Lakbay Sanaysay Halimbawa – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang mga halimbawa ng lakbay sanaysay sa Tagalog. Masaya at magaganda ang mga karanasan ng mga sumulat ng bawat isang mga halimbawa ng lakbay sanaysay Tagalog sa Baguio, Cebu at iba pang lugar.
Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng bawat isang halimbawa ng lakbay sanaysay na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.
Ano Ang Kahulugan Ng Lakbay Sanaysay?
Ang lakbay sanaysay o travel essay sa Ingles ay isang sanaysay na karaniwang nagpapahayag ng karanasan o paglalakbay ng may-akda na kanyang nagawa sa isang punto ng kanyang buhay. Karaniwan itong natatibo at deskriptibo na naaayun sa lugar na napuntahan ng may-akda at sa karanasan nito.
Nakapaloob dito ang kultura, tradisyon, pamumuhay, eksperyensya mula sa may-akda at lahat ng aspetong naalaman ng isang manlalakbay. Samakatuwid ito ay naglalaman ng mula sa pusong sanaysay ng mga naranasan at natuklasan niya sa isang lugar.
Time needed: 3 minutes.
Narito na ang mga halimbawa ng lakbay sanaysay.
- Baguio Trip
- Tanawin
- Poracay Resort
- Lakbay Sanaysay: Baguio Trip
- Kawasan Falls

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang halimbawa ng Sanaysay Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga bawa isang halimbawa ng lakbay sanaysay Tagalog sa Baguio, Cebu at sa iba pang parte ng Pilipinas.
1. BAGUIO TRIP
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung mga taong doon na mismo ko sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginagawa ito upang magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko kung saan at paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar na iyon.

At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayamg gawin ito pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang PAMILYA. Dahil ang pamilya ay isang pinakamahalaga at magandang regalo sa atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang masasandalan mo sa oras na ikaw ay may problema.

Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang Baguio ay isa sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North Luzon, kilala ito bilang Summer Capital of the Philippines hindi dahil mainit dito ngunit dahil napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak ang temperatura dito kapag sumasapit na ang kapaskuhan. Talaga namang dinadayo ito ng maramimg tao dahil para sa kanila dito masarap ipagdiwang ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal sa buhay…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng lakbay sanaysay na “Baguio Trip” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Batay sa kahulugan ng lakbay sanaysay, ang halimbawa ng lakbay sanaysay na ito ay isinulat ni kathuson sa Baguio. Talaga nga namang sulit ang isang paglalakbay kung kasama ang mga mahal sa buhay. Ang mga ala-alang nabuo sa mga paglalakbay ay mananatili habang buhay sa mga puso’t isip ng mga naglakbay.
2. TANAWIN
#Paglalakbay
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip.

Noong nakaraang buwan bumisita kami sa timog ng cebu at isa sa aking napuntahan ay ang Kawasan Falls, sobrang lamig ng tubig doon at napakalinis.

Pinuntahan rin namin ang Kansanto Spring. Sobrang saya ko noong araw na ito dahil kami lang yung naliligo doon at napaka relaxing ng tubig.

Sunod naming pinuntahan ay ang Boardwalk. Matatagpuan ito sa Badian. Nakapaligid dito ang mga Mangroves kung saan napakalaki na at maganda rin itong tambayan.

Ito naman ay sa Dagway sa Paraiso. Matatagpuan ito sa Moalboal, maganda itong tambayan pampalipas oras, napaka relaxing din ng view at nakapasariwa ng hangin...
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng lakbay sanaysay na “Tanawin” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Batay sa kahulugan ng lakbay sanaysay, ang halimbawa ng lakbay sanaysay na ito ay isinulat ni Anjelo Trazona sa White Beach, Basdako, Moalboal. Talaga nga namang sulit ang isang paglalakbay kung kasama ang mga mahal sa buhay. Ang mga ala-alang nabuo sa mga paglalakbay ay mananatili habang buhay sa mga puso’t isip ng mga naglakbay.
3. PORACAY RESORT

Tuwing bakasyon isa sa mga pinakahihintay ng mga tao ay ang mamasyal o magbakasyon sa mga “Resort” o “Beach“.
Noong ika-28 ng mayo napag desisyunan namin na mamasyal sa labas ng probinsya ng tarlac at isa sa mga napuntahan naming lugar ay ang Poracay Resort sa Porac Pampanga, Ang Poracay ay pinangalan sa lugar na Boracay na isang popular na isla sa Visayas.
Ang pampanga ay di nalalayo sa Talac kaya’t ang biyahe dito ay umabot ng isang oras at kalahati lamang. Umalis kami ng 8:00 ng Umaga at nakarating doon ng eksaktong 9:30 ng umaga sa pagdaan namin sa porac kitang kita parin namin ang mga abo na iniwan ng pagsabog ng Mount Pinatubo maraming taon na ang nakakalipas.
Pagkarating doon tumambad samin ang napakaraming tao na nagbabakasyon rin maayos naman ang kanilang sistema at kaagad naming nakuha ang aming “Card” na nag sisilbing entrance key namin.
Ang entrance fee ay umaabot ng 120 hanggang 190 kada tao, na napaka sulit kung ito’y titignan ang Resort na ito ay bukas ng 9 ng umaga hanggang 6 ng gabi para sa pang umagang skedyul at sa mga gusto naman mag overnight mayroon silang 6 ng gabi hanggang 12 ng hating gabi mayroon din silang villa at mga kwarto na pinaparentahan para sa mga gustong mag overnight.

