Si Mario, Si Ana, At Ang Isda (Buod At Aral Ng Pabula)

Si Mario, si Ana, at ang Isda – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng mangingisda at ng isda, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Si Mario, Si Ana, At Ang Isda (Buod At Aral Ng Pabula)
Si Mario, si Ana, at ang Isda (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.

Si Mario, si Ana, at ang Isda

Tuwang-tuwa ang mangingisdang si Mario nang may nabingwit siyang isang malaking isda. Nang ilalagay na niya ito sa buslo, bigla itong nagsalita, “Huwag!” Muntik nang mahulog sa bangka si Mario sa malabis na pagkagulat.

“Ibalik mo ako sa tubig at bibigyan kita ng kayamanan,” sabi ng isda, na nagpipilwag.

Nang mahulasan si Mario, tinanong niya ang isda, “Ano ka ba, impakto?”

“Hindi, ako ay alagad ng mga sirena na naatasang magbantay dito sa malapit sa pampang. May kapangyarihan ako – mahika! Kaya ibalik mo lang ako sa tubig at ipagkakaloob ko sa iyo ang hihilingin mo.”

Naalaala ni Mario ang dampang tinitirhan niya. Lagi itong inirereklamo ng asawa dahil sa kaliitan. “Nais ko ang malaking tirahan,” sabi niya sa isda.

“Masusunod. Umuwi ka na at makikita mo ang iyong malaking tahanan,” sabi ng isda na kaagad namang ibinalik ng lalaki sa tubig.

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Si Mario, si Ana, at ang Isda” ang pamagat ng kwentong ito.
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “kawalang-kasiyahan.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay sina Mario, Ana, at ang isda.
Tagpuan ng kwentoSa dagat ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang kasakiman at kawalang-kasiyahan ay hindi magdudulot ng anumang kabutihan.”
Sino ang may akda ng kwento?Walang nakasaad tungkol sa may akda ng kwento na ito.
Pagsusuri ng Kwento

“Si Mario, si Ana, at ang Isda” Aral

  • Ang kasakiman at kawalang-kasiyahan ay hindi magdudulot ng anumang kabutihan.
  • Makuntento sa kung ano ang meron tayo.
  • Pahalagahan ang mga bagay na ibinibigay sa atin, sapagkat maaari itong mawala sa atin.
  • Paghirapan ang mga bagay na gusto natin, huwag umasa sa iba.
  • Huwag ugaliing manghingi sa iba at huwag maging sakim.

“Si Mario, si Ana, at ang Isda” Buod

Isang araw, may isang mangingisda na nakahuli ng malaking isda na may kapangyarihan. Pinakawalan niya ito kapalit ng isang kahilingan. Hindi nakuntento ang asawa ng mangingisda at inutusan ulit ang asawa na humiling. Hanggang sa binawi ng isda ang kanyang mga ibinigay sa mag-asawa dahil sa kasakiman ng asawa ng mangingisda.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, nadatnan ni Mario ang kanyang asawa na umiiyak sa hagdang kawayan. Binawi ng isda ang lahat ng kanyang binigay dito dahil sa kasakiman ng asawa nito.

Ating tandaan, na ang kawalan ng kasiyahan ay walang maidudulot na mabuti sa atin. Matuto tayong magpahalaga at makuntento sa mga biyaya na ating natatanggap.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment