Si Jupiter At Ang Tsonggo (Buod At Aral Ng Pabula)

Si Jupiter at ang Tsonggo – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ni Jupiter at ng Tsonggo, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Dagdag pa rito, marami man tayong mabasang iba’t-ibang halimbawa ng pabula, nasisiguro naming sa iba’t-ibang klase ng mga pabula na ito ay may iba’t-ibang aral din tayong matututunan.

Si Jupiter At Ang Tsonggo (Buod At Aral Ng Pabula)
Si Jupiter at ang Tsonggo (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Para sa karagdagang kaalaman, ang mga manunulat ng pabula ay tinatawag na mga “pabulista.” Samantala, ang mga manunulat ng maikling kwento ay tinatawag na mga “kwentista.”

Ayon pa sa isang artikulo na aming nabasa, ang pabula raw ay isa sa mga itinuturing na pinaka unang uri ng panitikan na kinagigiliwan ng mga tao sa daigdig. Bago pa man daw makarating sa Pilipinas ang mga sikat na pabula ni Aesop, ay may mga isinalaysay na na mga katutubong pabula sa mga liblib na lalawigan at rehiyon, dito sa Pilipinas.

Dagdag pa rito, si Aesop daw ang ipinagmamalaking manunulat at mananalaysay ng Europa. Gusto niyo bang maka alam ng konting kaalaman tungkol kay Aesop?

Si Aesop ay ang tinaguriang “Ama ng Sinaunang Pabula.” Siya ay ipinanganak noong ikaanim na daang taon at isinilang na may kapansanan sa pandinig at pagiging kuba.

Kabilang rin ito sa mga alipin noong panahon na iyon. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, biniyayaan naman ito ng kakayahang makapagsulat at makapagsalaysay ng pabula.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwentong pabula na ito. Gawin nating inspirasyon ang mga aral na ating makukuha sa pabula na ito, nang sa ganun ay tayo’y maging mabuting tao.

Si Jupiter at ang Tsonggo

Isang araw ay ipinakalat ni Jupiter ang balitang magkakaroon ng timpalak na magtatampok sa pinakamagandang anak ng hayop sa kapaligiran.

Nang dumating ang araw ng laban ay nagtipun-tipon ang lahat ng hayop sa paanan ng kabundukan. Dala-dala ng lahat ng inang hayop ang kani-kanilang anak na ipanlalaban. Kahit malalayong gubat, bundok, lambak, ilog at kuweba ang pinanggalingan ay nawala ang pagod nila makasali lang sa timpalak.

Tuwang-tuwa ang lahat nang ihudyat ng dagundong at malalakas na kulog ang pagbukas ng langit. Nagbunyi ang lahat nang matanawan nilang pababa sakay ng gintong karwahe niya ang Bathalang si Jupiter. Nagyukuan sila bilang pagbibigay galang sa Bathala ng Kalikasan.

Inikot ni Jupiter ang paanan ng kabundukan. Sinusuri niya ang lahat ng dala-dalang anak ng bawat inang hayop sa kapaligiran. Papanhik na sana siya sa ituktok ng bundok upang sabihin ang nagwagi nang malingunan niya ang inang Tsonggo.

Nilapitan ito ni Jupiter at inaninag ang anak na mahigpit na yakap-yakap. Napaurong ang Bathala nang matanaw na pangung-pango ang ilong ng batang Tsonggo at pagkakapal-kapal pa ng maitim na nguso nito…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Si Jupiter at ang Tsonggo
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “pagtanggap at pagmamahal.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Si jupiter, ang tsonggo at ang anak nito, at ang lahat ng hayop at mga anak ng mga ito ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoSa kabundukan ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang kagandahan ay hindi lamang nakabase sa panlabas na kaanyuan, kundi pati na rin sa katangian ng sino man.”
Sino ang may akda ng kwento?Walang nakasaad tungkol sa may akda ng kwento na ito.
Pagsusuri ng Kwento

“Si Jupiter at ang Tsonggo” Aral

  • Ang kagandahan ay hindi lamang nakabase sa panlabas na kaanyuan, kundi pati na rin sa katangian ng sino man.
  • Matuto tayong tanggapin ang sarili nating anyo at hitsura dahil walang pangit sa taong marunong tumanggap at nagmamahal ng totoo.
  • Huwag tayong manghusga ng ating kapwa.
  • Matuto tayong rumespeto sa ating kapwa, lalo na sa pag respeto sa anyo ng mga ito.
  • Lahat tayo ay may iba’t-ibang pamantayan sa paghusga ng kagandahan.

“Si Jupiter at ang Tsonggo” Buod

Isang araw, ipinakalat ni Jupiter, Bathala ng kalikasan, ang balitang magkakaroon ng timpalak na magtatampok sa pinakamagandang anak ng hayop sa kapaligiran.

Lahat ng hayop ay dumalo at kahit ang mga nasa malalayong lugar ay dumating din. Pagbaba ni Jupiter ay nilibot nito ang kabundukan at tiningnan ang bawat bata na naroon.

Aakyat na sana ito at isasaad ang nanalo ng mahagip ng mata nito ang mag-inang tsonggo. Nilapitan niya ito at tinignan ang batang tsonggo. Napaatras ito at nagulat sa kapangitan daw ng bata.

Narinig ito ng inang tsonggo at tinignan ang kanyang anak. Niyakap niya ito ng mahigpit at sinabing, “ano man ang sabihin ng iba, para sa akin, ikaw at ikaw lang ang pinakamagandang nilalang sa daigdig.”

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, tinignan at niyakap ng mahigpit ng inang tsonggo ang kanyang anak matapos marinig ang bulong ng bathala. Pabulong niyang sinabi sa anak na wala siyang paki alam sa sasabihin ng iba, basta’t para sa kanya ay ang kanyang anak ang pinakamagandang nilalang sa daigdig.

Ating tandaan, na talikuran, tuksuhin, o hindi man tayo tanggapin ng iba ay nandyaan pa rin ang ating ina para atin. Ang ating ina ay tatanggapin tayo ng buong buo at ipagmamalaki ano man ang anyo natin. Kaya, respetuhin at mahalin natin ang mga ito.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment