Pinagaling Ni Jesus Ang Sampung Ketongin (Buod At Aral)

PINAGALING NI JESUS ANG SAMPUNG KETONGIN – Ang parabula na kwentong ito, na may buod at aral, ay tungkol sa sampung ketongin na humingi ng awa sa Panginoon. Tiyak na magiging inspirasyon natin ito upang mas palakasin ang ating pananampalataya sa Diyos.

Ang parabula, o tinatawag ding talinghaga, ay isang uri ng maikling kwento na hango sa mga kwento sa bibliya. Ito ay ginagamit sa pagtuturo ng magandang asal at katulad din ito ng pabula na naghahatid ng aral sa mga mambabasa.

Pinagaling Ni Jesus Ang Sampung Ketongin (Buod At Aral Ng Parabula)
Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin (Buod at Aral ng Parabula)

Bago natin basahin ang kwento, ito muna ang dagdag na kaalaman tungkol sa parabula. Ang parabula o parable sa Ingles ay nagmula sa salitang griyego na “parabole,” na ang ibig sabihin ay paghahambing.

Ngayon, atin nang basahin ang nilalaman ng parabula na ito, nang tayo ay may matutunang bagong aral mula dito.

Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem ay dumaan siya sa gitna ng Samaria at Galilea.

Nang papasok na siya sa isang nayon ay sinalubong siya ng sampung lalaki na may ketong.

Nakatayo sa malayo ang sampu at sumigaw ng, “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”

Nang makita sila ni Jesus ay sinabi nitong, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.”

Sa kanilang paglalakad ay napansin ng isa sa sampung ketongin na sila ay gumaling. Siya ay bumalik at sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos.

Ang lalaking bumalik ay isang Samaritano. Tinanong ni Jesus kung nasaan ang iba pa niyang kasama…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
Bersikulo:Lucas 17:11-19
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay si Jesus at ang sampung lalaki na may ketong.
Tagpuan:Ang tagpuan ng kwento ay sa “gitna ng Samaria at Galilea, sa isang nayon.”
Moral na aral:Matutong magpasalamat at pahalagahan ang mga pagpapala ng Diyos sa atin, dahil ang Diyos ay nalulugod sa mga marunong magpasalamat.”
Pagsusuri ng Buong Kwento

Banghay ng Parabulang “Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa parabula.

  1. Sa paglalakad ni Jesus papuntang Jerusalim, may sampung lalaki na may ketong na sumalubong sa kanya at sumigaw na humingi ng awa.

  2. Pagkakita sa kanila ni Jesus ay sinabihan ang mga ito na lumakad at magpatingin sa mga saserdote. Ginawa nga nila ito at napansin ng isang lalaki na sila ay gumaling.

  3. Ito ay bumalik at sumigaw ng papuri sa Diyos. Siya ay isang samaritano. Tinanong ito ni Jesus kung nasaan na ang iba nitong kasama.

  4. Pagkatapos ay sinabi sa kanya ni Jesus na, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”

Bersikulo (Lucas 17:11-19)

Narito ang bersikulo na pinagmulan ng parabula. Ito ay matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata 17 talata 11 hanggang 19 o Lucas 17:11-19.

11 Sa paglalakbay ni Jesus papuntang Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. 12 Habang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung ketongin. Tumigil ang mga ito sa may kalayuan 13 at sumigaw, “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”

14 Pagkakita sa kanila ay sinabi ni Jesus, “Lumakad na kayo at magpatingin sa mga pari.”

Habang sila'y naglalakad, silang lahat ay gumaling at luminis. 15 Nang mapuna ng isa na siya'y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. 16 Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito'y isang Samaritano...

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong bersikulo.

Mga tauhan ng Parabulang “Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin”

Si Jesus ➙ Si Jesus ay ang ating Panginoon na naglakbay patungong Jerusalim at siyang sinalubong at hiningan ng awa ng mga lalaki na may ketong.

Ang sampung lalaki na may ketong ➙ Ang sampung lalaki na may ketong ay ang mga lalaki na humingi ng awa sa Panginoon at ang mga pinagaling ng Diyos sa kanilang mga karamdaman.

Ang Samaritano ➙ Ang samaritano ay isa sa sampung lalaki na humingi ng awa sa Panginoon. Ito lamang ang bumalik at sumigaw ng papuri sa Diyos dahil sa kanyang paggaling.

Mga tagpuan na nabanggit sa Parabula

Jerusalem ➙ Sa Jerusalim ang destinasyon ni Jesus sa kanyang paglalakbay.

Gitna ng Samaria at Galilea ➙ Sa gitna ng Samaria at Galilea dumaan si Jesus patungong Jerusalim.

Nayon ➙ Sa isang nayon sinalubong at hiningan ng awa ng sampung lalaki na may ketong si Jesus.

Pinagaling ni Jesus ang sampung Ketongin – Aral

  • Matuto na magpasalamat at pahalagahan ang mga pagpapala ng Diyos sa atin, dahil ang Diyos ay nalulugod sa mga marunong magpasalamat.
  • Magkaroon ng pananalig sa Diyos, dahil wala itong hindi kayang gawin kung ikaw ay may malaking pananalig sa kanya.
  • Huwag tayong mag-atubiling humingi ng tulong at patnubay sa Diyos kapag kailangan natin ito, dahil hindi tinatalikuran ng Diyos ang sinuman.
  • Ang Diyos ay makapangyarihan, kung tayo’y may pananampalataya lang sa kanya, sigurado na tayo ay kanyang pagpapalain.

Pinagaling ni Jesus ang sampung Ketongin – Buod

Sa paglalakad ni Jesus papuntang Jerusalim ay may sumalubong sa kanya na sampung lalaki na may ketong. Humingi ito ng awa sa kanya at kanya itong tinulungan.

Sa sampung lalaki na gumaling ay isa lamang ang bumalik at nagpasalamat at sumigaw ng papuri sa Diyos. Pagkatapos ay sinabihan ito ni Jesus na tumindig ito at humayo at pinagaling ito ng Diyos dahil sa pananalig nito.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, sinabihan ni Jesus ang Samaritano na tumindig na ito at humayo sa kanyang lakad. Ayon pa kay Jesus, pinagaling ito ng Diyos dahil sa pananalig nito.

Ating tandaan, na ang pananalig sa Diyos ay makapangyarihan, sapagkat kapag tayo ay mayroong pananalig sa Diyos, lahat ng ating hilingin ay kaya nitong tuparin.

Maraming salamat sa pagbasa ng parabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Parabula

We are proud Pinoy!

Leave a Comment