Ang Alibughang Anak (Buod At Aral Ng Parabula)

Ang Alibughang Anak – Naghahanap ka ba ng buod at aral ng parabula na ito? Nasa tamang website ka, dahil sa artikulong ito, tutuklasin natin ang nilalaman ng parabula na ito. Ito ay paniguradong magbibigay aliw at bagong kaalaman sa atin.

Ang parabula, o tinatawag ding talinghaga, ay isang uri ng maikling kwento na hango sa mga kwento sa bibliya. Ito ay ginagamit sa pagtuturo ng magandang asal at katulad din ito ng pabula na naghahatid ng aral sa mga mambabasa.

Ang Alibughang Anak (Buod At Aral Ng Parabula)
Ang Alibughang Anak (Buod at Aral ng Parabula)

Bago natin basahin ang kwento, ito muna ang dagdag na kaalaman tungkol sa parabula. Ang parabula o parable sa Ingles ay nagmula sa salitang griyego na “parabole,” na ang ibig sabihin ay paghahambing.

Ngayon, atin nang basahin ang nilalaman ng parabula na ito, nang tayo ay may matutunang bagong aral mula dito.

Ang Alibughang Anak

May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki.

Ang bunso ay hiningi na sa kanyang ama ang parte ng kanyang kayamanan.

Kaya naman hinati ng ama sa dalawa ang lahat ng kanyang yaman. Pagkalipas ng ilang araw ay umalis na ang bunso at nagtungo sa malayong lupain dala ang lahat ng kanyang mana.

Nilustay niya ang lahat ng kanyang ari-arian. Nang magugol na niya ang lahat ng kanyang yaman ay saka naman nagkaroon ng matinding taggutom sa lugar na kanyang pinuntahan.

Nakahanap siya ng trabaho bilang tagapag-pakain ng baboy. Sa sobrang gutom ay pati ang kaning-baboy ay kanya na ring kinakain…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Ang Alibughang Anak
Bersikulo:Lucas 15:11-32
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay ang ama ng dalawang magkapatid, bunsong anak, panganay na anak, at mga utusan.
Tagpuan:Ang mga tagpuan ng kwento ay sa lugar ng mag-ama, malayong lupain, at sa bukirin.
Moral na aral:Ang sinumang nagkakasala ay pinapatawad kung marunong lang magpakumbaba at umamin ng kasalanan.”

Banghay ng Parabulang “Ang Alibughang Anak”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa parabula.

  1. Noong unang panahon, may isang mayaman na may dalawang anak na lalaki. Kinuha ng bunsong anak ang kanyang bahagi ng kayamanan at umalis, habang ang panganay na anak ay nanatili sa kanyang ama.

  2. Matapos gastusin ng bunsong anak ang lahat ng kanyang kayamanan at magutom sa lugar na kanyang pinuntahan, bumalik siya sa kanyang ama at humingi ng tawad.

  3. Masaya at buong pusong tinanggap ng ama ang kanyang bunsong anak at ipinagdiwang ang kanyang pagbabalik. Nang makauwi ang panganay na anak, nagalit ito nang malaman na ipinagdiwang ng kanyang ama ang pagbabalik ng kanyang kapatid.

  4. Inamo ito ng kanyang ama at sinabi na “Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.”

Ang Alibughang Anak – Aral

  • Ang sinumang nagkakasala ay pinapatawad kung marunong lang magpakumbaba at umamin ng kasalanan.
  • Walang magulang ang makakatiis sa kanyang anak. Kaya, mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.
  • Ang Diyos ay nasisiyahan at handang tanggapin tayong muli kapag tayo ay nagbalik loob sa kanya, gaano man kasama ang ating nagawa. Ang mahalaga ay nagsisi tayo at natuto sa ating mga pagkakamali.
  • Huwag tayong mainggit kahit kanino. Maging masaya tayo sa mga magagandang nangyayari sa ating kapwa.
  • Huwag tayong magtanim ng sama ng loob sa ating kapwa, lalo na sa ating pamilya. Tayo ay magmahalan at magbigayan.

Ang Alibughang Anak – Buod

May isang mayamang ama na may dalawang anak na lalaki. Kinuha ng bunsong anak ang kanyang mana at siya ay umalis, habang ang panganay na anak ay nanatili sa kaniyang ama.

Sa huli, nagsisi ang bunsong anak sa kanyang ginawa at humingi ng tawad sa kanyang ama. Ito ay masayang tinanggap ng kanyang ama at ipinagdiriwang ang kanyang pagbabalik.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, nagalit ang panganay na anak sa ginawang pagdiriwang ng kanyang ama. Ngunit inamo ito ng kanyang ama at ipinaliwanag sa kanya ang dahilan ng kanilang pagdiriwang.

Ating tandaan, na ang Diyos ay nagpapatawad at malugod na tinatanggap ang mga taong nagsisisi at humihingi ng tawad. Ika pa nga, kung gusto nating mapatawad at matanggap, dapat din tayong matutong magpatawad at tanggapin ang mga nagkasala sa atin.

Maraming salamat sa pagbasa ng parabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Parabula

We are proud Pinoy!

Leave a Comment