20+ Pamahiin Sa Buntis At Panganganak

PAMAHIIN SA BUNTIS – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang mga halimbawa ng pamahiin na bawal sa mga buntis at panganganak ng mga Pinoy at mga paliwanag nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga pamahiin hanggang sa ngayon.

Bago tayo magsimula, alamin muna natin kung ano ang pamahiin.

Ang Pamahiin ay ang mga paniniwala ng ating mga ninuno na walang basehan. Ang pamahiin sa buntis ay ilan lamang sa mga sinusunod nating mga Pilipino hanggang sa ngayon. Malaki ang nai-ambag nito sa ating kultura at tradisyon na siyang nagpapakita kung sino tayo sa buong mundo.

Isinasaad ng ilang matatanda na ang sinumang hindi sumunod sa mga pamahiin sa buntis ay makakaranas ng kamalasan sa buhay. Magpa-hanggang sa ngayon, isinasabuhay pa rin ng mga kababayan nating nakatira sa mga malalayong bundok at probinsya ang mga pamahiin.

See alsoPamahiin – 300+ Pamahiin Ng Mga Pilipino (The Complete List)

Mga Pamahiin Sa Buntis At Panganganak

PAMAHIIN SA BUNTIS - 20+ MGA PAMAHIIN NA BAWAL SA MGA BUNTIS AT PANGANGANAK
PAMAHIIN SA BUNTIS

Narito ang mga pamahiin na bawal sa mga buntis at panganganak na may paliwanag na karaniwang naririnig natin sa mga matatanda. Hindi masama ang maniwala sa mga ito, ngunit wala din naman itong mga siyentipikong basihan.

20+ Mga Pamahiin Sa Buntis At Panganganak

Time needed: 3 minutes.

Narito na ang mga halimbawa ng pamahiin na bawal sa nga buntis at panganganak ng mga Pinoy na may paliwanag.

  1. Para maging maganda at gwapo rin ang isisilang na anakpaglihian dapat ang mga taong magaganda at gwapo.

  2. Mag-aanak ng kambal na sanggol ang babaeng buntis na mahilig kumain ng kambal na saging.

  3. Ang maupo sa hagdan ng bahay ay masama sa isang buntis.

  4. Palatandaan sa isang ina ang balat ng kanyang sanggol na mayroon siyang hindi nakain na pinaglihian. Upang sa puwit ng bata pumunta ang magiging balat nito kailangang hipuin ng isang buntis ang kanyang puwit.

  5. May pamahiin sa buntis na kapag ang isang maybahay ay buntismasama ang magpakumpuni ng bahay dahil tiyak na mahihirapan itong manganak.

  6. Malalanta at titigil ang pamumunga ng isang punongkahoy na maraming bunga kapag ang bunga nito ay napaglihian ng isang buntis. Upang bumalik ito sa dating sigla, kailangang ihian ng kanyang asawa ang puno.

  7. Masama ang pumatay ng tuko kung mayroon kang kasambahay na buntis, dahil malamang na mamamatay rin ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

  8. Kapag nahakbang ng babaeng buntis ang sinumang lalaki ay maglilihi din ito.

  9. Magiging kamukha ng sanggol na ipinagbubuntis ang isang hayop kapag pinalo ito ng mismong buntis na babae.

  10. Ang bisita ng buntis ay hindi dapat tumambay sa pintuan ng bahay. Dapat na agad pumasok sa bahay ang bisita upang hindi mahirapan sa panganganak.

  11. Ang anak ng isang buntis ay magkakaroon din ng kapansanan kapag pinagtawanan niya ang isang taong may kapansanan.

  12. Tyak na may babaeng buntis sa isang bahay kung nakahirap dito ang isang pusa habang ngumingiyaw.

  13. Kung nahihirapan manganak ang isang buntis kailangan gumapang ang kanyang asawang lalaki pababa ng hagdan upang mapadali ang kanyang pangnganak.

  14. Kailangang lumabas ng bahay ang isang buntis kapag mayroong eklipse, upang hindi maging abnormal ang kanyang magiging anak.

  15. Kailangang mag-ingat sa isang tiktik ang buntis kapag nakatira sila sa malayong baryo.

  16. Ang isang buntis ay manganganak ng babae kung madalas pumintig ang kaliwang bahagi ng kanyang tiyan. Kapag sa kanan, kabaligtaran naman.

  17. Kailangan maglakad-lakad sa umaga ang isang buntis upang maging madali ang panganganak.

  18. May pamahiin na bawal lumabas ang mga buntis sa gabi na walang pandong sa ulo.

  19. Bawal uminom ng malalamig na tubig ang isang buntis kapag malapit nang manganak para hindi mahirapan.

  20. Bawal bigyan ng sama ng loob ang buntis o magalit dahil magiging iyakin at pangit at sanggol paglabas nito.

  21. Hindi pwedeng kunan ng litrato ang buntis dahil mahihirapan itong manganak.

  22. Huwag kainin ang tirang pagkain ng buntis dahil aantukin ka.

Summary Ng Pamahiin Sa Buntis At Panganganak

Sa kulturang Pilipino, ang mga pamahiin sa buntis ng mga Pilipino ang pinakasinaunang paniniwala na hanggang ngayon ay isinasabuhay pa rin ng mga tao. Bagamat walang basehan ang mga ito, makakakuha naman tayo nag aral gaya ng pagiging maingat.

Kaya, bilang isang mabuting Pilipino, kailangan nating respetuhin at igalang ang bawat isa. Dagdag pa rito, ito ay nagsasalamin sa matiwasay na pamumuhay at pagkakaisa nating lahat. Nawa ay may natutunan kayo sa mga halimbawa ng pamahiin na bawal sa mga buntis at panganganak ng mga Pilipino na inyong binasa. Maraming salamat po.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa examples ng Pamahiin ng mga Pilipino, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong examples ng mga pamahiin ng mga Pilipino. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment