Si Alitaptap At Si Paruparo (Buod At Aral Ng Pabula)

Si Alitaptap at si Paruparo – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula nina Alitaptap at Paruparo, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Si Alitaptap At Si Paruparo (Buod At Aral Ng Pabula)
Si Alitaptap at si Paruparo (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.

Si Alitaptap at si Paruparo

May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki. Iniwan niya itong nakabaligtad at kakawag-kawag sa lupa.

Paruparo: Saklolo! Tulungan ninyo ako! (Dumaan si Langgam at narinig ang sigaw ni Paruparo)

Langgam: Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng araw at maghahanap pa ako ng pagkain. (Umalis si Langgam at iniwan ang kaawa awang Paruparo)

Paruparo: Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako. (Dumating si Gagamba. Lumapit siya kay Paru-paro)…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Si Alitaptap at si Paruparo
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “kabutihang-loob.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay sina Paruparo, batang lalaki, Langgam, Gagamba, Alitaptap at mga kasamahan din nitong alitaptap.
Tagpuan ng kwentoHindi nabanggit.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang pagtulong sa kapwa ay dapat na kusang loob at hindi naghihintay o humuhingi ng anumang kapalit.”
Sino ang may akda ng kwento?Walang nakasaad tungkol sa may akda ng kwento na ito.
Pagsusuri ng Kwento

Si Alitaptap at si Paruparo Aral

  • Ang pagtulong sa kapwa ay dapat na kusang loob at hindi naghihintay o humuhingi ng anumang kapalit.
  • Maging mabait at matulungin sa ating kapwa.
  • Huwag magdalawang isip na tumulong sa mga nangangailangan ng tulong.

Si Alitaptap at si Paruparo Buod

Isang araw, humingi nang tulong ang paruparo dahil pinaglaruan ito ng batang lalaki at iniwan itong nakabaliktad sa lupa. Dumaan ang langgam at gagamba ngunit hindi ang mga ito nag abala na tumulong. Hanggang sa dumating ang alitaptap at hindi ito nagdalawang isip na tulungan ang kawawang paruparo.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kuwento, tinulungan ng alitaptap at ng mga kasama nito ang paruparo. Nagpasalamat ang paruparo sa mga ito bago umalis.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment