Pamahiin Sa Kasal – 20+ Mga Pamahiin Tungkol Sa Araw Ng Kasal

PAMAHIIN SA KASAL – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang halimbawa ng mga pamahiin tungkol sa araw ng kasal ng mga Pinoy at mga paliwanag nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga pamahiin hanggang sa ngayon.

Bago tayo magsimula, alamin muna natin kung ano ang pamahiin.

Ang Pamahiin ay ang mga paniniwala ng ating mga ninuno na walang basehan. Ang pamahiin sa kasal ay ilan lamang sa mga sinusunod nating mga Pilipino hanggang sa ngayon. Malaki ang nai-ambag nito sa ating kultura at tradisyon na siyang nagpapakita kung sino tayo sa buong mundo.

Isinasaad ng ilang matatanda na ang sinumang hindi sumunod sa mga pamahiin sa kasal ay makakaranas ng kamalasan sa buhay. Magpa-hanggang sa ngayon, isinasabuhay pa rin ng mga kababayan nating nakatira sa mga malalayong bundok at probinsya ang mga pamahiin.

See alsoPamahiin – 300+ Pamahiin Ng Mga Pilipino (The Complete List)

Pamahiin Sa Kasal – 20+ Mga Pamahiin Tungkol Sa Araw Ng Kasal

PAMAHIIN SA KASAL - 20+ MGA PAMAHIIN TUNGKOL SA ARAW NG KASAL
PAMAHIIN SA KASAL – 20+ MGA PAMAHIIN TUNGKOL SA ARAW NG KASAL

Narito ang mga pamahiin tungkol sa araw ng kasal na may paliwanag na karaniwang naririnig natin sa mga matatanda. Hindi masama ang maniwala sa mga ito, ngunit wala din naman itong mga siyentipikong basihan.

Pamahiin Sa Kasal – 20+ Mga Pamahiin Tungkol Sa Araw Ng Kasal

Time needed: 5 minutes.

Narito na ang mga halimbawa ng pamahiin tungkol sa araw ng kasal ng mga Pinoy na may paliwanag.

  1. Ang pagsusuklay ng buhok ng bawat isa matapos ang siremonya ng kasal ay tiyak na magdudulot ng magandang pagsasama at pagiintindihan.

  2. Para sa bagong kasal na babaemaglagay o magdikit ng swan’s feather sa unan ng iyong mister upang maging tapat ito sayo.

  3. Ang bagong kasal ay dapat na sabuyan ng mga bulaklak bilang tanda ng bendisyon ng pamilya at kaibigan sa kanilang pag-iibigan.

  4. Kung sinuman ang maka-salo ng inihagis na bulaklak ng babaeng ikinasal ay siyang susunod na ikakasal.

  5. Ang mga bagong kasal ay sinasabuyan ng bigas upang maging masagana ang kanilang buhay.

  6. Ang arenola na regalo para sa bagong kasal ay swerte sa kanila.

  7. Ang sinumang maunang gumasta sa bagong kasal ang siyang magiging dominante sa kanilang pagsasama.

  8. Habang papasok ng simbahan, kung sinuman ang babaeng susunod sa dadaanan ng bagong kasal ay siyang makakapag-asawa sa lalong madaling panahon.

  9. Ang bagong kasal ay dapat pakainin ng pagkain na matamis upang maging matamis din sila sa isa’t isa.

  10. Una dapat ipasok ng bagong kasal sa kanilang titirhan na bahay ang bigas at asin.

  11. Ang bagong kasal ay suswertehin sa buhay kung ang kanilang alagang inahing na manok ay putak nang putak.

  12. Kapag ang ikakasal na lalaki ay maghahatid ng puso ng baboy, baka o kalabaw sa bahay ng babaeng pakakaslan, ibig-sabihin ay tapat ang kanyang pagmamahal.

  13. Swerte ang ikinasal kung umulan sapagkat ito ay simbolo ng kasaganahan sa kanilang pagsasama.

  14. Malas sa magkapatid ang magpakasal sa iisang taon.

  15. Sa paglabas sa simbahan, dapat na unahan ng lalaki ang babae para hindi siya maging ander de saya.

  16. Ang araw ng Biyernes ay malas kaya hindi dapat maglakbaymagpakasal maglagay ng puhunan sa isang negosyo.

  17. Habang lumalakad papunta ng altar ang ikakasal, dapat na apakan ng babae ang paa ng lalaki upang siya ang maging dominante sa kanilang pagsasama.

  18. Malas ang magpakasal ng sukob sa taon.

  19. Ang bagong kasal ay kailangang ihatid ng banda upang itaboy ang masamang pangitain sa kanilang pagsasama.

  20. Hintayin muna magbabang luksa bago magpakasal para hindi malasin.

  21. Ang mga ikakasal ay dapat umiwas sa pagbiyahe sa malalayo dahil lapitin sila ng disgrasya.

  22. Kapag naghiwalay ang mga kalapati na pinalipad ng ikinasal, sila ay maghihiwalay.

  23. Ang babaeng ikakasal ay dapat maglagay ng bulsikot ng pera sa damit upang lagi siyang may pera.

  24. Mula sa pagkaluhod sa seremonya ng kasal, kung ang babae ang unang makatayo ay magiging dominante ito. Ngunit kung ang lalaki naman ang mauna ay kabaliktaran nito.

  25. Hindi magtatagumpay ang pagsasama ng ikakasal kung ayaw magsindi ang kandila nila.

  26. Isa sa ikakasal ang unang mamamatay kung isa sa mga kandila ang namatay.

Summary Ng Pamahiin Sa Kasal – 20+ Mga Pamahiin Tungkol Sa Araw Ng Kasal

Sa kulturang Pilipino, ang mga pamahiin sa kasal ng mga Pilipino ang pinakasinaunang paniniwala na hanggang ngayon ay isinasabuhay pa rin ng mga tao. Bagamat walang basehan ang mga ito, makakakuha naman tayo nag aral gaya ng pagiging maingat.

Kaya, bilang isang mabuting Pilipino, kailangan nating respetuhin at igalang ang bawat isa. Dagdag pa rito, ito ay nagsasalamin sa matiwasay na pamumuhay at pagkakaisa nating lahat. Nawa ay may natutunan kayo sa mga halimbawa ng pamahiin tungkol sa araw ng kasal ng mga Pilipino na inyong binasa. Maraming salamat po.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa examples ng Pamahiin ng mga Pilipino, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong examples ng mga pamahiin ng mga Pilipino. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, 20+ Mga Pamahiin Tungkol Sa Araw Ng Kasal Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment