Si Mahistrado Kuwago (Buod At Aral Ng Pabula)

Si Mahistrado Kuwago – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ni Mahistrado Kuwago, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Dagdag pa rito, marami man tayong mabasang iba’t-ibang halimbawa ng pabula, nasisiguro naming sa iba’t-ibang klase ng mga pabula na ito ay may iba’t-ibang aral din tayong matututunan.

Si Mahistrado Kuwago (Buod At Aral Ng Pabula)
Si Mahistrado Kuwago (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Batay sa aming masusing pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Para sa karagdagang kaaalaman, ang mga manunulat ng pabula ay tinatawag na mga “pabulista.” Samantala, ang mga manunulat ng maikling kwento ay tinatawag na mga “kwentista.”

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwentong pabula na ito. Gawin nating inspirasyon ang mga aral na ating makukuha sa pabula na ito, nang sa ganun ay tayo’y maging mabuting tao.

Si Mahistrado Kuwago

Isang araw, may krimeng pinahuhusgahan sa isang hurado ang ilang hayop. Kabilang dito ang Ibon, ang Palaka, ang Pagong, ang Alitaptap, at ang Lamok. Upang maparusahan ang kriminal, napagkaisahan ng lahat na magsilbing huwes ang Kuwago.

“Sapagkat ako ang napili ninyong magdesisyon kung sino ang kriminal sa kasong ito, pakikinggan ko kayo sa inyong mga sasabihin.”

Nagsimulang tumindig ang Ibon na nagpahayag ng kaniyang problema.

“Ako po si Ibon. Hindi po ako makatulog sa gabi sapagkat kokak nang kokak ang Palaka.”

“O, bakit kokak ka nang kokak?” tanong ng Hurado sa Palaka.

“Ako po si Palaka. Kokak po ako nang kokak sa takot ko pong mahulugan ako ng bahay ni Pagong.”

Tinawag ng Hurado si Pagong.

“Totoo ba iyon, Pagong?” takang-takang usisa ng Hurado.

“Totoo po. Bakit naman hindi ko po dadalhin ang nag-iisa kong bahay? Takot po kasi ako sa alitaptap na laging may baong apoy sa likuran…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Si Mahistrado Kuwago
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “katarungan.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Sina Kuwago, Ibon, Palaka, Pagong, Alitaptap, at ang mga Lamok ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoSa lamuklandia at kweba sa kagubatan ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang pagbibigay ng parusa sa sinuman ay dapat naaayon sa katarungan.”
Sino ang may akda ng kwento?Walang nakasaad tungkol sa may akda ng pabula na ito.
Pagsusuri ng Kwento

“Si Mahistrado Kuwago” Aral

  • Ang pagbibigay ng parusa sa sinuman ay dapat naaayon sa katarungan.
  • Matuto tayong makinig sa paliwanag at katwiran ng iba bago tayo humusga.
  • Lagi tayong mag-ingat sa ating mga dadalhin, dahil baka ito ay maghatid ng takot sa iba.
  • Huwag tayong gumawa ng bagay na makakapaghatid perwisyo sa iba.
  • Ipaliwanag ang iyong panig kung kinakailangan, para na rin sa ating kaligtasan.

“Si Mahistrado Kuwago” Buod

Isang araw, may krimeng pinaghuhusgahan ang ilang hayop. Ang kuwago ang kanilang nagsilbing huwes. Sa pagtatapos ng siyasat, ang lamok ang paparusahang mabilanggo ng walang kasalanan. Sa huli, pumasok sa kuweba sa kagubatan ang mahistrado sa pagsalakay ng mga lamok.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, dali-daling lumipad ang lamok ng akmang dadakipin na ito. Nagsumbong ito sa kanyang mga kamag-anak na malupit daw ang mahistrado. Nagalit ang mga ito at sinulong ang mahistrado.

Nang makita sa malayo ng mahistrado ang mga pasulong na lamok ay dali-dali itong lumipad at pumasok sa kuweba sa kagubatan. Hindi na ito nahanap ng mga lamok kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin na naghahanap ang mga ito sa kanya.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment