Sanaysay Tungkol Sa Droga – 7 Maikling Sanaysay Tungkol Sa Droga

SANAYSAY TUNGKOL SA DROGA – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling sanaysay tungkol sa droga ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa bawal na gamot o droga Tagalog ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Droga ang dahilan sa pagkawala ng buhay ng iilan. Droga din ang dahilan ng pagkasira ng sarili at pamilya. Gugustuhin mo ba bang mangyari yun? Huwag na, at huwag na talaga. Dahil ang droga ay masama, ito ang sumira sa mga pangarap ng ilang kabataan. Tinawag itong pinagbabawal na gamot dahil masama ito sa atin masisira lang ang buhay natin. Kaya, sa aming munting paraan, kinalap namin ang mga talumpati tungkol sa droga na siguradong magpapakilala sa inyo kung ano ang droga at ang masamang dulot nito sa atin.

Sana sa pamamagitan nitong mga sanaysay tungkol sa droga ay maging inspirasyon natin para huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot at huwag maging salot sa lipunan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng sanaysay tungkol sa droga.

See also: Talumpati Tungkol Sa Droga

Sanaysay Tungkol Sa Droga – 7 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Bawal Na Gamot O Droga Tagalog

Time needed: 5 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa Droga Sa Pilipinas.

  1. Sanaysay Tungkol Sa Droga

    Sanaysay mula sa panitikan.com.ph

  2. Ang Katotohanan Sa Bawal Na Gamot

  3. Sanaysay Tungkol Sa Droga

    Sanaysay ni HoTsaKi

  4. Ang Katotohanan Tungkol Sa Mga Droga

  5. Epekto Ng Ilegal

  6. Droga: Salot Sa Lipunan

  7. Droga: Salot Lang Sa Lipunan

Sanaysay Tungkol Sa Droga – 7 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Bawal Na Gamot O Droga Tagalog

SANAYSAY TUNGKOL SA DROGA 2021 - 7 HALIMBAWA NG MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL SA DROGA
SANAYSAY TUNGKOL SA DROGA 2021 – 7 HALIMBAWA NG MAIKLING SANAYSAY TUNGKOL SA DROGA

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang maikling Sanaysay Tungkol sa Droga. Nawa tayo maging edukado sa tungkol sa pinagbabawal na gamot base sa mababasa ninyong halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa Bawal Na Gamot o Droga bilang salot sa lipunan.

Sanaysay Tungkol Sa Droga

Isa sa mga karapatan ng tao ay ang magsaya at libangin ang sarili. Lahat tayo ay dapat ding humanap ng oras para naman mapawi ang mga panahong pagod tayo sa pagtatrabaho o eskwela.

Gayunman, may ilan na sa maling landas nahanap ang kasiyahan at paraan ng pagtakas sa mga suliranin ng buhay.

Ang iba ay nagkaroon ng masamang bisyo tulad ng ipingbabawal na gamot. Imbes na mapabuti, naging dahilan pa ito ng pagkalugmok ng marami.

Unti-unti ay naging suliranin na ng lipunan ang iligal na droga. Nagbunga na ito ng kaliwa’t kanang kriminalidad tulad ng pagnanakaw, panloloko ng kapuwa, at maging pagpaslang ng mga inosenteng buhay.

Dahil tila wala na sa katinuan ang mga nalulong sa bisyong ito, wala nang sinisino ang mga ito at maging mga mahal sa buhay ay ginagawan na ng kasamaan.

Maraming pamilya na ang nasira ng ipinagbabawal na gamot. Maraming mga magulang ang nakalimutan na ang responsibilidad sa kanilang mga anak. Mayroon namang mga anak na kahit nasa wastong gulang na ay pasanin pa rin ng mga magulang dahil sa bisyo.

Mainit din sa mata ng batas ang mga lulong sa droga. Mayroong ‘giyera’ ang pamahalaan sa mga ito at talamak ang pagkakapaslang ng mga gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga.

Lason ng lipunan ang ipinagbabawal na gamot. Maraming paraan upang libangin ang sarili. Iwasan ang mga bisyo at ituon ang oras sa mga mas makabuluhang bagay.

Sanaysay Tungkol sa droga tagalog mula sa panitikan.com.ph

Ang sanaysay na pinamagatang Sanaysay Tungkol Sa Droga ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa bawal na gamot o droga Tagalog. Ang sanaysay na ito ay para maipakita na dapat ay iwasan at huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot

Gamot. Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito’y medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit kapag inaabuso.

May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klasing droga. Iba’t iba sa kanila ay may iba-ibang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man ng iba na ito’y nakakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumagamit. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng paggamit ng ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga gawaing masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang ngayon.

Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak para madaling malaman at mapigilan kung sila ba’y gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya. Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling na pumasok sa iba’t ibang bisyo lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga.

Ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nalulong sa bawal na gamot ay ang kapabayaan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maaaring trabaho o negosyo lang ang palaging inaasikaso ng mga magulang at nawawalan na ng oras para sa kanilang mga anak.

Kung pababayaan lang ng mga magulang ang kanilang mga anak na malulong sa ipinagbabawal na gamot, maaaring ang mga anak nila ay magdudulot ng malaking puwerhisyo sa kanilang buhay. Ang mga gumagamit ng bawal na gamot ay maaaring matutong magnakaw, magsinungaling, agresibo o walang takot sa paggawa ng masama hanggang sa mawalan ito ng katinuan o mababaliw sa paggamit ng bawal na gamot.

Sa mga tungkulin, mga magulang gisingggg! Anak sa katotohanan…hoy gisingggg!!!!

Sanaysay tungkol sa droga sa Pilipinas ni Khen Salce

Ang sanaysay na pinamagatang Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa bawal na gamot o droga Tagalog. Ang sanaysay na ito ay para maipakita na dapat ay iwasan at huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sanaysay tungkol sa droga

Marami ang nagsasabi na ito ay gamot na nakapagpapagaling ng ilang karamdaman. Pero sa dami rin ng mga sinasabi tungkol sa mali at masamang epekto nito sa pag-iisip, natatakot ang ilan na subukang tikman ito. Kung iisipin, totoo namang gamot na pampalakas ang droga. Pero nais pa ba nating subukang gamitin ito kahit na may tendensya tayong maadik dito? Hindi kaya ay humantong lang ito sa sobrang paggamit anupat makasakit na tayo ng iba?

Ang mga taong naadik sa paggamit nito ay lumilikha ng gulo sa lipunan. Madalas na sila na lamang ang laman ng mga balita tungkol sa matindi at brutal na pananakit/ pagpatay sa mga babae, batang babae, lalaki, batang lalaki at pamilya pa nga. Nagiging makasarili dahil sa kanilang kagustuhan na masapatan ang kanilang adiksyon, nagagawa nilang magbenta ng mga bagay-bagay ng hindi pinag-iisipan ito. Isa pa, nagagawa din nilang magnakaw, manggahasa at pumatay.

Nakalulungkot, sa kabila ng pagsugpo ng batas sa mga taong gumagamit ng droga patuloy parin silang dumadami. At karaniwang nabibiktima sa paggamit ng pinagbabawal na gamot na ito ay ang ating mga mahal na kabataan. Kaya ang sanaysay na ito, ay makatulong sana sa mga tao na maintindihan ang masamang epekto nito. Huwag hayaang sirain ng droga ang buhay mo!

Sanaysay tungkol sa droga salot sa lipunan ni HoTsaKi

Ang sanaysay na pinamagatang Sanaysay Tungkol Sa Droga ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa bawal na gamot o droga Tagalog. Ang sanaysay na ito ay para maipakita na dapat ay iwasan at huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA DROGA

Ang mga droga ay mga lason. Ang dami na ginamit ang makatitiyak sa resulta.

Ang kaunti ay nagsisilbing pampasigla (nagpapabilis sa iyo). Ang mas marami ay nagsisilbing sedatibo (pinababagal ka). Ang mas marami pa ay nakalalason at maaaring makamatay.

Ito ay totoo sa kahit anumang droga. Tanging ang daming kinakailangan para makamit ang epekto ang naiiba.

Ngunit maraming droga ang may ibang panganib: ang mga ito ay direktang nakaaapekto sa isipan. Maaaring pasamain ng mga ito ang pag-unawa ng gumagamit sa nangyayari sa kanyang paligid. Bilang resulta, ang mga kilos ng taong iyon ay maaaring maging kakaiba, hindi makatwiran, hindi naaangkop at maaari pang mapanira.

Hinaharangan ng mga droga ang lahat ng mga pandama, ang mga kanais-nais ay pinapalitan ng mga hindi kanais-nais. Kaya, habang nagdudulot ng panandaliang tulong sa pagpapaginhawa ng sakit, tinatanggal din ng mga ito ang kakayahan at kalistuhan at pinalalabo ang pag-iisip.

Ang mga medisina ay mga drogang inilayon para mapabilis, mapabagal o mabago ang isang bagay tungkol sa paano gumagana ang iyong katawan, para subukang mapahusay ang paggana nito. Minsan ay kinakailangan ang mga ito. Ngunit ang mga ito ay mga droga pa rin: kumikilos ang mga ito bilang mga pampasigla o mga sedatibo, at ang sobra ay makamamatay sa iyo. Kaya’t kapag hindi mo gagamitin ang mga medisina tulad ng kung papaano dapat gamitin ang mga ito, maaaring maging kasing-panganib ng ilegal na mga droga ang
mga ito.

Ang tunay na kasagutan ay ang alamin ang mga katotohanan at hindi gumamit ng mga droga sa simula pa lamang.

Sanaysay tungkol sa droga sa Pilipinas mula sa drugfreeworld.ph

Ang sanaysay na pinamagatang Ang Katotohanan Tungkol Sa Mga Droga ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa bawal na gamot o droga Tagalog. Ang sanaysay na ito ay para maipakita na dapat ay iwasan at huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sanaysay Tungkol Sa Droga – 7 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Bawal Na Gamot O Droga Tagalog

Epekto ng Illigal na Droga sa Kabataan

Kung tutuusin, isang napaka daling gawin ang pag pasok sa kahit anong uring addiction. Ang mas mahirap paglabas sa ganitong kundisyon kapag ikaw aylulong na. Sa panahon ngayon maraming kabataan ang lulong sa masamang bisyogaya ng pag-gamit ng pinagbabawal na gamot o droga. Laging laman ng balita angproblemang ito, dahil marami ng nasira at nawalang ng buhay sa dahil dito. Bakitnga ba maraming kabataan ang lulong sa droga?

Alam naman natin na ang pagdrodroga ay masamang gawain. Maramingmasamang epekto ang pag aabuso dito, at kahit balik tarin mo man ang mundoalam nating walang magandang idudulot sa atin nito. Ang droga ay nag dudulot ngpagkabaliw, tulala, halusinasyon, mabilis na pagbagsak ng timbang at marami pangiba, nakakasira din ito sa buhay mawawalang ka ng trabaho, pera, at higit sa lahatmga taong nagmamahal sayo. Ang labis na pag gamit sa droga ay maa-ari itong ikamatay.

May mag kabataan gumagamit nito upang takasan ang suliranin sa buhay,tulad ng trauma, kakulangan ng attention ng pamilya, walang pangarap sa buhay atpang laban sa kalungkutan. Kaya hanggat maaari bigyan natin ng attention angbawat miyembro ng ating pamilya ng di sila mawalan ng landas at di makaramdamng pag-iisa.

Kaya paano natin mapipigilan ang malawakang paggamit ng mga gamot atabuso sa droga? Para sa akin, ito ay nasa loob ng ating sarili, at iyon ay DISIPLINA.Mahirap na malaman na ang buhay ng mga kabataan ay nasisira dahil lamang samga ipinagbabawal na droga. Kung mayroon akong pagkakataon na makakatulongako sa kanilang buhay, tutulungan ko sila sa pamamagitan ng pagiimbita sa mgaseminar tungkol sa pagkalulong sa droga. Hihihikayat ko silang sumali sa ilang mgaaktibidad sa paglilibang upang maiiwas ang kanilang pansin sa mga droga,Hihikayatin pumasok sa Drug rehabilitation upang sila’y magabayan ng maayos.

Sanaysay tungkol sa droga tagalog mula sa academia.edu

Ang sanaysay na pinamagatang Epekto ng Illigal na Droga sa Kabataan ay isang halimbawa ng maikling mga sanaysay tungkol sa bawal na gamot o droga Tagalog. Ang sanaysay na ito ay para maipakita na dapat ay iwasan at huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Droga: Salot sa Lipunan

Ilang kabataan na ba ang nakikita mong patapon na ang buhay? Yung tipong sobrang nakakaawa na yung itsura. Sa maghapon na lumipas tanging ang gawain lamang nya ay umupo sa isang tabi at may hawak hawak na misteryosong bagay na kanyang paulit ulit na sinisinghot para makaramdam ng ligaya sa buhay. Pero bakit sila naghahangad ng ligaya sa buhay? Dito pumapasok ang kapabayaan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maraming mga kabataan ngayon na mas gusto pa ang laging wala sila sa sarili nilang bahay dahilan ay ang kakulangan ng patnubay ng kanilang mga magulang. Karamihan ng biktima ng mga iligal na droga ay ang mga kabataan, kabataan na hindi lamang buhay ang nasisira pati na din ang kanilang pag-iisip.

Sa tuwing naglalakad ako sa kalsada at nakakakita ng mga batang wala pang kamuwang muwang sa mundo, buto’t balat ang katawan tumitirik ang mata, lasing at may hawak-hawak na supot ng rugby at patuloy ang pag singhot nito. Bagsak ang katawan dulot ng kung ano man na pinagbabawal na gamot. Napapailing nalang ako at napapaisip na, nasaan na ang kasabihan na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Hindi ka ba ma babahala na pag dating ng araw ay madami na ang adik sa ating lipunan? . Para sa mga kapwa ko kabataan, kung kaya ko lang iabot ang aking kamay upang hatakin kayo pataas mula sa maling landas na inyong tinahak ay ginawa ko na noong una pa lamang. Kung kaya ko lang tuwidin ang balikong daan na tinahak ninyo para wala na sanang pagala gala sa daan ay ginawa ko na. Hindi ko kaya kase kaylangan ko ng tulong at kooperasyon ninyo. Huwag na ninyong suwayin ang mga kagustuhan ng inyong mga magulang para sa inyo, sundin nyo ang tamang itinuturo sa inyo ng inyong mga magulang upang hindi kayo mabansagang DURUGISTA. Hindi lamang kayo gumagamit ng droga, dumudurog din kayo ng puso ng inyong mga magulang. Ang sakit lang kasing isipin na katulad Kong kabataan ang sisira sa ating minamahal na lipunan. Kung kabataan ay pag-asa ng bayan, ang droga ay salot sa lipunan. Salot kase sumisira ng kinabukasan ng Tao. Madami na rin ang nababalitang patayan sa buong pilipinas. Patayan na walang ibang dahilan kung Hindi ang droga. Sa panahon ngayon madami na ang uri ng droga ang makikita. Kung ito ay titignan mo lamang at hindi susuriin, hindi mo ito aakalain na droga. Puwede itong anyong candy , pulbos, at kung ano ano pang puwedeng pagtaguan o paggayahan nito. Kaya Ito ay lubos na nakakabahala sa mga magulang dahil hindi sila nakakasiguro na kung ang binibili ng kanilang mga anak ay walang halong iligal na droga. Kung ating papansinin, isa sa mga pokus ng ating Pangulo ang pagpuksa sa talamak na paggamit at pagbebenta ng iligal na droga. Simula ng pag-upo ng bagong Pangulo ay sunod-sunod na ang nababalitang napapatay na sangkot sa droga. Ngunit ang nakalulungkot ay kung sino pa ang mga pinili ang pagbabagong buhay, sila pa yung pinapatay dahil sa mga tiwaling pulis. May mga tiwaling pulis na sangkot sa paglaganap ng iligal na droga. Sila din ang pumapatay sa mga sumusukong drug user na nais ikanta(magbigay impormasyon) ang lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa sindikatong kanilang pinaglilingkuran. Maraming sindikatong nangingibang bansa upang magkalat ng madilim na negosyo. Ang sindikato ay binubuo ng malaki at makapangyarihang angkan. Kaya nilang protektahan ang sarili nila katapat ang malaking halaga. Ang mga taong na sa mataas na pusisyon at may kakayahang proteksyonan ang mga taong sangkot dito ang nagkalat at patuloy na pinapabango ang pangalan na parang walang kinalaman para lamang sa isang halaga na nanggaling sa masamang bulsa. Naiisip kaya nila ang maaaring kahantungan nito? Hindi lamang sa pamilya nila kundi pati na din sa pangalang kanilang iniingat-ingatan. Patuloy ang pag sugpo sa mga ito. Kaugnay nito ay mayroong mga listahan ang ating pangulo na nauna nya ng inilabas noong nga nakaraang buwan. Nangako ang pangulo na pananagutin ng mga sangkot dito kung mapatunayan man ang mga ito. Marami na rin ang mga nasibak na mga opisyales na naturong aktibo sa masamang gawain na ito. Inaabangan parin hanggang ngayon ang pangalawang listahan ng pangulo ng mga sangkot dito. Sa kabila ng pagsugpo sa droga ay naglabasan din ang mga suwesyon ng ibat-ibang mamayan sa tungkol sa Extra Judicial Killings na nangyayari sa ating bansa ngayon. Ang talamak na pagpatay sa mga taong sangkot at isinasangkot sa ilegal na droga. Marami ang nadismaya sa pangyayaring I to, maging ang mga kapamilya ng mga nasasangkot dito. Maraming pamilya and umaapela kaugnay dito. Para sakanila ay hindi patas at hindi makatarungan ang nangyayari. Napapatay ang kanilang kapamilya ng walang kalaban-laban sa mga kamay ng awtoridad. Sa ngayon nagtalaga ng mga “Bahay Bagong Buhay” sa buong bansa para sa mga sumukong user at pusher na nais magbagong buhay. Dito ay bawal ang mobile phones ,pera at iba pa maliban sa BIBLIYA. Sa kabila ng lahat kahit binigyan ng gobyerno ng chance ang mga user at pusher, mayroon pa din ang mga nagpapatuloy sa pag nenegosyo ng iligal na droga. Dahil dito, hindi pa nakakasiguro ang mga awtoridad kung ligtas ang bawat kalye tuwing gabi sa mga adik na lulong sa droga na gumagawa ng karumaldumal na krimen. Nagagawa ito ng isang adik dulot ng pagkasira ng kanilang ulo. Kaya kung ikaw ay may nakatabing adik ay agad ka nang lumayo para sa iyong kaligtasan. Ano ang SHABOO?. Ang shaboo o methampetamine isang uri ng ipinag babawal na gamot, na karaniwang uri ay kulay puti na pulbos na parang pinong asin o tawas. Ito ay maaaring ihalo sa tubig o iturok. Puwede din itong singhutin. Tinatawag din itong ice o bato. Nakakahigh ito dahil pinapakawalan nito ang dopamine sa utak ng tao. Any dipamine ang syang umaaksyon sa iba’t ibang bahagi ng utak at ng katawan ng Tao. Dahilan ito kung bakit nagiging high o rush na tinatawag. Ang epekto na to sa katawan ng user at tumatagal ng 6 hanggang 18 na oras. KUNG mayroon mang dapat sisihin sa pagkakaroon nang malalagim na krimen sa bansa, iyan ay ang iligal na droga pangunahin dito ang shaboo. Kahit saang lugar sa bansa ay may shaboo. May mga liblib na lugar sa bansa na wala pang kalsada at kuryente pero mayroon nang shaboo. Mas mabilis makarating ang shaboo sa liblib at iglap ay ginagawang “halimaw” ang mga kabataan. Mas matindi ang mga krimen na nagagawa ng mga hayok sa shaboo. Bukod sa ginagahasa na ang biktima ay pinapatay pa. Katulad nang nangyari sa UST graduate­ na nabiktima ng magkapatid na traysikel drayber na pawang lango sa shaboo sa Bacoor, Cavite. Bumili lamang ng puto bumbong ang biktima at sumakay sa traysikel ng magkapatid. Sa halip ihatid sa bahay, sa isang kubo sa bukid dinala at doon ginahasa at pinatay. Ninakawan pa ang biktima. Umamin ang magkapatid na nag-shabu sila bago isinagawa ang krimen. Paano nga ba nakakalusot ang iligal na droga sa ating bansa? Sino-sino ba ang mga kalahok(kasabwat) sa pagpupuslit ng droga sa bansa? Sa Amerika man o sa Pilipinas, lumalabas na aktibong kalahok ang mga opisyal ng militar at pulisya sa pagpapalaganap ng ilegal na droga. Ito ang mismong dahilan kung bakit pinapayuhan ngayon ng mga progresibo si Duterte na ituluy-tuloy na ang pag-iimbestiga at pagsampa ng kaso sa mga heneral, lokal na mga opisyal at mayayamang indibidwal habang maghunusdili sa paggamit ng kamay na bakal (at paglabag sa batayang mga karapatan) sa mga kriminal na antas-kalye.

Sanaysay tungkol sa droga salot sa lipunan mula sa dariusabat.wordpress.com

Ang sanaysay na pinamagatang Droga: Salot Sa Lipunan ay isang halimbawa ng maikling mga sanaysay tungkol sa bawal na gamot o droga Tagalog. Ang sanaysay na ito ay para maipakita na dapat ay iwasan at huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

DROGA: SALOT LANG SA LIPUNAN.

Ilang tao na ba ang nakita mong napinsala nitong droga? Ilan na ba ang nakita mong tao na halos patapon na ang buhay? Ilan na ba ang taong nakita mo na namatay ng dahil lang sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot?

Sa panahon natin ngayon droga na siguro ang isa sa mga malalang problema ng ating pamahalaan at ng ating bansa. Maraming tao ang gumagamit nito, mapababae o lalaki man, maski na din ang matatanda at lalong lalo na din ang mga kabataan. Sila ay patuloy na naaakit sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang droga ay isang mapinsalang bagay ika nga nila. Sapagkat ito ay:

1. Nakakasama sa ating katawan at kalusugan.
2. Naapektuhan din nito ang ating pagiisip.
3. At lalong lalo na, nasisira din nito ang ating buhay.

Sa bansa natin halos hindi mo na mabilang ang mga taong gumagamit ng droga kung kaya’t ang ating bagong pangulo na si Rodrigo Duterte ay nagsagawa ng isang kampanya upang tuluyang mapuksa ang droga sa ating bansa. Ito ay tinatawag nilang Project Tokhang o Oplan Tokhang. Ito ay kanyang ipinatupad noong nanunungkulan pa lamang siya bilang mayor sa Davao City. Masasabi nating ito ay naging matagumpay sapagkat pumang-apat ang Davao City sa pinakaligtas na siyudad sa buong mundo. At ngayon nga, ay ipinapatupad naman niya ito sa buong Pilipinas katulong na si PNP Chief General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa pagpapatupad niya nitong kanyang kampanya naging talamak din ang mga patayan sa iba’t ibang lugar. Lagi itong laman ng mga balita sa telebisyon, radyo, dyaryo at iba pa. Ayon sa datos, mahigit kumulang isang libo na ang namatay nang dahil sa droga. Mula namang nang ika-1 ng Hulyo hanggang ngayon, ika-18 ng Setyembre mahigit kumulang 17 libo na ang naaresto ng mga otoridad. Akalain mo yun? Libo libong tao na ang gumagamit nitong ipinagbabawal na gamot. Hindi talaga maipagkakailang marami itong napipinsala. Kitang kita naman nating kahit sino ay pwedeng mabiktima nito, basta’t magpapabiktima din sila.

Ang droga ay salot sa ating lipunan. Totoo naman talaga. Maraming mapipinsala ito kung patuloy itong lalaganap. Kung kaya’t sana ay mapuksa na ito ng ating pamahalaan. Ang ipinangako ng ating bagong pangulo na sa loob ng tatlo o anim na buwan ay tuluyan ng mapupuksa ang mga gumagamit ng droga. Sana ay magawa nila ito at hindi lang sila puro salita at pangako.

Sanaysay tungkol sa droga sa Pilipinas mula sa itsmecristinasales.wordpress.com

Ang sanaysay na pinamagatang Droga: Salot Lang Sa Lipunan ay isang halimbawa ng maikling mga sanaysay tungkol sa bawal na gamot o droga Tagalog. Ang sanaysay na ito ay para maipakita na dapat ay iwasan at huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Summary of Mga Sanaysay Tungkol Sa Droga 2022

Droga ang dahilan sa pagkawala ng buhay ng iilan. Droga din ang dahilan ng pagkasira ng sarili at pamilya. Kaya ang artikulong mga Sanaysay Tungkol Sa Droga ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon at aral na huwag gumamit ng bawal na gamot at pag-igihan ang ating mga pangarap sa buhay upang ito ay maabot.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng sanaysay tungkol sa droga. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Sanaysay Tungkol Sa Droga – 7 Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Droga 2022. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment