SANAYSAY TUNGKOL SA GURO – Sa araling ito inyong matutunghayan ang mga halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa mga bayaning guro ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
Ang mga guro ang pangalawang magulang at makabagong bayani na humuhubog sa ating magkaroon ng maliwanag na kinabukasan. Hindi madali ang trabaho ng isang guro. Dapat ay mahal at may mahabang pasensya ang isang guro sa kanyang papel na gagampanan.
Kaya kung ikaw ang isang estudyante ating pasalamatan ang ating mga bayaning guro. Malaki ang naging papel nila sa ating kabataan na siyang naging dahilan kung ano man ang narating natin o mararating sa hinaharap.
See also: Tula Tungkol Sa Guro
13 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Pasasalamat Sa Guro Tagalog
Time needed: 5 minutes.
Narito ang mga Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa Guro.
- Ang Mga Guro
- Sanaysay Tungkol Sa Mga Guro
- Ako At Ang Propesyon Ng Isang Guro
- Taas Noo Sa Mga Guro
- Guro Ang Aking Pangarap
- Si Teacher, Ang Aking Bayani
- Respetadong Guro, Marami Ang Umiidolo
- Makabagong Bayani, Aking Guro!
- Kayo Ang Dahilan
- Isang Pasasalamat Para Sa Guro
- Pasasalamat Para Sa Guro
- Ang Guro Sa Harap Ng Pandemya
- Ina At Guro Sa Panahon Ng Pandemya

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling sanaysay. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa mga guro ngayong pandemya.
1. Ang Mga Guro
Alam natin na isang dakilang propesyon ang pagtuturo bagamat alam nating mahirap ang pagtuturo.
Hindi biro ang ginagawang sakripisyo lalo na kung naatasan sa mga liblib na lugar para magturo at gumabay sa mga kabataang nais matuto.
Itinuturing nating bayani ang isang tao kapag iniaalay nito ang kanyang buhay para sa ikauunlad at para sa kalayaan ng bayan.
Halimbawa si Dr. Jose P. Rizal ibinuwis niya kanyang buhay para sa kalayaan ng ating bansa…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ang Mga Guro” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang “Ang Mga Guro” ni Wilkins Dableo ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
2. Sanaysay Tungkol sa mga Guro
Ang mga guro ang nagtuturo sa mga mag-aaral ng mga kaalaman na dapat nilang matutunan sa paaralan.
Sila ang naghuhubog sa mga natatanging kakayahan at talento ng isang kabataan at sila rin ang nagsisilbi nilang pangalawang magulang na nagbibigay at nagpapayabong ng kanilang mga kaalaman upang maging handa sa mga hamon at pagsubok na kanilang pagdadaanan sa hinaharap.
Bilang isang guro, responsibilidad nila ang bigyan at magbahagi ng angkop at sapat na kaalaman sa mga mag-aaral, nararapat nating turuan ng mga kaalaman na dapat nilang matutunan lalong lalo na ang kasanayan sa pagbasa at pagsulat…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Sanaysay Tungkol sa mga Guro” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang Sanaysay Tungkol sa mga Guro ay isang halimbawa ng maikling sanaysay sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
3. Ako At Ang Propesyon Ng Isang Guro
Ang propesyon ng pagtuturo ay isa sa pinakaluma at pinakamahalaga sa Earth. Nangangailangan ito ng napakalaking pagsisikap, kaalaman, kasanayan, karanasan upang maihanda ang isang bata para sa karampatang gulang.
Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng isang guro at iba pang mga propesyon ay ang kanyang pagmamahal sa mga bata.
Sa kabila ng lahat ng paghihirap, marahil sa hindi pagkakaunawaan, hindi pagkakasundo, ang guro ay mananatili pa rin sa kanyang gawain, tutulungan ang mga bata, turuan sila, turuan sila, sapagkat ang mga bata ang ating kinabukasan, ang kinabukasan ng ating bansa...
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ako At Ang Propesyon Ng Isang Guro” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang Ako At Ang Propesyon Ng Isang Guro ay isang halimbawa ng maikling sanaysay sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
4. Taas Noo Sa Mga Guro
Ang pagiging isang guro ay hindi ganoon kadali gaya ng iniisip ng karamihan. Sa likod ng bawat pisara ay mga patak ng pawis at luha ang makikita. Sa bawat aklat na binubuklat ay may nakatagong pait at saya na pinagdadaanan.
Sa bawat leksyon na itinuturo nakatago ang isang malaking butil ng karunungan. Sila na may mabababang sahod ngunit matataas na prinsipyo sa buhay. Sila na walang hinangad kundi ang matuto ang mga mag-aaral.
Sila na itinuturing na pangalawang magulang sa paaralan. Sila na bumubuo ng ating pagkatao bilang mga mag-aaral. Sila na ang binubuno ay araw at gabi maihanda lang ang aralin. Sila na itinuturing na bayani ng bayan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Taas Noo Sa Mga Guro” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang Taas Noo Sa Mga Guro ay isang halimbawa ng maikling sanaysay sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
5. Guro Ang Aking Pangarap
Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, pangarap nah gustong matupad. Ako nga pala si Leah Cortez Pitogo, isang estudyante na nangangarap maging isang mabuting guro. Para sa akin, ang guro ang s’yang nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral.
Gaya nga naman ng mga in I is in ng karamihan , ang pagiging isang guro ay hindi ganoon kadali. Bawat pagsusulat sa pisara may maraming butil ng pawis ang tumatagaktak. Para sa akin, ang guro ang tinatawag nating pangalawang magulang.
Inaalay nila ang kanilang oras sa pagtuturo upang maibahagi sa mga mag-aaral ang ang kanyang mga kaalaman nang sa gayon ay mabigyan tayo ng sapat na kaalaman para sa ating hinaharap...
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Guro Ang Aking Pangarap” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang “Guro Ang Aking Pangarap” ni Leah Pitogo ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
6. Si Teacher, Ang Aking Bayani
Itinuturing natin na bayani ang isang tao tuwing naiaalay nito ang kanyang buhay para sa ikauunlad, para sa pagbabago ng bayan.
Karamihan sa mga kilalang bayani na inalala natin tuwing ika-26 ng Agosto ay namatay noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, Amerikano at Hapon.
Kabilang na rito ang pambansang bayani na si Jose Rizal, si Andres Bonifacio, si Melchora Aquino, si Apolinario Mabini, si Gregorio del Pilar at lahat ng nakipaglaban sa katiwalian at kasakiman noong unang panahon...
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Si Teacher, Ang Aking Bayani” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang “Si Teacher, Ang Aking Bayani” ni Irah Angelica Padilla ay isang halimbawa ng maikling sanaysay sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
7. Respetadong Guro, Marami ang Umiidolo
“Ang tapang ng titser na ‘yun! Grabe! Nakakagigil!” may galit na sambit ng isang binatilyo pagkatapos na dumaan ang grupo ng mga guro.
Nakakagigil din kung tutuusin ang estudyanteng iyon, ngunit hindi natin maiaalis sa kanya ang hinanakit o higit pa roon sapagkat maaaring naging biktima siya ng pang-aalimura ng gurong kanyang tinutukoy. Hindi naman niya iyon masasabi sa kanyang mga kaibigan kung walang pinag-ugatan.
Naniniwala akong ang isang guro ay naaalala ng kanyang mga magaaral hindi sa kanyang husay sa mga araling kanyang itinuro, kundi sa kanyang kabaitan o kabagsikan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Respetadong Guro, Marami ang Umiidolo” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang “Respetadong Guro, Marami ang Umiidolo” ni zilyonaryo ay isang halimbawa ng maikling sanaysay para sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
8. Makabagong Bayani, aking guro!
“Mam!” “Ser!”, ito ang kadalasan na naririnig nating mga salita sa apat na sulok ng silid-aralan na binabanggit ng mga estudyante,upang pukawin ang atensyon ng kanilang mga guro.
Sa ganitong pamamaraan nababatid ng isang guro kung ang kaniyang mag-aaral ay may kailangan o minsan pa nga ay kahit hindi magsalita ang isang bata ay nalalaman niya agad kung may kailangan o suliranin ito.
Ang mga guro ang itinuturing na pangalawang mga magulang ng mga bata na pumapasok sa paaralan at siyang nagbibigay kalinga at patnubay sa mga isipang uhaw sa kaalaman...
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Makabagong Bayani, aking guro!” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang Makabagong Bayani, aking guro! ay isang halimbawa ng maikling sanaysay sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
9. Kayo ang Dahilan
Binabati ko kayo. Kayong mga nilalalang na nagpakahirap upang maabot ang mga pangarap.
Mga pangarap na unti-unting aabutin at susungkitin sa pagdaan ng panahon.
Binabati ko kayo. Kayong mga nagpatulo ng pawis upang makita ang liwanag sa gitna ng dilim…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Kayo Ang Dahilan” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang “Kayo Ang Dahilan” ni J ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
10. Isang Pasasalamat Para sa Guro
Kung ano ako ngayon ay utang ko sa aking guro. Ang aking guro na siyang nagtiyaga na turuan akong magbasa, magsulat, at magbilang. Guro na walang ibang hangad kundi ako ay ihanda para sa kinabukasan.
Guro na siyang nagtitiyagang ipaintindi ang mga di maintindihan, ang mga bagay na aking inakala ay hindi ko kayang manamnam. Sa bawat segundo na ako ay nasa loob ng kanyang silid-aralan ay kanyang isinisiguro na makuha ko ang mga dapat na malaman.
Hindi niya hinahayaang mapalampas ko ang pagkakataon na mapunan ang isip ko ng mga kaalaman, kaalaman na siya ring aking gagamitin para sa kinabukasan...
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Isang Pasasalamat Para sa Guro” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang “Isang Pasasalamat Para sa Guro” ni preciousclamor ay isang halimbawa ng maikling sanaysay sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
11. PASASALAMAT PARA SA GURO
Maam…Salamat sa iyong pang-unawa at ang munti kong isipanay iyong kinahabagan. Salamat sa pag-ibig na sa aki’y pinaramdam. Ang aking pusong nasa bingit na ng pag-aalangan ay pinatikim mo ng tamis ng iyong pagmamahal.
Maam…Salamat sa iyong mabubuting itinuro at ang halaga ng aking buhay ay aking napagtanto. Salamat sa pagkakataong ika’y aking makapiling sa araw ng pighati at aking paninimdim.
Maam…salamat sa iyong payo na naghatid sa akin sa landas ng paraiso. Ang buhay kong minsan nang maalikabok na larawan, gamit ang palad mo ay iyong nilinisan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Pasasalamat Para sa Guro” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang Pasasalamat Para sa Guro ay isang halimbawa ng maikling sanaysay sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
12. ANG GURO SA HARAP NG PANDEMYA
Isang bagong hamon para sa gurong puno ng dedikasyon at malasakit sa mga bata. Isang nilalang na tahimik na nagsisikap at masaya sa propesyong niyakap ng maraming taon. Ang paaralan ang naging ikalawang tahanan at naging saksi sa masigasig na pagtuturo .
Ang kanyang katapatan bilang isang lingkod ng bayan ay nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng bawat mamamayan.
Sa paglipas ng panahon marami ng hinarap na pagsubok ang sa kanyang propesyon dala ng pagbabago sa larangan ng pagtuturo at edukasyon…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ang Guro Sa Harap Ng Pandemya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang “Ang Guro Sa Harap Ng Pandemya” ni Analiza P. Astillero ay isang halimbawa ng maikling sanaysay sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
13. INA AT GURO SA PANAHON NG PANDEMYA
Bago mangyari ang quarantine noong Marso, masaya ang talakayan namin ng klase ko sa Grade 6 tungkol sa pagsulat ng tula at pagbuo ng kanta para sa araw ng pagtatapos.
Ang tula na nilapatan ng kanta ng aking tinuturuang pangkat ang napiling gamitin para sa araw ng pagtatapos ng batch 2019-2020. Masaya at sabik ang lahat para sa buong batch. Ngunit hindi na ito nangyari.
Isang kakaibang karanasan ang maging nanay at guro sa panahon ng pandemya. Hindi ko lubos akalain na mararanasan ko ito. Ang maging ina ng tatlong bata, dalawa roon ay nag-aaral, isang nasa Grade 2 at isang nasa Grade 4…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng sanaysay na “Ina At Guro Sa Panahon Ng Pandemya” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang sanaysay na pinamagatang Ina At Guro Sa Panahon Ng Pandemya mula Mga Kuwentong Nanay ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Sanaysay Tungkol Sa Kalikasan
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino
- Tula Tungkol Sa Pangarap
- Talumpati Tungkol sa Wika
Konklusyon
Guro ang tawag sa taong nagturo sa atin na magagamit natin sa pagharap sa hamon ng buhay. Sinakripisyo nila ang kanilang sarili at minahal ang kanilang bokasyon. Kaya ang artikulong Sanaysay Tungkol Sa Guro ay siyang magsisilbing inspirasyon natin upang pasalamatan ang ating mga guro.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.