Si Langgam At Si Tipaklong (Buod At Aral Ng Pabula)

Si Langgam at Si Tipaklong – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula nina Langgam at Tipaklong, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Si Langgam At Si Tipaklong (Buod At Aral Ng Pabula)
Si Langgam at Si Tipaklong (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Ang kwentong pabula na ito ay isinulat ni Virgilio S. Almario na hango sa “The Ant and the Grasshopper” ni Aesop.

Ngayong alam na natin kung sino ang may akda nito, basahin na natin ang kwento nina Langgam at Tipaklong.

Si Langgam at Si Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya.

Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

“Magandang umaga kaibigang Langgam,” bati ni Tipaklong. “Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala kanang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?”

“Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon,” sagot ni Langgam.

“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam,” wika ni Tipaklong. “Habang maganda ang panahon, tayo ay magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta...

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Si Langgam at Si Tipaklong
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “pag-iipon, kasipagan, at pagkakaibigan.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Sina Langgam at Tipaklong ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoSa bahay ng langgam ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “maging masipag.”
Sino ang may akda ng kwento?Ang may akda ng kwento ay si Virgilio S. Almario.
Pagsusuri ng Kwento

Aral sa kwentong “Si Langgam at Si Tipaklong”

  • Maging masipag.
  • Ugaliing mag-impok upang mapaghandaan ang mga panahon ng kahirapan.
  • Maging mapagbigay lalo na sa pamilya at kaibigan.
  • Ang pagbibigay halaga sa pagkakaibigan ay isang magandang katangian.
  • Matuto tayo sa ating mga pagkakamali at itama ang mga ito.

Si Langgam at Si Tipaklong Buod

Noong araw, si Langgam ay maagang nagigising upang mag-impok ng pagkain. Si Tipaklong naman ay ini-enjoy ang magandang panahon sa pamamagitan ng paglukso at pagkanta.

Hanggang sa dumating ang tag-ulan. Ginaw at gutom ang dinanas ni Tipaklong. Matapos ang bagyo, pumunta ito sa bahay ni Langgam.

Pinagbihis at pinakain siya ni Langgam. Nagpasalamat ito kay Langgam at simula noon natuto na rin siyang gumawa at mag-impok.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, pinatuloy ng Langgam sa kanyang bahay ang kaibigang Tipaklong. Binigyan niya ito ng tuyong damit at ipinaghanda ng makakain. Pinasalamatan ni Tipaklong ang kaibigan at simula noon, natuto na rin itong gumawa at mag impok.

Ating tandaan, walang masama sa pagsasaya, ngunit huwag nating kalimutan na paghandaan ang mga panahon ng kahirapan o tayo ay mangailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment