Si Aso At Si Ipis (Buod At Aral Ng Pabula)

Si Aso at Si Ipis – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwento nina Aso at Ipis, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Si Aso At Si Ipis (Buod At Aral Ng Pabula)
Si Aso at Si Ipis (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang sumulat ng pabula na ito? Batay sa aming pananaliksik, ang may akda ng pabula na ito ay sina Ana-ao, Adolf A., Nerida, Joana T., at Vergara Myka.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwentong pabula nina aso at ipis.

Si Aso at Si Ipis

Mataas ang mga punong nakapaligid sa bahay. Malawak din ang hardin sa likuran. Napaligiran ng mga palay at mga pananim ang bahay ni Mang Kardo.

Sa harap naman, malapit sa pintuan ay ang tulugan ng aso. Maliit lang ang bahay ngunit parang paraiso ang kapaligiran nito. Nag-iisa kasi ang bahay ni Mang Kardo sa bundok na iyon at ang kanyang kapitbahay ay sa kabilang bundok pa nakitira.

Araw ng Lunes at abalang nagluluto si Mang Kardo sa loob ng bahay. Kaarawan kasi ng kanyang apo at isang surpresa ang kanyang inihanda. Nagluto siya ng pinakamasarap na kanin na kanyang ibinayo lamang kaninang umaga.

Naghanda rin siya ng pinikpikan at nilagyan ng etag upang mas lalo pang maging masarap ang kanilang ulam. At upang mas lalong maging masaya ang apo ay nagluto rin siya ng dalawang patong na cake.

Binilin niya ang kanyang aso na bantayan ang kanilang bahay dahil susunduin niya ang kanyang apo sa kabilang bundok. Sinabi niyang matatagalan pa ito kaya ang aso muna ang bahala sa kanilang bahay…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Si Aso at Si Ipis
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “pagkakaibigan at katarungan.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Sina Aso, Ipis, apo ni Mang Kardo, at Mang Kardo ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoSa bahay ni Mang Kardo sa bundok ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang pag-amin ng sariling kasalanan at pagtanggap ng kaparusahan nito ay ang nararapat na gawin.”
Sino ang may akda ng kwento?Ang may akda ng kwento ay sina Ana-ao, Adolf A., Nerida, Joana T., at Vergara Myka.
Pagsusuri ng Kwento

“Si Aso at Si Ipis” Aral

  • Ang pag-amin ng sariling kasalanan at pagtanggap ng kaparusahan nito ay ang nararapat na gawin.
  • Matuto tayong aminin at akuin ang ating mga kasalanan.
  • Tayo dapat ang magbayad sa mga kaparusahang resulta ng ating nagawa.
  • Pahalagahan natin ang ating mga kaibigan at huwag silang dalhin sa kapahamakan.

“Si Aso at Si Ipis” Buod

Isang araw, ibinilin ni Mang Kardo sa kanyang aso na bantayan ang kanilang bahay. Tinawag ni aso ang kanyang kaibigan na si ipis na samahan siya sa pagbabantay.

Nakagawa ng kasalanan ang ipis kaya nakulong ang aso. Sa huli, iniligtas ni ipis si aso at ito ay pinakawalan na sa kanyang kulungan ngunit namatay ang ipis.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, nakaisip ang ipis ng paraan upang matulungan ang aso na makalaya. Sa huli, nakalaya ang aso ngunit namatay ang ipis.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment