Si Dagang Bayan At Si Dagang Bukid (Buod At Aral Ng Pabula)

Si Dagang Bayan at Si Dagang Bukid – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng mga daga, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Si Dagang Bayan At Si Dagang Bukid (Buod At Aral Ng Pabula)
Si Dagang Bayan at Si Dagang Bukid (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.

Si Dagang Bayan at Si Dagang Bukid

May dalawang dagang magkaibigan, sina Dagang Bayan at Dagang Bukid. Magkalayo ang kanilang mga tirahan subalit patuloy pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

Isang araw, dinalaw ni Dagang Bayan si Dagang Bukid.

“Napakalayo ng lugar mo. Nagutom ako sa pagod. Kumain na tayo,” ani Dagang Bayan.

“Wala akong pagkain dito. Halika, maghanap tayo,” sagot ni Dagang Bukid.

“Ano? Maghahanap pa tayo?” di-makapaniwalang tanong ni Dagang Bayan.

“Oo, ganyan talaga rito sa bukid. Hahanapin mo muna ang iyong kakainin,” malumanay na sagot ni Dagang Bukid…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Si Dagang Bayan at Si Dagang Bukid
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “pagkakaibigan at katusuhan.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Sina dagang bayan at dagang bukid ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoSa bukid ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang katusuhan ay nakakasira ng pagkakaibigan.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi nabanggit.
Pagsusuri ng Kwento

Aral ng Pabula

  • Ang katusuhan ay nakakasira ng pagkakaibigan.
  • Huwag nating lokohin at lamangan ang ating mga kaibigan.
  • Matuto tayong pahalagahan ang ating mga kaibigan.

Si Dagang Bayan at Si Dagang Bukid Buod

Isang araw, dinalaw ni dagang bayan si dagang bukid. Sa pagod nito, nag-aya itong kumain. Ngunit iba sa bukid, kaya naghanap pa sila ng makakain.

Sa kanilang paghahanap, may nakita silang isang supot na may laman na tinapay. At ang hatian nito ang naging dahilan ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, nagalit ang dagang bukid sa ginawa ni dagang bayan sa tinapay at sa panloloko nito. Nag-away ang dalawa at naglaho ang kanilang pagkaka-ibigan.

Ating tandaan, ang panlalamang sa kapwa ay isang masamang gawain na hindi natin dapat tularan. Maging pantay tayo sa lahat ng bagay at huwag manloko ng sinuman.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment