PAMAHIIN SA BAHAY – Tunghayan kung ano ang mga halimbawa ng pamahiin sa pagpapatayo o paglipat ng bahay ng mga Pinoy at mga paliwanag nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga pamahiin hanggang sa ngayon.
Bago tayo magsimula, alamin muna natin kung ano ang pamahiin.
Ang Pamahiin ay ang mga paniniwala ng ating mga ninuno na walang basehan. Ang pamahiin sa bahay ay ilan lamang sa mga sinusunod nating mga Pilipino hanggang sa ngayon. Malaki ang nai-ambag nito sa ating kultura at tradisyon na siyang nagpapakita kung sino tayo sa buong mundo.
Isinasaad ng ilang matatanda na ang sinumang hindi sumunod sa mga pamahiin ay makakaranas ng kamalasan sa buhay. Magpa-hanggang sa ngayon, isinasabuhay pa rin ng mga kababayan nating nakatira sa mga malalayong bundok at probinsya ang mga pamahiin.
See also: Pamahiin – 300+ Pamahiin Ng Mga Pilipino (The Complete List)
10+ Mga Pamahiin Sa Bahay Ng Pinoy

Narito ang mga pamahiin sa pagpapatayo o paglipat ng bahay na may paliwanag na karaniwang naririnig natin sa mga matatanda. Hindi masama ang maniwala sa mga ito, ngunit wala din naman itong mga siyentipikong basihan.
10+ Mga Pamahiin Sa Bahay Ng Pinoy
Time needed: 2 minutes.
Narito na ang mga halimbawa ng pamahiin sa pagpapatayo o paglipat ng tahanan ng mga Pinoy na may paliwanag.
- Hindi suswertehin ang isang bahay kung ang front door ay hindi nakaharap sa kalsada o kalye.
- Kung ang hagdan sa isang bahay ay may labintatalong (13) baitang, maagang mamamatay o kaya naman ay maghihirap ang may-ari nito.
- Kailangang kanang paa ang laging unang ihakbang ng babaeng may asawa, tuwing uuwi siya ng bahay upang hindi masira ang kanilang pagsasama.
- Kung magpapagawa ka ng bahay, itapat ang pinto ng bahay sa gawing silangan upang sa pagbukas ng pintuan ay masikatan ang loob ng bahay. Maghahatid iyon ng swerte sa mga titira.
- Kung ikaw ay paalis na inyong bahay at saktong may bumahing, huwag kang tumuloy sa pag-alis dahil baka may masamang mangyari sayo.
- Iwasang iwanan ang rocking chair sa inyong bahay na umuugoy, kung mayroon man, dahil malamang sa sasakyan ito ng masamang espiritu.
- Kung bibili ka ng biik, iikot mo ito sa poste ng inyong bahay o sa mismong bahay ninyo ng pitong beses para hindi ito maglayas.
- Kung nagpagawa ka ng bahay, magkatay kayo ng manok o ibang hayop at ipahid ang dugo nito sa mga poste ng bahay nang sa gayon ito ay maging matibay.
- Huwag kayong magpapagawa ng bahay sa ika-13 ng anumang buwan dahil malas iyon.
- Kapag bagong lipat kayo sa bagong niyong bahay unang ipasok ang isang garapong asukal, asin at bigas sa loob ng bahay ang magsaboy na rin kayo ng barya upang hindi kayo maubusan ng grasya at magtutuloy-tuloy lang ito.
- Huwag magwalis sa loob ng bahay tuwing gabi para hindi lumabas ang swerte.
- Maaga pang buksan lahat ng bintana upang maraming swerte ang darating.
- Hindi dapat nakaharap ang salamin sa pintuin dahil malas ito.
- Hindi dapat magkaharap ang dalawang pintuan sa iyong bahay dahil masama ito.
Summary Sa Mga Pamahiin Sa Bahay Ng Mga Pilipino
Sa kulturang Pilipino, ang mga pamahiin sa bahay ng mga Pilipino ang pinakasinaunang paniniwala na hanggang ngayon ay isinasabuhay pa rin ng mga tao. Bagamat walang basehan ang mga ito, makakakuha naman tayo nag aral gaya ng pagiging maingat.
Kaya, bilang isang mabuting Pilipino, kailangan nating respetuhin at igalang ang bawat isa. Dagdag pa rito, ito ay nagsasalamin sa matiwasay na pamumuhay at pagkakaisa nating lahat. Nawa ay may natutunan kayo sa mga halimbawa ng pamahiin sa pagtatayo o paglipat ng bahay ng mga Pilipino na inyong binasa. Maraming salamat po.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Maliban sa examples ng Pamahiin ng mga Pilipino, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.
- 7 Maikling Kwento Tungkol Sa Pangarap
- 10 Maikling Kwento Tungkol Sa Kalikasan
- Pamahiin Sa Patay
- Pamahiin Sa Buntis
- 20+ Mga Pamahiin Tungkol Sa Araw Ng Kasal
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong examples ng mga pamahiin ng mga Pilipino. Happy reading and God bless.
Inquiries
If you have any questions or suggestions about, 30+ Mga Pamahiin Sa Paglipat o Pagtatayo Ng Bahay Let us know what you think about this post by leaving a comment below.
We are Proud Pinoy.