10+ Halimbawa Ng Maikling Pabula Sa Pilipinas Na May Aral

HALIMBAWA NG MAIKLING PABULA – Ating alamin kung ano ang pabula at ang higit sa sampong mga maikling halimbawa ng Pabula sa Pilipinas na may aral. Ang mga halimbawa ng maikling pabula na mababasa niyo dito ay tiyak na makapagbibigay ng aliw sa pagbabasa at maraming aral.

Sa Lahat ng halimbawa ng pabula na inyong mababasa ay tiyak na kapupulutan niyo ng aral na pwede niyo ring ibahagi sa iba. Ito ay pinakamagandang ikwento sa mga bata na talagang kaaliwan at kapupulutan nila ng aral. Ang mga aral na ito ay maganda gamitin natin sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

See also: Tula Tungkol Sa Wikang Filipino

Ano Ang Pabula?

Bago tayo magpatuloy, atin munang alamin kung anu nga ba ang Pabula?

Ang Pabula o “fable” sa salitang Ingles ay mga kwento na hayop ang gumaganap na karakter ngunit kumikilos o nagsasalita tulad nga tao. Ang mga kwentong pabula ay naglalaman ng mga aral para sa mga mambabasa.

Halimbawa ng mga Pinakasikat na Pabula sa Pilipinas

10+ Halimbawa Ng Pabula Sa Pilipinas Na May Aral

Halimbawa ng Pabula na May Aral sa Pilipinas 2021
Halimbawa ng Pabula na May Aral sa Pilipinas

1. Ang Gorilya at ang Alitaptap

Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan. Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito.

“Hoy, Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” Sumagot si Iput-Iput, “Dahil natatakot ako sa mga lamok.”

“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Ang Gorilya At Ang Alitaptap” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Ang Gorilya At Ang Alitaptap“:

  • Huwag mong husgahan ang iyong kapwa base sa kanyang laki o liit ng pangangatawan.
  • Kadalasan kasi ay may mas nagagawa ang mga maliliit na hindi kayang gawin ng malalaki.
  • Iwasan ang pagpapakalat ng maling balita upang siraan ang kapwa.

2. Sino ang Magtatali ng Kuliling?

May isang malaking Pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng Daga. Marami-rami na rin itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang Daga at saka ito sasakmalin at gugutay-gutayin.

Sa sobrang takot ng mga Daga ay nagpulung-pulong sila…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Sino Ang Magtatali Ng KUliling?” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Sino Ang Magtatali Ng Kuliling“:

  • Balewala ang isang magandang mungkahi kung wala namang may gustong gumawa o tumulong sa paggawa para makamit iyon.
  • Ang tao ay hindi nasusukat sa kahit ano pang ganda ng mga salitang sinabi nya kundi sa kanyang mga gawa.
  • Gawin ang mga napagplanuhan para makamit ang mga ito.

3. Ang Lobo at ang Kambing

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-ahong palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Ang Lobo At Ang Kambing” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Ang Lobo At Ang Kambing“:

  • Maging matalino sa mga desisyong gagawin mo.
  • Huwag basta-basta maniniwala sa ibang tao lalo na kung hindi mo pa siya lubusang kakilala.
  • Kilalanin muna ang bagong kakilala bago magtiwala.
  • Mas maiging maging maingat sa mga taong hindi mo kilala.

4. Ang Aso at ang Uwak

May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.

Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.

Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Ang Aso At Ang Uwak” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Ang Aso At Ang Uwak“:

  • Hindi lahat ng papuri ay totoo. Maaring ginagamit lamang ito ng iba para maisahan ka.
  • Huwag basta-basta maniniwala sa sinasabi ng iba.
  • Sa lahat ng oras maniwala sa sarili mo hindi sa sinasabi ng ibang tao.
  • Huwag magpalinlang sa mga taong may masamang motibo sayo.

5. Ang Kabayo at ang Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw.

Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Ang Kabayo At Ang Kalabaw” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Ang Kabayo At Ang Kalabaw“:

  • Maging matulungin sa kapwa.
  • Kung may kakayahan kang tumulong ay huwag mong ipagdamot ito sa iba.
  • Malaking pasanin ang gagaan kung tayo ay magtutulungan.
  • Huwag maging makasarili.
  • Ang pagtulong sa kapwa ay isang magandang ugali na naipagmamalaki.

6. Si Paruparo at si Langgam

Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno.

“Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man lang magpahinga?” tanong ni Paruparo…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Si Paru-paro At Si Langgam” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Si Paru-paro At Si Langgam“:

  • Wag gugulin sa paglilibang lamang ang magandang panahon.
  • Isipin ang bukas na darating at paghandaan ang mga maaring mangyari.
  • Matutong mag-impok upang sa oras ng kagipitan ay may madudukot.
  • Laging maghanda sa lahat ng oras dahil hindi natin alam ang susunod na mangyayari sa atin.
  • Ugaliing magipon upang may gamitin sa panahong sadyang kailangan.

7. Ang Daga at ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Ang Daga At Ang Leon” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Ang Daga At Ang Leon“:

  • Ang paghingi ng paumanhin ay hindi nakakapag-pababa sa dangal ng isang tao.
  • Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.
  • Maliit man ang iyong kapwa ay may kakayahan pa rin itong makatulong sa paraang hindi madalas inaasahan ng iba.
  • Maging mapagkumbaba sa lahat ng oras upang tayo ay pagpalain.

8. Si Pagong at si Matsing

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit.

Halika Matsing, kainin natin ang pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong.

“Naku baka panis na yan” sabi ni Matsing…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Si Pagong At Si Matsing” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Si Pagong At Si Matsing“:

  • Hindi porke’t mukhang mahina ang isang tao ay maaari mo na itong isahan.
  • Darating ang araw na ang masamang ginawa mo sa iba ay pagbabayaran mo rin.
  • Huwag maging tuso.
  • Iwasan ang pagiging madamot.
  • Ang pagkakaibigan ay higit na mahalaga kaysa ibang bagay. Kaya pahalagahan sila dahil mahirap makahanap ng isang tunay na kaibigan.
  • Maging mabait sa ibang tao dahil kung ano man ang ginawa mo sa ibang tao ay siyang babalik din sayo.

9. Si Kuneho at si Pagong

Isang araw ay nagkasalubong sa daan ang Kuneho at ang Pagong.

Ngingisi-ngising inaglahi ng Kuneho ang Pagong.

“Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho, “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at pagkabagal-bagal mong lumakad…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Si Kuneho At Si Pagong” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Si Kuneho At Si Pagong“:

  • Walang imposible sa taong nagsusumikap.
  • Huwag maging mayabang.
  • Tandaan, ang taong nagmamataas ay lalong bumababa at ang taong nagpapakababa ay siyang tinataas.
  • Huwag magpaka-kampante sa isang labanan o tunggalian.
  • Huwag mong hamakin ang kakayahan ng iyong kalaban.

10. Si Langgam at si Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya.

Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong...

Maari mo ring basahin ang halimbawa ng maikling pabula na ito sa English version The Ants & the Grasshopper Story With Moral Lesson.

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Si Langgam At Si Tipaklong” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Si Langgam At Si Tipaklong“:

  • Ugaliing mag-impok upang kapag may pangangailangang dumating ay may madudukot.
  • Hindi masama ang magsaya paminsan-minsan.
  • Ngunit palaging pakatandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mo itong gawin.
  • Magbanat ka ng buto at paghandaan ang hinaharap.
  • Maging masipag. Huwag tatamad-tamad.
  • Mas mabuti sa tao ang nagtatatrabaho kaysa tumambay at maging pasanin sa iba.

Halimbawa Ng Maikling Pabula Na Sikat Sa Pilipinas Na May Aral

11. Ang Agila at ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.

“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong kayabangan ni Agila…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Ang Agila At Ang Maya” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Ang Agila At Ang Maya“:

  • Huwag maging mayabang.
  • Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.
  • Maging mapagpakumbaba anuman ang ating ginagawa.
  • Gamitin ang talino sa tamang paraan.

