Si Pagong at Si Matsing – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwento nina Pagong at Matsing, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.
Sino si Jose Rizal?
Si Jose Rizal, Dr. Jose Rizal, o José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay ang may akda o sumulat ng pabula na ito. Siya ang pambansang bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa sa pamamagitan ng kanyang mga nobela.
Dagdag pa rito, siya ay isang Pilipinong nasyonalista, manunulat, at polymath. Ngayon, basahin na natin ang kwento nina pagong at matsing.
Si Pagong at Si Matsing
Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong.
“Naku baka panis na yan” sabi ni Matsing.
“Ang mabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain,” dagdag pa nito.
“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning,” sabi ni Pagong.
“Kahit na, ako muna ang kakain,” pagmamatigas ni Matsing.
Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.
“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain,” paliwanag ng tusong matsing.
Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.
Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.
“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito,” masayang sabi ni Pagong.
“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin,” sabi ni Matsing. “Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito. Kung gusto mo hatiin na lang natin.
Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito. Kung gusto mo hatiin na lang natin.”
“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?” nakangising sabi ni Matsing...
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Si Pagong at Si Matsing“ |
Ano ang tema ng kwento? | Ang tema ng kwento ay “Pagkakanulo.” |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Sina Pagong, Matsing, at Aling Muning ang mga tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Sa kagubatan, kakahuyan, at dalampasigan ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “ang pagiging tuso at sakim ay walang maidudulot na kabutihan.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Ang may akda ng kwento ay si Jose Rizal. |
Si Pagong at Si Matsing Aral
- Ang pagiging tuso at sakim ay walang maidudulot na kabutihan.
- Pahalagahan ang pagkakaibigan.
- Ang masasamang gawain na ginagawa mo sa iba, balang araw ay babalik din sayo.
- Ang katalinuhan ay ginagamit sa kabutihan, hindi para makapanlinlang.
- Maging mapagbigay at huwag maging makasarili.
Si Pagong at Si Matsing Buod
Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Tuso at palabiro si Matsing at palagi nitong iniisahan si Pagong. Hanggang isang araw, dahil sa kasamaan at pagiging sakim nito, siya naman ang naisahan ni Pagong.
Ano ang kawakasan sa kwento nina Pagong at Matsing?
Sa pagtatapos ng kwento, si Matsing ay nakatulog ng mahimbing sa itaas ng puno dahil sa sobrang kabusugan, matapos nitong kainin ang lahat ng bunga ng saging. Sa galit ni pagong kay matsing, naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno.
Kinabukasan, gustong maghigante ni Matsing sa ginawa ni Pagong ngunit naisahan siya nito. Nagsisi si Matsing sa kanyang mga nagawa. Naisip niyang masakit palang maisahan ng isang kaibigan. Kaya simula noon, nagbago na ito.
Ating tandaan, na “gaano man katalino at katuso ang isang tao, dadating ang araw na ito’y maiisahan din.”
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Daga At Ang Leon
- Ang Pagong At Ang Kuneho
- Ang Agila At Ang Kalapati
- Ang Buwaya At Ang Pabo
- Si Langgam At Si Tipaklong
We are proud Pinoy!