Pamahiin Sa Patay – 30+ Mga Pamahiin Sa Patay, Burol At Libing

PAMAHIIN SA PATAY – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang mga halimbawa ng pamahiin sa patay ng mga Pilipino at mga paliwanag nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga pamahiin hanggang sa ngayon.

Bago tayo magsimula, alamin muna natin kung ano ang pamahiin.

Ang Pamahiin ay ang mga paniniwala ng ating mga ninuno na walang basehan. Ang pamahiin sa patay ay ilan lamang sa mga sinusunod nating mga Pilipino hanggang sa ngayon. Malaki ang nai-ambag nito sa ating kultura at tradisyon na siyang nagpapakita kung sino tayo sa buong mundo.

Isinasaad ng ilang matatanda na ang sinumang hindi sumunod sa mga pamahiin sa patay ay makakaranas ng kamalasan sa buhay. Magpa-hanggang sa ngayon, isinasabuhay pa rin ng mga kababayan nating nakatira sa mga malalayong bundok at probinsya ang mga pamahiin.

See also: Pamahiin – 300+ Pamahiin Ng Mga Pilipino (The Complete List)

Pamahiin sa Patay, Burol at Libing

PAMAHIIN SA PATAY - 30+ MGA PAMAHIIN SA PATAY, BUROL AT LIBING
PAMAHIIN SA PATAY – 30+ MGA PAMAHIIN SA PATAY, BUROL AT LIBING

Narito ang mga pamahiin sa patay, burol at libing na may paliwanag na karaniwang naririnig natin sa mga matatanda. Hindi masama ang maniwala sa mga ito, ngunit wala din naman itong mga siyentipikong basihan.

Pamahiin Sa Patay – 30+ Mga Pamahiin Sa Patay, Burol At Libing

Time needed: 5 minutes.

Narito na ang mga halimbawa ng pamahiin sa patay, burol at libing ng mga Pilipino na may paliwanag.

  1. Kapag umulan sa Todos los Santos, umiiyak din ang mga kaluluwa.

  2. Magiging magnanakaw sa habambuhay ang sinumang magnakaw ng abuloy o anumang bagay para sa patay.

  3. Kapag nagnakaw ka ng abuloy sa patay, may susunod sa iyong pamilyang mamamatay.

  4. Sa libing, ang mga bata ay kailangang ihakbang sa ibabaw ng hukay ng yumao upang hindi ito balikan ng kaluluwa ng taong namatay.

  5. Hindi pwede ang magpakuha ng larawan na tatlo dahil mamamatay ang isa.

  6. May pamahiin sa patay na kapag tapos na ang libing ng patay, palipasin muna ang tatlong araw bago maligo.

  7. Kung hindi pa nakakapagbabang luksa, bawal ang kumatay ng manok.

  8. Magsaboy ng asin o bigas sa bahay ng namatayan upang itaboy ang espiritu.

  9. Kapag may kulay tsokolateng paru-paro siguradong bumibisita ang kaluluwa ng yumao.

  10. Kung namatay sa sanhi na krimen, nilalagyan ng sisiw ang ibabaw ng kabaong.

  11. Kapag may patay sa bahay, bawal ang magwalis.

  12. Kapag naka-amoy ka ng kandila o bulaklak, nanganghulugan itong may namatay na mahal sa buhay.

  13. Maagang mamamatay ang iyong mapapangasawa kapag kumakanta ka habang nasa harap ng kalan.

  14. Kapag naggupit ng kuko sa gabi, may mamamatay na mahal sa buhay.

  15. May pamahiin sa patay na kapag lumapit ka sa patay habang may sugat ka, hindi ito gagaling.

  16. Malalamang may mamamatay sa inyong lugar kapag pumutak ang inahing na manong sa gabi.

  17. Hihilahin ka ni kamatayan kung nakatulog ka na nakaharap sa pintuan.

  18. Kapag mayroong namatay sa inyong tahanan, bawal ang mangisda.

  19. Huwag dapat mauntog ang kabaong ng namatay na ilalabas sa bahay upang hindi mahirapan ang kaluluwa ng patay.

  20. Habang may nakaburol masama ang kumatay ng manok sa inyong bahay dahil malamang na may susunod na mamamatay sa inyong pamilya.

  21. Kapag may dumaang karo ng patay, dapat na gumising ka upang hindi ka isama ng patay.

  22. Kapag nanggaling ka sa burol, huwag kang magdala ng pagkain pauwi dahil mamamatay rin ang iyong kasambahay.

  23. Sa inyong tahanan, kapag nakapasok ang isang paniki, ito ay nangangahulugang mayroong mamamatay.

  24. Para maging gabay ng namatay sa pag-akyat sa langit, kailangan magsindi sa harap ng bahay.

  25. Habang mayroong nakaburol sa inyong tahanan at may nakapasok na puting paru-paro, siguradong malinis ang kaluluwa nga taong namatay.

  26. Pagkagaling ng burol o libing, magpalit agad ng damit.

  27. Tuwing hatinggabi, kapag nakarinig kayo ng huni ng luwago malapit sa intong lugar, nangangahulugan itong mayroong mamamatay.

  28. Kung nanaginip ka na nalalagas ang ngipin, ibig-sabihin nito ay may kamag-anak na mamamatay.

  29. Huwag magdala ng pagkain galing sa libing.

  30. May pamahiin sa burol ng patay na bawal bumahing sa burol ng patay. Ito ay sa dahilang gusto kang isama ng namatay.

  31. Bawal magwalis sa bahay ng namatayan.

  32. Bawal ang magsuklay sa bahay ang mga namatayan.

  33. Bago umuwi pagtapos ng libing, maghugas muna ng kamay sa pinakuluang na mga dahon.

  34. Magpagpag muna bago umuwi sa inyong bahay kung galing ka sa burol.

  35. May pamahiin sa patay na dapat ilaagay ang mga importanteng bagay ng namatay sa kanyang kabaong.

  36. Kapag ililibing na ang patay at saktong may naiwan ang pamilya nitong gamit sa bahay, hindi na pwedeng bumalik ang pamilya nito. Sa halip, ibang tao na lang ang kukuha ng gamit na naiwan.

  37. Kung pamilya ka ng namatay, bawal ang pumunta sa fiesta.

Summary Sa Mga Pamahiin Sa Patay, Burol At Libing Ng Mga Pilipino

Sa kulturang Pilipino, ang mga pamahiin sa patay ng mga Pilipino ang pinakasinaunang paniniwala na hanggang ngayon ay isinasabuhay pa rin ng mga tao. Bagamat walang basehan ang mga ito, makakakuha naman tayo nag aral gaya ng pagiging maingat.

Kaya, bilang isang mabuting Pilipino, kailangan nating respetuhin at igalang ang bawat isa. Dagdag pa rito, ito ay nagsasalamin sa matiwasay na pamumuhay at pagkakaisa nating lahat. Nawa ay may natutunan kayo sa mga halimbawa ng pamahiin sa patay ng mga Pilipino na inyong binasa. Maraming salamat po.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa examples ng Pamahiin ng mga Pilipino, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong examples ng mga pamahiin sa patay ng mga Pilipino. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Pamahiin Sa Patay – 30+ Mga Pamahiin Sa Patay, Burol At Libing Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

1 thought on “Pamahiin Sa Patay – 30+ Mga Pamahiin Sa Patay, Burol At Libing”

Leave a Comment