12. Ang Buwaya at ang Pabo

Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa pampang ng Ilog Pasig. Siya ay mabangis at ubod ng sakim. Sa kadahilanang ito, walang ibang hayop ang magkalakas ng loob na siya’y lapitan.

Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan niyang mag-asawa na…

Ang halimbawa ng kwentong pabula na “The Crocodile and the Peahen” ay isinalin sa tagalog ni Damiana L. Eugenio

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Ang Buwaya At Ang Pabo” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Ang Buwaya At Ang Pabo“:

  • Iwasang maging alipin ng kayamanan. Ang pagiging mukhang pera ay parang lason sa katawan na nakamamatay.
  • Mas mabuti pang makapangasawa ng mahirap kaysa taong mayaman na huwad ang kalooban.
  • Huwag manloko ng kapwa. Pakatandaan na kung ano ang iyong itinanim ay siya mo ring aanihin. Kung nagtanim ka ng kasamaan sa iba, balang araw ay babalik rin sa iyo ang pangit na itinanim mo.
  • Maging matalino sa bawat desisyong iyong gagawin. Pag-isipan itong mabuti at ng makailang ulit bago gumawa ng mga bagay na maari mong pagsisihan sa bandang huli.
  • Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan. Maging mapanuri at kilalaning maigi ang taong nais pakasalan.

13. Si Aso at si Ipis

Mataas ang mga punong nakapaligid sa bahay. Malawak din ang hardin sa likuran. Napaligiran ng mga palay at mga pananim ang bahay ni Mang Kardo. Sa harap naman, malapit sa pintuan ay ang tulugan ng aso.

Maliit lang ang bahay ngunit parang paraiso ang kapaligiran nito…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Si Aso At Si Ipis” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Si Aso At Si Ipis“:

  • Maghintay muna na magtipon ang lahat bago kumain para may parti ang bawat isa.
  • Respetuhin ang taong naghanda ng pagkain at hintayin ang kanilang hudyat na pwede nang kumain.
  • Maging pasensyuso dahil may tamang oras sa bawat bagay.
  • Ang paggawa ng kasalanan ay tiyak na may kaparusahan.

14. Si Mario, si Ana, at ang Isda

Tuwang-tuwa ang mangingisdang si Mario nang may nabingwit siyang isang malaking isda. Nang ilalagay na niya ito sa buslo, bigla itong nagsalita, “Huwag!” Muntik nang mahulog sa bangka si Mario sa malabis na pagkagulat.

“Ibalik mo ako sa tubig at bibigyan kita ng kayamanan,” sabi ng isda, na nagpipilwag…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Si Mario, Si Ana, At Ang Isda” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Si Mario, Si Ana, At Ang Isda“:

  • Huwag sayangin ang mga pagkakataon dahil baka huli na ang lahat bago mo pa maisip na mahalaga pala ang pinakawalan mo.
  • Huwag magtiwala sa mga magagandang salita dahil ang hinahangad natin ay pinag-iisipan at pinagtatrabahuhan.
  • Matutong makuntento at huwag mapang-abuso.

15. Si Haring Tamaraw at si Daga

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan. Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan.

Dumating siyang pagod na pagod. Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabula na “Si Haring Tamaraw At Si Daga” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Aral ng Pabula na “Si Haring Tamaraw At Si Daga“:

  • Ang paghingi ng paumanhin ay hindi nakakapag-pababa sa dangal ng isang tao.
  • Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.
  • Maliit man ang iyong kapwa ay may kakayahan pa rin itong makatulong sa paraang hindi madalas inaasahan ng iba.
  • Maging mapagkumbaba sa lahat ng oras upang tayo ay pagpalain.

Para Sa Iba Pang Araling Filipino

Konklusyon Sa Mga Halimbawa Ng Pabula

Sa araling ito ay ating nalaman kng anu ang pabula at nagbigay din tayo ng higit sa sampong mga halimbawa ng maikling pabula sa Pilipinas na may aral na siguradong magugustohan ng mga bata.

We are Proud Pinoy.

1 thought on “10+ Halimbawa Ng Maikling Pabula Sa Pilipinas Na May Aral”

Leave a Comment