Kung Bakit Dinadagit Ng Lawin Ang Mga Sisiw (Buod At Aral)

Kung bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwento ng lawin at ng inahing manok, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Dagdag pa rito, marami man tayong mabasang iba’t-ibang halimbawa ng pabula, nasisiguro naming sa iba’t-ibang klase ng mga pabula na ito ay may iba’t-ibang aral din tayong matututunan.

Kung Bakit Dinadagit Ng Lawin Ang Mga Sisiw (Buod At Aral)
Kung bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Para sa karagdagang kaalaman, ang mga manunulat ng pabula ay tinatawag na mga “pabulista.” Samantala, ang mga manunulat ng maikling kwento ay tinatawag na mga “kwentista.”

Ayon pa sa isang artikulo na aming nabasa, ang pabula raw ay isa sa mga itinuturing na pinaka unang uri ng panitikan na kinagigiliwan ng mga tao sa daigdig. Bago pa man daw makarating sa Pilipinas ang mga sikat na pabula ni Aesop, ay may mga isinalaysay na na mga katutubong pabula sa mga liblib na lalawigan at rehiyon, dito sa Pilipinas.

Dagdag pa rito, si Aesop daw ang ipinagmamalaking manunulat at mananalaysay ng Europa. Gusto niyo bang maka alam ng konting kaalaman tungkol kay Aesop?

Si Aesop ay ang tinaguriang “Ama ng Sinaunang Pabula.” Siya ay ipinanganak noong ikaanim na daang taon at isinilang na may kapansanan sa pandinig at pagiging kuba.

Kabilang rin ito sa mga alipin noong panahon na iyon. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, biniyayaan naman ito ng kakayahang makapagsulat at makapagsalaysay ng pabula.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwentong pabula na ito. Gawin nating inspirasyon ang mga aral na ating makukuha sa pabula na ito, nang sa ganun ay tayo’y maging mabuting tao.

Kung bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw

Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang pagkain sa bukid. Bukod dito, marami rin bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.

Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay kitang-kita nila ang lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng damo. Naiwan ang inahing manok na anyong lalaban sa lawin.

Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila ang lawin na mabilis na lumipad papalayo. Natawag ang pansin nina Lola Anding at Lolo Andres sa sigaw ng magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng bahay at inalam kung ano ang nangyayari.

“Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok kaya sumigaw po kami,” paliwanang ni Roy.

“Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok?” tanong ni Lorna.

“May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong tanong na iyon,” sagot ni Lolo Andres.

“Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas,” wika ni Lola Anding. “Makinig kayong mabuti. Ganito ang kuwento.”

Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng singsing si Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa pista sa kabilang nayon. Naroroon si Tandang at ibig niyang maging maganda sa paningin nito. Tinanggal ni Lawin ang suot niyang singsing at ibinigay niya ito kay Inahing Manok…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Kung bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “pagpapahalaga.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay sina Roy, Lorna, Lola Anding, Lolo Andres, Lawin, Mga Sisiw, Inahing manok, at Tandang.
Tagpuan ng kwentoSa bukid ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “pahalagahan at ingatan ang mga bagay na hindi natin pag-aari.”
Sino ang may akda ng kwento?Walang nakasaad tungkol sa may akda ng kwento na ito.
Pagsusuri ng Kwento

“Kung bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw” Aral

  • Pahalagahan at ingatan ang mga bagay na hindi natin pag-aari.
  • Huwag ugaliing manghiram ng gamit ng iba.
  • Ang halaga ng sino man ay hindi nababatay sa materyal na bagay na suot nito.

“Kung bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw” Buod

Isang araw, habang nasa bukid sina Roy at Lorna ay nakita nilang dadagitin ng Lawin ang mga sisiw ng Inahing manok kaya agad2 na bumaba ang mga ito sa puno at sinigawan ang lawin na kaagad namang umalis. Narinig ito ng kanilang lolo’t lola kaya kaagad silang pinuntahan ng mga ito.

Sinabi nila ang kanilang nakita sa kanilang lolo’t lola at sila’y napatanong kung bakit nga ba dinadagit ng mga lawin ang mga sisiw. Dahil sa kanilang tanong, ikinuwento ng kanilang Lola Anding kung ano ang nangyari sa lawin at sa inahing manok.

Ayon kay Lola Anding, naging magka-away ang lawin at inahing manok dahil nawala ng inahing manok ang singsing na hiniram nito sa lawin. Sinabi ng lawin na kapag hindi nito nakita ang singsing ay dadagitin nito ang kanyang mga anak.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, patuloy pa rin sa paghahanap ng nawalang singsing ang inahing manok at namatay ang mga ito ng magkagalit. Kaya hanggang ngayon, dinadagit ng mga lawin ang mga sisiw ng mga inahing manok dahil hindi pa rin nakikita ang nawawalang singsing.

Ating tandaan, na kung hindi natin kayang ingatan ay huwag na nating pakialaman. Dahil maaaring ang mga bagay na ating hinihiram ay importante at may malaking halaga sa may-ari nito.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment