Si Kalabaw at Si Tagak – Ang artikulong ito ay tungkol sa maikling kwento ng kalabaw at ng tagak, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nakita o nahanap ang tunay na sumulat ng pabula na ito. Marahil ito ay nagpasalin salin na sa iba’t ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwento nina Kalabaw at Tagak.
Si Kalabaw at Si Tagak
Tanghaling tapat. Mainit ang sikat ng araw. Tapos na ang gawain ni Kalabaw sa bukid. Nagpunta siya sa tubugang putik at dito siya naglunoy.
Pagkatapos, sumilong siya sa lilim ng punong mangga. Hindi nagtagal, nakatulog si Kalabaw.
Matagal na nakatulog si Kalabaw. Nagising lamang siya nang maramdaman niya ang sakit at kati ng kagat ng mga lamok.
“Ayan na naman kayo”, wika ni Kalabaw. “Bakit ba ako na lamang ng ako ang alaga ninyong kagatin? Ang sakit at kati pa naman ninyong kumagat. Hala, alis kayo sa likod ko…
Pindutin ang button sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Si Kalabaw at Si Tagak“ |
Ano ang tema ng kwento? | Ang tema ng kwento ay “pagkakaibigan at pagtutulungan.” |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Sina Kalabaw, Tagak, at mga Lamok ang mga tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Sa bukid ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “sa pagkakaibigan, mahalaga ang pagtutulungan.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi mahanap ang tunay na may akda ng kwentong ito. |
Si Kalabaw at Si Tagak Aral
- Sa pagkakaibigan, mahalaga ang pagtutulungan.
- Ang pagtulong, hindi lang sa kaibigan, kundi maging sa ating kapwa ay isang magandang katangian.
- Huwag ma merwisyo o manakit ng iba para lang sa sariling kapakanan.
- Kung ano ang ginagawa mo sa iba ay babalik din sa iyo, mabuti man ito o masama.
Si Kalabaw at Si Tagak Buod
Tanghaling tapat, tapos na ang gawain ni Kalabaw sa bukid. Nakatulog ito sa ilalim ng puno ng mangga. Nagising ito nang maramdaman ang kagat ng mga lamok.
Sinubukan nitong paalisin ang mga lamok ngunit patuloy ang mga ito sa pagkagat sa kanya. Hanggang sa dumating si Tagak. Naawa ito sa kanya at tinulungan ito.
Naging mabuti silang magkaibigan. Hanggang isang araw, umulan nang malakas. Pinasilong ni Kalabaw si Tagak sa ilalim nito upang hindi ito mabasa.
Nagpasalamat ito kay kalabaw at sinabi ni Kalabaw na “ang mabuting magkaibigan ay nagtutulungan.”
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, bumuhos ang malakas na ulan. Sinabi ni Kalabaw kay Tagak na sumilong ito sa kanyang ilalim upang hindi ito mabasa. Nagpasalamat ito sa kanya at sagot nito ay “ang mabuting kaibigan ay nagtutulungan sa lahat ng araw at sa ano mang panahon.”
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Buwaya At Ang Pabo
- Si Langgam At Si Tipaklong
- Ang Masamang Kalahi
- Ang Gorilya At Ang Alitaptap
- Ang Aso At Ang Anino
We are proud Pinoy!