Sanaysay Halimbawa – Replektibong Halimbawa Ng Sanaysay

Sanaysay Halimbawa – In this lesson, you will learn about Sanaysay and example o halimbawa of sanaysay in Tagalog. Ang mga maikling replektibong halimbawa ng sanaysay Tagalog tungkol sa edukasyon, wika, pandemya, kabataan, pangarap, kaibigan, kahirapan, pag-ibig, magulang, at pamilya atbp. sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Ang sanaysay o essay sa Ingles ay isang uri ng sulatin may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang isang sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda.

Ang mga sanaysay ay isang komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Naipapahayag ng may akda ang sariling impormasyon, magpahayag ng nararamdaman,magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.

Gamit ang malawak na pag-iisip maaaring tumalakay ng iba’t ibang paksa gaya ng pag-ibig, kapaligiran, pamilya, lipunan, mundo, at iba pa.

See also: Sanaysay Kahulugan – Ano Ang Kahulugan, Bahagi, At Uri Ng Sanaysay?

Talumpati Halimbawa – 10 Halimbawa ng Talumpati (Tagalog) 2021

Sanaysay Halimbawa – Replektibong Example o Halimbawa Ng Maikling Sanaysay

Narito na ang mga replektibong example o halimbawa ng maikling sanaysay.

  1. Sanaysay Tungkol Sa Wika

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling sanaysay tungkol sa wika ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan at buwan ng wika ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  2. Sanaysay Tungkol Sa Pangarap

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling di pormal na sanaysay tungkol sa tagumpay at pagkamit sa pangarap sa buhay ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  3. Sanaysay Tungkol Sa Magulang

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang sanaysay tungkol sa dakilang pagmamahal o pag-ibig sa magulang ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa kadakilaan ng mga magulang ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

  4. Sanaysay Tungkol Sa Pandemya

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling sanaysay tungkol sa panahon ng pandemya ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa edukasyon ngayong pandemya (Covid 19) ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

  5. Sanaysay Tungkol Sa Pag-ibig

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling sanaysay tungkol sa pag-ibig ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa tunay na pag-ibig sa pamilya, kasintahan at kapwa ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  6. Sanaysay Tungkol Sa Pamilya

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang sanaysay tungkol sa pamilya ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling pormal at di pormal na sanaysay tungkol sa pagmamahal sa pamilya ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  7. Sanaysay Tungkol Sa Kahirapan

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling sanaysay tungkol sa kahirapan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  8. Sanaysay Tungkol Sa Kaibigan

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang sanaysay tungkol sa kaibigan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling pormal at di pormal na sanaysay tungkol sa tunay na kaibigan ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

  9. Sanaysay Tungkol Sa Kalikasan

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang sanaysay tungkol sa kalikasan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling sanaysay na di-pormal tungkol sa pangangalaga o pagkasira sa kalikasan tagalog ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  10. Sanaysay Tungkol Sa Edukasyon

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling sanaysay tungkol sa edukasyon ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa new normal sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Sanaysay Halimbawa – Replektibong Example o Halimbawa Ng Maikling Sanaysay

SANAYSAY HALIMBAWA - EXAMPLE O HALIMBAWA NG MAIKLING REPLEKTIBONG SANAYSAY
SANAYSAY HALIMBAWA – EXAMPLE O HALIMBAWA NG MAIKLING REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling Example o Halimbawa Ng Maikling Sanaysay Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga example o halimbawa ng maikling sanaysay Tagalog tungkol sa edukasyon, wika, kalikasan, pandemya, pangarap, kaibigan, kahirapan, pag-ibig, magulang, pamilya atbp. sa Pilipinas.

Example o Halimbawa Ng Maikling Replektibong Sanaysay tungkol sa Wika

Ang kahalagahan ng wikang filipino

Maraming tanong sa isipan ng isang tao,mga taong na nakakaapekto sa bawat galaw,kilos,at disisyon nito.Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa.Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito.Ang ay isang paraan ng komunikasyon.Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao.Ibat-ibang wika sa bawat lugar,komunidad,at bansa . Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.Ang wikang filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga pilipino kung sino,anu at meron sila.

Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyanan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki.Kailangan protektahan,ipagtanggol ito,mahalin,at higit sa lahat ay huwag nating ikahiya ang ating wikang filipino.

Ipakita natin sa ating mahal na mga bayanihang nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magkaroon man tayo ng wikang pansarili,para maibuklod ang ating bansa at hindi ito mapasama

Sanaysay tungkol sa wikang pambansa mula sa Sanaysay

Ang sanaysay na pinamagatang Ang Kahalagahan Ng Wikang Filipino ay isang halimbawa ng mga maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan at buwan ng wika. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga pagmamahal ng sumulat tungkol sa ating wikang pambansa.

Example o Halimbawa Ng Maikling Replektibong Sanaysay tungkol sa Pangarap

Ang Pangarap Ko Sa Buhay

Ang pangarap ang nagsilbeng gabay ng aking mga pagsisikap.Ito nalang ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan.Ang aking pangarap ay makapunta sana sa ibang bansa.

Gusto ko doon magtrabaho dahil malaking tulong ito sa aming mamaahon sa kahirapan.Sa kabilang dako naman,alam ko na hindi ito matupad kapag hindi ako makatapos ng high school ganoon din sa kolehiyo.Kaya,pagbutihin ko na ang pananaw ko ngayon sa buhay.Mag- aral ako sa ALS habang nagtatrabaho ng kahit ano nakakabuti sa aming pamilya at makatulong sa pag-aalaga sa aking mga bunsong kapatid.Sana makapasa na ako ngayon sa pasulit dahil magpatuloy ako sa kolehiyo upang makatapos ng kurso.

Sa ngayon ako po ay patuloy na umaasang maisakatuparan ang tanging pangarap.Alam kong ang aking mga pangarap ay kayang abutin sa tulong ng Poong Maykapal at sa mga taong nakapaligid sa akin para maisakatuparan ko ang matagal ko nang pinapangarap na pumasa sa pasulit.

Sanaysay tungkol sa pangarap tagalog mula sa millionmiler.com

Ang sanaysay na pinamagatang Ang Pangarap Ko Sa Buhay ay isang halimbawa ng mga maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pangarap sa buhay. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.

Example o Halimbawa Ng Maikling Replektibong Sanaysay tungkol sa Magulang

Ang aking Bayani ay ang aking Magulang

Ang itinuturing kong Bayani sa aking buhay ay ang aking mga magulang, dahil ginagawa nila ang lahat para lamang kami ay mabuhay. Ang kanilang pagsasakripisyo sa pagtatrabaho, ang pagod at hirap na kanilang dinanas upang kami ay mapag-aral ng aking kapatid ay walang katumbas. Ang kanilang dugo’t pawis ang maituturing kong kayamanan dahil sa kanila ay naging maganda ang buhay ko. Ang kanilang mga payo na tinanggap ko upang mapabuti ang buhay ko ay isasabuhay ko at dadalhin sa aking pagtanda hanggang sa ako din ay magkaroon ng pamilya. Kaya sa aking magulang ako ay nagpapasalamat dahil sila ang gumabay sa akin mula ng ako’y isinilang hanggang sa kasalukuyan. Binigyan niyo ako ng magandang Edukasyon upang mapabuti ko pa ang aking kaalaman at magamit ito sa pangaraw-araw. Kaya’t aking magulang kayo’y aking pinararangalan at pinasasalamatan dahil andito kayo upang gabayan ako sa aking buhay sa mga problema na aking dinadanas dahil kayo ang aking naging sandalan sa oras ng kagipitan. Alam ko ang mga problema na kinakaharap natin ngayon ay pawang pagsubok lamang upang mapatibay pa ang ating relasyon at sa ating pananampalataya sa diyos. Kaya nating lagpasan ang mga pagsubok na ito basta’t buong lakas natin itong haharapin. Kaya’t sa aking mga magulang ako ay nagpapasalamat dahil kaya niyong magsakripisyo alang-alang sa inyong mga anak. Kayo ang aking “BAYANI”. Oh para sa inyo sino ang Bayani niyo ?

Sanaysay tungkol sa magulang tagalog mula sa stevenalba.blogspot.com

Ang sanaysay na pinamagatang Ang aking Bayani ay ang aking Magulang ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa pagmamahal o pag-ibig sa mga magulang. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

Example o Halimbawa Ng Maikling Replektibong Sanaysay tungkol sa Pandemya

Sanaysay Tungkol sa Pandemya

Alam nating lahat na masama ang epekto ng pandemya sa aspeto ng kabuhayan,trabaho ng bawat isa sa’tin,ekonomiya at maging ang pag-aaral ng mga kabataang tulad ko.

Sa panahon ng pandemya alam kong lahat ay nag-hihirap at nawawalan ng pag-asa.

Sa patuloy na paglaganap ng pandemyang ito,patuloy din itong sinusubok ang ating pagbabayanihan sa kung paano natin ito masusugpo at malalabanan.
Ngunit batid ko na marami sa ating kababayan at maging sa ibang panig ng mundo ang unti-unting nang nawawalan ng pag-asa na kung ito ba ay atin pang makakaya o hindi na.

Hindi man biro ang pinagdaraanan natin ngayon pero alam kong meron paring mainam na solusyon.

Bago pa man magka-pandemya diba’t tayong lahat ay nagsasaya?

Kaya’t wag tayong mawalan ng pag-asa sapagkat isa lamang ito sa mga pagsubok na darating pa sa hinaharap. Kung susuko ka ngayon paano ang bukas?
Ang magandang bukas na naghihintay sa’yo. Ako man ay nangagamba pero nandiyan ang Panginoong Diyos na nakamasid at palihim na tumutulong sa pagsugpo sa malaking problemang ating hinaharap ngayon.

Malalagpasan rin natin ‘to basta’t tayo’y magkaisa at manalig sa itaas.

Sanaysay tungkol sa panahon ng pandemya ni Miss A.A

Ang talumpati na pinamagatang Sanaysay Tungkol sa Pandemya ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang sanaysay tungkol sa karanasan ngayong pandemic na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng (Covid 19).

Example o Halimbawa Ng Maikling Replektibong Sanaysay tungkol sa Pag-ibig

“Ang Kahulugan ng Tunay na Pag-ibig”

Sa buhay pag-ibig iba-iba ang nararamdaman masaya,malungkot at nagdurusa may mga katanungang hinahanap parin ang mga kasagutan. May mga gimik upang ipakita at ipadama ang nararamdaman sa sinisinta. Ngunit marami parin ang naguguluhan kung ano ba ang tunay na pag-ibig?

Kung ako ang tatanungin kung ano ang kahulugan ng tunay na pag-ibig. Ang pag-ibig ay isang kaligayahan sa piling ng iyong minahamal. Gagawin mo ang lahat masunod lang ang iyong puso. Baliw pa nga kung tawagin ng iba, dahil di mo kayang mawala siya sa piling mo. Kaya kung natagpuan mo na ang iyong tunay na pag-ibig, mahalin mo siya at ipangako na siya lang pakamamahalin habang buhay.

Kaya sa aking pagtatapos, lagi nating tatandaan, sa buhay pag-ibig dalawa lang ang kinahahatnan ang lumigaya at ang masaktan, kaya huwag umasa, huwag magpaasa upang maiwasan na masaktan at nang may masaktan.

Sanaysay tungkol sa pag-ibig sa kapwa mula sa Share your Essay with us.

Ang sanaysay na pinamagatang “Ang Kahulugan ng Tunay na Pag-ibig” ay isang halimbawa ng maikling di pormal na sanaysay tungkol sa tunay na pag-ibig. Ang sanaysay na ito ay tungkol sa pag-ibig natin sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Example o Halimbawa Ng Maikling Replektibong Sanaysay tungkol sa Pamilya

Kahalagahan ng Pamilya

Ang kahalagan ng pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito hinuhubog ang isang pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa tuwing may problema at dito rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa kapag may dumadating na problema.

Ang ibang kabataan ay napapariwara ang buhay sa kadahilanang ang pundasyon ng kanilang pamilya ay mahina at walang pag kakaisa. Ang mga kabataan na galing sa broken family ay nasisisira ang kanilang buhay sapagkat nagrerebelde sila at natututo rin silang gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Pero hindi lahat ng mga kabataan na galingbsa broken family ay napapariwara ang buhay, ang iba ay ginagamit itong inspirasyon sa buhay para maging matagumpay sila sa kanilang mga pangarap.

Mahalaga ang pamilya dahil sila ang mas higit na nakakaintindi sa atin sa mga panahong wala tayong masasandalan sa panahon ng puro problema lang ang dumarating sa buhay. Ang kahalagahan ng buong pamilya na ito ay kayang mong humarap sa mundo na buo ang iyong pagkatao dahil sa pamilya at masaya ang may buong pamilya.

Sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pamilya ni April Juanitez

Ang sanaysay na pinamagatang Kahalagahan ng Pamilya ay isang halimbawa ng maikling di pormal na sanaysay tungkol sa pagmamahal sa pamilya. Ang sanaysay na ito ay para maipakita ang mga pagmamahal ng mga sumulat tungkol sa ating pamilya.

Example o Halimbawa Ng Maikling Replektibong Sanaysay tungkol sa Kahirapan

Kahirapan na walang katapusan

Maganda ang forecast sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2015. Maaari raw umangat ng 6-7 percent ang kabuhayan. Nakikita na umano ang mga palatandaan. Noong 2012, umangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.6 percent. Tuwang-tuwa si President Noynoy Aquino sa pag-angat na ito. Ipinagmalaki niya ito. Sabi, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa “maayos na pamamahala” ng kasalukuyang pamahalaan.

Ang nakapagtataka, sa kabila na umaangat ang ekonomiya, bakit marami pa rin ang naghihirap at nagugutom. Bakit marami pa rin ang walang trabaho? Bakit marami pa ring palaboy?

Sa latest Pulse Asia survey, 40 percent ng mga Pilipino ang nagsabing hindi sila satisfied sa ginagawa ng gobyerno kung paano malulutas ang kahirapan ng buhay. Wala pa ring pagbabago sa buhay ng mga dukha at lalo pa umanong nalulubog sa kumunoy ng kahirapan. May ginagawang paraan ang gobyerno gaya ng pagbibigay ng financial na tulong sa mga mahihirap na pamilya pero ito ay hindi garantiya na magpapabago sa buhay ng mga dukha, sa halip tinuturuan lamang na umasa at maging depende sa pamahalaan. Hindi na nagnanais magsikap at bagkus naghihintay na lamang ng babagsak sa kanilang bunganga.

Hindi magawa ng gobyerno na mapagaan ang pasanin ng mga mahihirap. Kahit na maraming beses nang nag-rollback ang petroleum products, ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay nananatili pa ring mataas. Walang makitang pagsisikap ang pamahalaan para mabigyan ng kagaanan ang maraming Pinoy na isang kahig, isang tuka.

Marami sanang mapagkukunan ng ikabubuhay sa bansang ito pero kulang ang pagsisikap ng gobyerno. Ang agricultural sector na maraming pagkukunan ng pagkakakitaan ay nakakaligtaan. Sa halip na tulungan ang mga magsasaka na kumita mula sa inaani, mas pinapaboran pa ang pag-iimport ng produkto – halimbawa ang bigas at sibuyas.

Hindi matatakasan ang kahirapan at kagutuman, dahil walang sistema ang gobyeno kung paano lulutasin ang problema. Nababaluktot ang daang matuwid.

Sanaysay tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas mula sa Philstar.com (Pang-Masa, Marso 30, 2015.)

Ang sanaysay na pinamagatang Kahirapan na walang katapusan ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang sanaysay na ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.

Example o Halimbawa Ng Maikling Replektibong Sanaysay tungkol sa Kaibigan

Maging tapat na kaibigan

Para mapanatili mo ang magandang pagkakaibigan, kailangan na maging bukas ang damdamin at komunikasyon ng bawat isa. Kaya lang dumarating din sa magkaibigan ang isang sitwasyon na nahihirapan kang maging “open” sa kanya at sabihin sa kanya ang ilang bagay na gusto mong ipaalam sa kanya. Maaaring nahihiya o natatakot ka na masaktan mo ang damdamin ng iyong kaibigan kaya napipigilan kang maging totoo sa kanya. Gaya ng karanasan ni Angelica, 20, nais niyang pagsabihan ang kanyang best friend na umiwas sa isang ka-school mate nila dahil masamang impluwensiya ito sa kanya. Ngunit hindi masabi ni Angelica, dahil sa takot na magalit ito sa kanya. Narito ang ilang bagay na dapat mong tandaan bakit kailangan mong maging totoo sa iyong kaibigan anuman ang sitwasyon.

Maging tapat – Sa kabuuan o pangkalahatan, kailangan mong maging tapat sa kahit na sinuman, lalo na siyempre kung ito ay iyong kaibigan. Ang maliliit na itinuturing na “white lies” , kapag dumami ay nagiging mapanganib, kaya hangga’t maaari ay maging tapat sa kanya. Isipin mo na lang kung hindi ka magiging totoo sa kanya, sino pa ang aasahan mong magsasabi ng tapat sa kanya?

Sabihin lang kung ano ang importante – Hindi naman porke kaibigan mo ang isang tao ay may karapatan ka ng sabihin sa kanya ang lahat ng gusto mong sabihin. Ang mga bagay na tingin mo ay makakabuti ang mas piliin mong sabihin sa kanya at hindi ang mga bagay na makakapagpababa ng kanyang moral.

Maging handa – Anuman ang iyong sasabihin sa kanya dapat mong ihanda ang iyong sarili, lalo na kung sa tingin mo na ito ay medyo sensitibo para sa kanya. Halimbawa, nakita mo ang kanyang gf/ bf na mayroong kasamang iba, dapat mong paghandaan kung paano mo ito sasabihin sa kanya sa paraang hindi siya mabibigla, magagalit at masasaktan. At kung ganito kasensitibo ang iyong sasabihin sa iyong kaibigan, dapat kang humanap ng magandang tiyempo at lugar kung saan mo ito sasabihin. Huwag na huwag mo itong sasabihin sa kanya na kayo ay nasa isang pampublikong lugar, lalo na kung hindi mo pa naman kabisado ang magiging reaksiyon niya para maiwasan ang isang maeskandalong eksena.

Magkaroon ng “eye contact” – Hangga’t maaari, titigan sa mata ang iyong kaibigan habang sinasabi ang anumang bagay na gusto mong sabihin sa kanya. Puwede mo din hawakan ang kanyang mga kamay habang nakikipag-usap para maramdaman niya ang iyong sinseridad.

Sumagot ng diretso – Kung halimbawang tatanungin ka ng iyong kaibigan at pakiramdam mo ay nakorner ka na, ito ang tamang oras para sabihin sa kanya ng diretso ang bagay na dapat mong sabihin.

Pormal na Sanaysay tungkol sa kaibigan ni Ms. Jewel mula sa Philstar

Ang sanaysay na pinamagatang Maging tapat na kaibigan ay isang halimbawa ng maikling pormal na sanaysay tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan. Ang sanaysay na ito ay magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Example o Halimbawa Ng Maikling Replektibong Sanaysay tungkol sa Kalikasan

Luntiang Kalikasan, meron pa nga ba?

Sabi nila nung nagsaboy ng biyaya ang Diyos sa sanlibutan, isa ang ang Pilipinas sa mga sumalo nito kaya tinagurian itong Pearl of the Orient Seas. Napakasarap isipin na may paraiso pala sa Timog – Silangan ng Asya, subalit hanggang sa ngayon ba ay maituturing pa rin ba nating Pearl of the Orient Seas ang Pilipinas. Ikaw sa tingin mo? Karapat – dapat pa bang itawag iyon sa ating Inang Bayan? Hawak pa ba natin ang titulo na yun? Nakakalungkot isipin ngunit parang unti-unti na itong nawawala sa imahe ng ating bayan. Huwag naman sana.

Hindi man tayo ganun kayaman na bansa at hindi man tayo ganun kasabay sa daloy ng modernisasyon buhat ng teknolohiya, mayaman naman tayo sa likas na yaman. Kung ating iisipin, napakabait ng ating Panginoon sapagkat malaking porsyento ng likas na yaman ang ipinagkatiwala at ipinagkaloob niya sa atin. Sa kabilang banda, napakasakit isipin na unti-unti na itong naglalaho sa kadahilanan na ang mga nakikinabang nito ang siyang tumutuldok sa buhay ng mga ito. Tayo! Tayong mga makasarili at mga mangmang ang may kasalanan sa pagkasira ng mga kaloob na yaman mula sa Diyos. Kung ating papansinin, buhay lang natin ang ating iniisip at pagkatapos pakinabangan o kunin ang intensyon mula sa kalikasan ay wala na tayong pakialam kung anong mangyayari. Kasakiman ang ating pina-iiral, hindi man lang natin naisip na may buhay din ang kalikasan. Sa mga nagdaang oras, araw, linggo, buwan, taon at panahon na may masaklap na kaganapan buhat ng higanti mula sa kalikasan ay hindi natin maaaring sisihin ang Diyos na may likha sa lahat. Tila naniningil lang ang kalikasan sa mga kalokohan at kawalang – hiyaan na ginawa ng mga tao sa agos ng buhay niya.

Sana isang araw, mula sa malalim na pagkakahimbing natin ay magising tayo sa katotohanan bago pa mahuli ang lahat at tuluyang bawiin ng Panginoon ang lahat ng kanyang nilikha. Sana maisip din natin kung paano magpahalaga sa mga bagay na nasa paligid natin. Maraming paraan para mabago ang lahat, maaari mo itong umpisahan sa wastong pagtatapon ng iyong basura sa tamang lugar. Hindi pa huli ang lahat at sana magising tayo sa katotohanan.

Sanaysay tungkol sa kalikasan tagalog ni Ralph mula sa LakbayDiwaPinas.com

Ang sanaysay na pinamagatang Luntiang Kalikasan, meron pa nga ba? ay isang halimbawa ng maikling di-pormal na sanaysay tungkol sa kahalagahan o pagkasira ng kalikasan sa Pilipinas. Ang sanaysay na ito ay para ipabatid sa lahat na kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan ang pagkasira ng ating inang kalikasan.

Example o Halimbawa Ng Maikling Replektibong Sanaysay tungkol sa Edukasyon

Edukasyon: Tungo sa Magandang Kinabukasan

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na Edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo na isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na Edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga unibersidad at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na Edukasyon, ang praktikal na Edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya paring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang Edukasyon kung ito ay may pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay na maayos. Ang Edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap na isang bansa. Kung wala ito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng Edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang Edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng Edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humubog sa isipan at damdamin at pakikipagsalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Ang Edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ay nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdaig at malaman ang mga layunin nito.

Sanaysay tungkol sa edukasyon sa Pilipinas mula sa JohnLloydQuijano.wordpress.com

Ang sanaysay na pinamagatang Edukasyon: Tungo sa Magandang Kinabukasan ay isang halimbawa ng maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa new normal sa Pilipinas. Ang sanaysay na ito ay para ipabatid sa lahat na kahalagahan ng pag-aral at ang edukasyon ang susi sa ating mga pangarap sa buhay.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Summary of Mga Example o Halimbawa ng Maikling Replektibong Sanaysay Tagalog

Ang buhay ay sadyang makabuluhan. Ito ang biyaya ng Diyos na ating dapat pahalagahan. Kaya ang artikulong mga Example o Maikling Sanaysay ng Talumpati Tagalog ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon at aral na dapat pahalagahan at mahalin natin ang ating buhay.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling example o halimbawa ng Sanaysay Tagalog. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Sanaysay Halimbawa – Replektibong Example o Halimbawa Ng Maikling Sanaysay 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment