Sanaysay Kahulugan – Bahagi, Elemento, At Uri

SANAYSAY KAHULUGAN – Sa araling ito, ating matutunghayan kung ano ang kahulugan ng sanaysay sa Tagalog at mga bahagi, halimbawa, at uri nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga sanaysay na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Ano Ang Kahulugan Ng Sanaysay?

Ang sanaysay o essay sa Ingles ay isang uri ng sulatin may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang isang sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda.

Ang mga sanaysay ay isang komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Naipapahayag ng may akda ang sariling impormasyon, magpahayag ng nararamdaman,magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.

Gamit ang malawak na pag-iisip maaaring tumalakay ng iba’t ibang paksa gaya ng pag-ibig, kapaligiran, pamilya, lipunan, mundo, at iba pa.

Sanaysay Kahulugan - Ano Ang Kahulugan, Bahagi, Halimbawa At Uri Ng Sanaysay
Sanaysay Kahulugan

Bahagi Ng Sanaysay

Batay sa nabasa ninyo sa itaas tungkol sa kung ano ang kahulugan ng sanaysay, narito naman ang mga bahagi ng sanaysay.

Time needed: 1 minute.

Narito na ang bahagi ng sanaysay.

  1. Simula / Panimula

    Ang panimula ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin. Nararapat lamang na makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.

  2. Gitna / Katawan

    Sa bahaging ito ng sanaysay naman mababasa ang mga mahalagang puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito natin malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.

  3. Wakas 

    Dito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Sa bahaging ito naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.

Ang sanaysay ay nahahati sa 3 bahagi at yun ay ang panimula, katawan at wakas. Ang mga parteng ito ang dapat isaalang-alang ng isang manunulat ng sanaysay.

Uri Ng Sanaysay

Ngayon na nalaman na natin kung ano ang kahulugan at bahagi ng sanaysay, talakayin naman natin ang mga uri ng sanaysay.

  • Pormal na Sanaysay – Ito ay isang uri ng sulatin na may maayos at seryosong paksa at nilalaman. Mahahalagang impormasyon ang nililikha dito upang mapukaw ang isip at damdamin ng mambabasa.
    • Hindi ito nakabatay sa opinyon ng awtor sapagkat dumaan ito sa proseso nang maingat na pananaliksik at pagsusuri ng mga datos. Karaniwang paksa nito ang mga importanteng tao, pangyayari, mga isyu sa lipunan at kung paano ito masusulusyunan. Ang halimbawa nito ay ang pahayagang editoryal.
  • Di-pormal na Sanaysay – Ang di-pormal na sanaysay ay isang sulatin na mas malaya at naipapakita ng awtor ang kanyang personalidad na parang nakikipag-usap sa isang kaibigan. Karaniwang paksa ng manunulat ang kanyang mga karanasan at pananaw sa mga bagay at pangyayari sa paligid. Nagtataglay din ito ng nakaka-aliw at nakaka-akit na nilalaman sapagkat ang awtor ay hindi na kailangang magbase sa iba.

Ang sanaysay ay may dalawang (2) uri. Ito ay ang pormal na sanaysay at di-pormal na sanaysay.

Elemento Ng Sanaysay

Pagkatapos nating talakayin ang kung ano ang kahulugan, bahagi ng sanaysay at uri nito, narito naman ang mga elemento ng sanaysay.

Elemento Ng SanaysayKahulugan
Tema at NilalamanAng tema ay ang kaisipan na siyang iikutan ng nilalaman ng isang sanaynay. Ang tema ay dapay napapanahon at nakakahuha ng interes ng mga mambabasa.
Anyo at EstrakturaSa anyo at estruktura nakapaloob ang tatlong bahagi ng epektibong sanaysay. Ito ay mahalagang sangkap na makakatulong sa may akda at mga mambabasa upang lubos na maunawaan ang daloy ng mga ediya.
Wika at EstiloIto ay ang paraan ng pagsulat at wastong paggamit ng wika ng may akda. Higit na epektibo ang isang komposisyon kung ang manunulat ay gumagamit ng mga payak at simpleng pananalita na madaling nauunawaan ng mga mambabasa.
Elemento ng Sanaysay

Ang sanaysay ay binubuo ng tatlong (3) elemento. Ito ay ang tema at nilalaman, anyo at estraktura, at wika at estilo.

Halimbawa ng Sanaysay

1. Sanaysay Sa Sarili

Sino Ako?

Ang aking ina, ama, kapatid, tiyahin, tiyuhin, pinsan, at mga kaibigan. Silang lahat ay aking nakasama sa luob ng mahabang panahon. Kilala ko ang bawat miyembro ng aking pamilya, ganuon din naman ang aking mga kaibigan.

Alam ko ang mga bagay na hilig nilang gawin at mga lugar na lagi nilang pinupuntahan, pati mga pagkaing madalas nilang kinakain. Ganuon ko sila kakilala, ngunit sapat na ba iyon upang malaman ko kung sino talaga sila? Gaya ng aking sarili. Lubos ko na bang kilala kung sino talaga ako, bilang ako?

Ako, isang simpleng tao. Gaya ng iba mayroon din akong mga pangarap. Mga pangarap na walang katapusan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng paksa na “Sino Ako?” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Sino Ako?” ay isang halimbawa ng mga maikling sanaysay tungkol sa sarili. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.

2. Sanaysay Sa Pangarap

Ang Pangarap Ko Sa Buhay

Ang pangarap ang nagsilbeng gabay ng aking mga pagsisikap.Ito nalang ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan. Ang aking pangarap ay makapunta sana sa ibang bansa.

Gusto ko doon magtrabaho dahil malaking tulong ito sa aming mamaahon sa kahirapan. Sa kabilang dako naman,alam ko na hindi ito matupad kapag hindi ako makatapos ng high school ganoon din sa kolehiyo.Kaya, pagbutihin ko na ang pananaw ko ngayon sa buhay.

Mag- aral ako sa ALS habang nagtatrabaho ng kahit ano nakakabuti sa aming pamilya at makatulong sa pag-aalaga sa aking mga bunsong kapatid…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng paksa na “Ang Pangarap Ko Sa Buhay” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Batay sa kahulugan, bahagi, elemento at uri ng sanaysay, narito ang isang sanaysay na pinamagatang Ang Pangarap Ko Sa Buhay. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.

3. Sanaysay Sa Magulang

Aking Magulang, Aking Inspirasyon

Pagkapanganak pa lang sa atin ng ating mga ina,magulang na agad natin ang ating kasama. Bata pa lamang tayo sila na ang lagi nating nakikita. Sila ang gumagabay sa atin sa bawat hakbang na tinatahak natin dito sa ating buhay.

Sila ang una nating naging guro pagdating sa mga mabubuting asal. At hanggang sa ating paglaki, sila pa rin ang sa ati’y gumagabay.

Nakakapag-aral ako dahil sa aking mga magulang. Mga magulang ko ang aking inspirasyon lalo na sa aking pag-aaral. Sapagkat, sila ang dahilan kung bakit ako nakakapasok sa eskwelahan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng paksa na “Aking Magulang, Aking Inspirasyon” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Batay sa kahulugan, bahagi, elemento at uri ng sanaysay, narito ang isang sanaysay na pinamagatang Aking Magulang, Aking Inspirasyon. Ito ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pagmamahal o pag-ibig sa mga magulang. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

4. Sanaysay Sa Ina

“Ang Ilaw ng Tahanan”

Si nanay ang lagi nating kasama sa bahay.Siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay, nag-aalaga ng mga anak, naghahain ng pagkain para sa pamilya at siya din ang nagbabadyet ng pera. Ganito kahalaga ang ilaw ng tahanan.

Meron siyang kayang gawin na hindi kayang gawin ni tatay. Siya rin gumagabay sa mga anak lalo na kapag wala si tatay. Kaya pagdating sa problema si nanay ang maaasahan.

Ako’y may kilalang ina, isa siya sa mga ina na nagtataglay ng mga katangiang aking na banggit. Isang araw nagkaroon ng malaking problema si nanay. Wala siyang pera upang ipambili ng pagkain para sa kanyang mga anak at ang ikinikita ng asawa ay hindi sapat upang ibigay ang pangangailangan nila…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng paksa na “Ang Ilaw ng Tahanan” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Batay sa kahulugan, bahagi, elemento ng sanaysay at uri nito, narito ang isang halimbawa ng sanaysay na pinamagatang Ang Ilaw ng Tahanan. Ito ay isang halimbawa ng di pormal na sanaysay tungkol sa dakilang ina. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang sakripisyo ng ating mga ina.

5. Sanaysay Sa Droga

Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot

Gamot. Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito’y medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit kapag inaabuso.

May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klasing droga. Iba’t iba sa kanila ay may iba-ibang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man ng iba na ito’y nakakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumagamit.

Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng paggamit ng ipinagbabawal ng gamot…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng paksa na “Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang sanaysay na pinamagatang “Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot” isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa bawal na gamot o droga Tagalog. Ang sanaysay na ito ay para maipakita na dapat ay iwasan at huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa Kahulugan ng Sanaysay at uri nito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga uri ng sanaysay at kahulugan nito. Dagdag na rin ang mga bahagi, layunin at halimbawa na makakatulong sa inyo.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong kahulugan ng sanaysay at uri nito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment