Parabula Ng Nawawalang Tupa (Buod At Aral Ng Parabula)

PARABULA NG NAWAWALANG TUPA – Ating alamin ang nilalaman ng kwentong parabula na ito, maging ang buod at aral nito, na tiyak na sa atin ay magbibigay ng aliw. Sigurado rin na mayroon itong hatid na magandang aral na maaaring makapagpabago sa ating buhay.

Ang parabula, o tinatawag ding talinghaga, ay isang uri ng maikling kwento na hango sa mga kwento sa bibliya. Ito ay ginagamit sa pagtuturo ng magandang asal at katulad din ito ng pabula na naghahatid ng aral sa mga mambabasa.

Parabula Ng Nawawalang Tupa (Buod At Aral Ng Parabula)
Parabula ng Nawawalang Tupa (Buod at Aral ng Parabula)

Bago natin basahin ang kwento, ito muna ang dagdag na kaalaman tungkol sa parabula. Ang parabula o parable sa Ingles ay nagmula sa salitang griyego na “parabole,” na ang ibig sabihin ay paghahambing.

Ngayon, atin nang basahin ang nilalaman ng parabula na ito, nang tayo ay may matutunang bagong aral mula dito.

Parabula ng Nawawalang Tupa

Isang araw ay lumapit kay Jesus ang mga taong makasalanan at mga maniningil ng buwis upang makinig sa kanyang mga turo.

Nakita ito ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan kaya sila ay nagbulung-bulungan. Nakikisama at nakikisalo daw umano si Jesus sa mga taong makasalanan.

Nang marinig ito ni Jesus ay kanyang ibinahagi ang talinghaga ng nawawalang tupa.

May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit nawala ang isa. Iniwan niya ang siyamnapu’t siyam at hinanap ang nawalang isa…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Parabula ng Nawawalang Tupa
Bersikulo:Lucas 15:1-7
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay si Jesus, mga taong makasalanan, mga maniningil ng buwis, mga Pariseo, mga tagapagturo ng kautusan, at lalaki na nagmamay-ari ng isandaang tupa.
Tagpuan:Hindi nabanggit.
Moral na aral:Huwag maging mapanghusga sa ating kapwa at kung maaari ay tulungan natin ang mga taong makasalanan na magsisi sa kanilang mga kasalanan.”

Banghay ng “Parabula ng Nawawalang Tupa”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwentong parabula ng nawawalang tupa.

  1. Isang araw, lumapit ang mga makasalanang tao at maniningil ng buwis kay Jesus upang makinig sa mga turo nito. Nakita ito ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan at sila’y nagbulung-bulungan.

  2. Narinig ito ni Jesus kaya ito ay nagbahagi ng talinghaga tungkol sa nawawalang tupa. Ayon kay Jesus, may isang lalaki na may isandaang tupa. Ang isang tupa nito ay nawawala, kaya kanya itong hinanap.

  3. Nang kanya ng makita ang nawawalang tupa ay dinala niya ito pauwi. Matapos ay tinawag niya ang kanyang kaibigan at mga kapitbahay upang ipagdiwang ang pagkakakita niya sa kanyang tupa.

  4. Matapos ang kwento ay sinabi ni Jesus na, “Magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”

Aral sa Parabula ng Nawawalang Tupa

  • Huwag maging mapanghusga sa kapwa at kung maaari ay tulungan natin ang mga taong makasalanan na magsisi sa kanilang mga kasalanan.
  • Ang Diyos ay nasisiyahan kapag ang mga makasalanan ay nagsisisi na sa kanilang mga kasalanan at nagbalik-loob sa kanya.
  • Maging mabuti tayong tao at huwag gumawa ng mga masasamang gawain sapagkat hindi ito makakapagpasaya sa ating Diyos.
  • Mahalin natin ang ating kapwa, ano man ang kanilang nagawang kasalanan sa nakaraan, dahil ang lahat ay may pagkakataong magbago.

Buod ng Parabula ng Nawawalang Tupa

Isang araw, lumapit ang mga makasalanang tao at maniningil ng buwis kay Jesus upang makinig sa mga turo nito. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan.

Narinig ito ni Jesus kaya ito ay nagbahagi ng talinghaga tungkol sa nawawalang tupa. Matapos ang kwento ay sinabi ni Jesus na, “ang langit ay magkakaroon ng higit na kagalakan dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, pagkarating ng lalaki sa kanyang bahay kasama ang nawala niyang tupa ay inanyayahan niya ang kanyang kaibigan at mga kapitbahay upang magdiwang.

Pagkatapos ay sinabi ni Jesus na, “magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”

Maraming salamat sa pagbasa ng parabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Parabula

We are proud Pinoy!

Leave a Comment