Pagkapasok sa loob ay tatambad sayo ang napakalaking signatura nila at isang nakapa laki at napaka gandang Sunflower na gawa sa mga papel. Nakakamangha kung gaano ka ganda at kalaki ang resort na ito at napaka dami ring pools na pwedeng puntahan.


Mayroon din itong activity area at Man-made lake kung saan pwede kang mag Zipline, Kayak,Fishing at mayroon din itong maihahalintulad sa Fish Spa na animo’y kakainin ng mga maliliit na isda ang iyong mga dead skin cells. Noong nagpunta kami doon hindi namin naabutan ang activity area dahil ito’y ginagawa pa lamang…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng lakbay sanaysay na “Poracay Resort” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Batay sa kahulugan ng lakbay sanaysay, ang halimbawa ng lakbay sanaysay na ito ay isinulat ni ymdltravelblog sa Poracay sa Porac, Pampanga. Talaga nga namang sulit ang isang paglalakbay kung kasama ang mga mahal sa buhay. Ang mga ala-alang nabuo sa mga paglalakbay ay mananatili habang buhay sa mga puso’t isip ng mga naglakbay.
4. LAKBAY SANAYSAY: BAGUIO TRIP

Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang parte o lugar ng ating bansa na mayroong iba’t ibang tanawin. Lalong na sa mga lugar na talaga namang dinarayo ng mga turista o mapadayuhan na galing sa iba’t ibang parte ng mundo, o misomong tayong mga Pilipino na doon na lumaki at nagkaisip sa lugar na iyon.


Bakit nga ba ito laging dinarayo ng mga turista ? Sa aking paglalakbay naging realisasyon ko na masayang mamasyal kapag kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay lalong lalo na ang iyong Pamilya. Dahil ang pamilya ay isa sa mga pinakamahalaga at magandang regalo sa atin ng Poong Maykapal, ang pamilya ang siyang katuwang mo o sandalan kapag ikaw ay may kinakaharap na pagsubok sa buhay.


Isa sa mga napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang probinsya ng Baguio City. Ang Baguio City ay kilalang lugar dito sa ating bansa, kilala rin itong Summer Capital of the Philippines. Dahil sa malamig na klimang hatid nito at bumababa pa ang temperatura dito tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Ngunit hindi namin ito binisita noong panahon ng kapaskuhan, bagkus ay noong ika-17 ng marso sa taong 2018. Dahil umuwe ang aking ama na mula pa sa Saudi Arabia kaya naman napag-desisyunan ng aking mga magulang na mamasyal sa Baguio para masulit naming pamilya ang panahon na kasama namin ang aming ama…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng lakbay sanaysay na “Lakbay Sanaysay: Baguio Trip” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Batay sa kahulugan ng lakbay sanaysay, ang halimbawa ng lakbay sanaysay sa Baguio na ito ay isinulat ni Bb. Hazel Donnabelle M. Fontanilla. Talaga nga namang sulit ang isang paglalakbay kung kasama ang mga mahal sa buhay. Ang mga ala-alang nabuo sa mga paglalakbay ay mananatili habang buhay sa mga puso’t isip ng mga naglakbay.
5. KAWASAN FALLS
Ang daming taong nagagandahan sa lugar na tinatawag na Kawasan Falls sa Badian. Ano ba tagala ang meron sa lugar na ito?
Bakit kaya dinarayo ito nang mga dayuhan? Bakit tinatawag nila ito na Beautiful Natural Wonders sa Cebu? Paano makakapunta sa Kawasan?

Ito ang isa sa lugar na napuntahan namin sa parte ng Badian. Para maka punta sa Badian kailangan munang pumunta sa Cebu South Bus Terminal at sumakay ng bus papunta sa Badian o Moalboal. Ipaalam lamang sa driver o sa konduktor na ihihinto ka sa harap ng Matutinao Church…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng lakbay sanaysay na “Kawasan Falls” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Batay sa kahulugan ng lakbay sanaysay, ang halimbawa ng lakbay sanaysay na ito ay isinulat ni Jan Moises Estrada sa Moalboal, Cebu. Talaga nga namang sulit ang isang paglalakbay kung kasama ang mga mahal sa buhay. Ang mga ala-alang nabuo sa mga paglalakbay ay mananatili habang buhay sa mga puso’t isip ng mga naglakbay.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Maliban sa Halimbawa ng Lakbay Sanaysay at uri nito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.
- Tula Tungkol Sa Sarili
- Tula Tungkol Sa Kaibigan
- Talumpati Halimbawa
- Uri Ng Sanaysay
- Lakbay Sanaysay Kahulugan
Summary
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga halimbawa ng lakbay sanaysay Tagalog. Sana ay nag-enjoy kayo sa inyong nabasa. Sana rin sa inyong paglakbay ay makasulat kayo ng isang lakbay sanaysay kagaya ng sa mga lugar na ito. Nawa ay maging makabuluhan ang inyong paglalakbay at magbigay sa inyo ng realisasyon tungkol sa ganda ng mundo at mahalagang i-share ito sa ating mga mahal sa buhay.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong halimbawa ng lakbay sanaysay. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.