Ang Talinghaga Ng Mayamang Hangal (Buod At Aral Ng Parabula)

ANG TALINGHAGA NG MAYAMANG HANGAL – Sa pahinang ito, matutunghayan natin ang buod, banghay, aral, at buong kwento ng talinghagang ito. Magdadala ito ng aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang parabula, o tinatawag ding talinghaga, ay isang uri ng maikling kwento na hango sa mga kwento sa bibliya. Ito ay ginagamit sa pagtuturo ng magandang asal at katulad din ito ng pabula na naghahatid ng aral sa mga mambabasa.

Ang Talinghaga Ng Mayamang Hangal (Buod At Aral Ng Parabula)
Ang Talinghaga ng Mayamang Hangal (Buod at Aral ng Parabula)

Bago natin basahin ang kwento, ito muna ang dagdag na kaalaman tungkol sa parabula. Ang parabula o parable sa Ingles ay nagmula sa salitang griyego na “parabole,” na ang ibig sabihin ay paghahambing.

Ngayon, atin nang basahin ang nilalaman ng parabula na ito, nang tayo ay may matutunang bagong aral mula dito.

Ang Talinghaga ng Mayamang Hangal

Sinabi kay Jesus ng isa sa mga naroroon, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid kong ibigay niya sa akin ang bahagi ko sa aming mana.”

Sumagot siya, “Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?” At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”

Pagkatapos, isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga.

“Isang mayaman ang umani nang sagana sa kanyang bukirin. Kaya’t nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayon? Wala na akong paglagyan ng aking mga ani! Alam ko na!

Ipagigiba ko ang aking mga kamalig! At magpapatayo ako ng mas malaki! Doon ko ilalagay ang aking ani at ibang ari-arian. Pagkatapos ay sasabihin ko sa aking sarili, marami ka nang naipon para sa mahabang panahon…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Ang Talinghaga ng Mayamang Hangal
Bersikulo:Lucas 12:13-21
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay si Jesus, mga taong nakikinig kay Jesus, isang mayaman, at ang Diyos.
Tagpuan:Ang tagpuan ng kwento ay sa “bukirin.”
Moral na aral:Ang buhay natin ay hiram lamang, kaya huwag maging sakim at makasarili.”

Banghay ng “Ang Talinghaga ng Mayamang Hangal”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa parabula.

  1. Isang araw, isa sa mga nakikinig kay Jesus ay nagsabi sa kanya na kung pwedi ba nito iutos sa kanyang kapatid na ibigay sa kanya ang bahagi ng mana nito.

  2. Tinanong siya ni Jesus na kung sino ang naglagay sa kanya bilang hukom ng mana ng mga ito at sinabi na mag-ingat sila sa lahat ng uri ng kasakiman. Pagkatapos ay nagsalaysay si Jesus ng isang talinghaga.

  3. Ang talinghaga ay tungkol sa isang mayaman na umani ng sagana sa kanyang bukirin. Wala na itong mapaglalagyan kaya nakapag isip ito na magpatayo ng mas malaking mapaglalagyan ng kanyang ari-arian.

  4. Pagkatapos ay sinabi nito sa sarili na hindi na ito magtatrabaho at magpapasarap na lamang sa buhay dahil sa dami na ng kanyang naipon. Ngunit, sinabi sa kanya ng Diyos na siya ay babawian na ng buhay sa gabi ring iyon at tinanong kung saan mapupunta ang inipon nito para sa sarili.

  5. Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanang para lamang sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.

Ang Talinghaga ng Mayamang Hangal – Aral

  • Ang buhay natin ay hiram lamang, kaya huwag maging sakim at makasarili.
  • Maging mapagbigay sa ating kapwa, lalo na kapag ang ating biyaya ay sobra sobra. Sapagkat, ang anumang yaman ay hindi natin madadala kapag tayo ay namatay na.
  • Walang magandang mangyayari sa sinumang nag-iipon ng kayamanan para lamang sa sariling kapakanan.
  • Maging mapagpakumbaba at matutong magbahagi ng ating mga biyaya sa ating kapwa, lalo na sa ating pamilya.

Ang Talinghaga ng Mayamang Hangal – Buod

Isang araw, may isang tagapagkinig ni Jesus ang humingi ng tulong kay kanya. Dahil dito, ikinwento nito ang talinghaga tungkol sa mayaman na sakim at nag-iipon ng kayamanan para sa sarili. Sa huli ay walang magandang nangyari dito at ito ay binawian ng buhay.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, sinabi ng Diyos sa sakim na mayaman na ito ay babawian na ng buhay sa gabi ring iyon. At sinabi ni Jesus na, “Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”

Ating tandaan, na walang masama sa pag-iipon, ang masama ay ang pag-iipon ng sobra sobrang kayamanan na para lamang sa sarili. Maging mapagbigay tayo at huwag isipin ang pansarili lamang na kapakanan.

Maraming salamat sa pagbasa ng parabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Parabula

We are proud Pinoy!

Leave a Comment