin sa pag-iyak at sa tawanaan. Masarap silang kakwentuhan at kahit pa sa mga kalokohan. Kaya ang artikulong Sanaysay Tungkol Sa barkada, friends o tropa natin ay siyang magsisilbing inspirasyon natin upang pasalamatan at mahalin ang ating mga kaibigan.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment