Si Haring Tamaraw At Si Daga (Buod At Aral Ng Pabula)

Si Haring Tamaraw at si Daga – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng Haring Tamaraw at ng Daga, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Si Haring Tamaraw At Si Daga (Buod At Aral Ng Pabula)
Si Haring Tamaraw at si Daga (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Batay sa aming pananaliksik, may ilang nagsasabi na ang pabula na ito ay isang pabulang mindanao na isinulat ni Emilio Jacinto. Ngunit, wala kaming nahanap na sapat na patunay na siya nga ang may akda ng pabula na ito.

Ito’y maari ring isinalaysay nang muli ng ibang manunulat at nagpasalin salin na sa iba’t-ibang henerasyon. Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng pabula na ito.

Si Haring Tamaraw at si Daga

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan at nakarating siyang pagod na pagod. Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong narra.

Dumating naman si Daga na tuwang-tuwang naglalaro sa may puno ng narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno at ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw.

Dali-daling tumakbong paalis si Daga at hindi sinasadyang matapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Sumigaw si Daga at nagising si Haring Tamaraw.

Galit na galit si Haring Tamaraw at hinuli niya si Daga. Bilang parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw at nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya’y makakatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng panahon.

Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga ta nagpasalamat naman si Daga…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang pamagat ng kwento na ito ay “Si Haring Tamaraw at si Daga
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “pagpapatawad at pagkilala ng utang na loob.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Sina Haring Tamaraw, Daga, at mga ibon ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoSa kagubatan ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang pagtanggap sa eksplenasyon ng kapwa at pagpapatawad ay may kaakibat na kabutihan.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi malinaw kung sino nga ba ang sumulat ng kwento na ito.
Pagsusuri ng Kwento

Aral sa Pabula na “Si Haring Tamaraw at si Daga”

  • Ang pagtanggap sa eksplenasyon ng kapwa at pagpapatawad ay may kaakibat na kabutihan.
  • Ugaliing tumulong sa ating kapwa, lalo na sa mga nangangailangan.
  • Matuto tayong tumanaw ng utang na loob at gawin ang ating ipinangako.
  • Matuto tayong magpatawad sa mga nagkasala sa atin at huwag ugaliing gumanti.

Buod ng “Si Haring Tamaraw at si Daga”

Isang araw, ang haring tamaraw ay nakatulog sa ilalim ng puno ng narra. Dumating ang daga at naisturbo nito ang kanyang tulog. Galit itong kinuha ang daga, ngunit pinatawad niya rin ito. Hanggang isang araw, natapakan ng haring tamaraw ang patibong na hawla at sya’y tinulungan ng daga na makawala.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, nang makawala sa hawla ang haring tamaraw ay nagpasalamat ito sa daga. At mula noon, sila ay naging mabuting magkaibigan.

Ating tandaan, na ang pagkakaroon ng mabuting katangian ay may dulot din na kabutihan. Tayo ay magtulungan nang sa gayon ay magkaroon tayo ng tahimik at masayang buhay.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment