Sino ang Magtatali ng Kuliling – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng pusa at ng mga daga, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming masusing pananaliksik, hindi namin nahanap ang sumulat ng pabula na ito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwento ng pusa at ng mga daga.
Sino ang Magtatali ng Kuliling?
May isang malaking Pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng Daga. Marami-rami na rin itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang Daga at saka ito sasakmalin at gugutay-gutayin.
Sa sobrang takot ng mga Daga ay nagpulung-pulong sila. Pinag-usapan nila kung paano nila maiiwasan ang mapanganib na Pusa.
Naging sobra sa ingay ang mga Daga habang nagpupulong. Ang ingay ay nauwi sa katahimikan nang wala isa mang makaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang Pusa.
Sa pagkakataong iyon, nagpakitang gilas ang mayabang na Daga. Tumindig ito at mayabang na nagsalita. “May suhestiyon ako upang maiwasan nating lahat ang Pusa…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Sino ang Magtatali ng Kuliling?“ |
Ano ang tema ng kwento? | Ang tema ng kwento ay “takot.” |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang mga tauhan sa kwento ay ang pusa at ang mga daga. |
Tagpuan ng kwento | Hindi nabanggit. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “magmungkahi lamang ng mga bagay na kaya mong gawin.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi nabanggit. |
“Sino ang Magtatali ng Kuliling?” Aral
- Magmungkahi lamang ng mga bagay na kaya mong gawin.
- Walang silbi ang mungkahi kung walang gagawa nito.
- Nasusukat ang sinuman sa gawa, hindi sa salita.
- Maging matalino tayo sa bawat desisyon na gagawin natin.
- Harapin at labanan ang mga kinatatakutan natin.
“Sino ang Magtatali ng Kuliling?” Buod
May isang malaking pusa na nambibiktima ng mga daga. Sa sobrang takot ng mga daga, nagpulong sila at nag-isip ng paraan para maiwasan ang pusa.
Mayroong mayabang na daga na nagpakitang gilas at nagmungkahi ng dapat gawin. Ngunit wala ni isa sa kanila ang nangahas na gawin ito.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, mayroong mayabang na daga na nagmungkahi ng dapat gawin upang maiwasan nila ang pusa. Maganda ang kanyang ideya ngunit wala ni isa sa kanila ang may gusto at kayang gawin ito. Maging ang mayabang na daga ay natahimik sa katanungan kung sino ang gagawa nito.
Ating tandaan na walang masama ang magmungkahi, ngunit siguraduhin natin na kaya natin itong gawin. Hindi natin matatalo ang ating takot kapag hindi natin ito nilabanan.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Masamang Kalahi
- Ang Gorilya At Ang Alitaptap
- Ang Aso At Ang Anino
- Si Kalabaw At Si Tagak
- Ang Kabayo At Ang Kalabaw
We are proud Pinoy!