Baryo Maligaya (Buod At Aral Ng Pabula)

Baryo Maligaya – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang kwentong pabula, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Baryo Maligaya (Buod At Aral Ng Pabula)
Baryo Maligaya (Buod at Aral ng Pabula)

Baryo Maligaya

Sa pusod ng isang malawak na kagubatan matatagpuan ang Baryo Maligaya. Malalaki ang mga puno rito kaya malamig at malinis ang hangin. Marami ring iba’t ibang halamang namumunga at naggagandahang mga ligaw na bulaklak dito…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Baryo Maligaya
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “sipag at pagkakaisa.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay sina Haring Leon, asawa ng leon, mga unggoy, mga ibon, mga kuneho, si kunita, mga palaka, sina bayawak, agila, tigre, at iba pang mga hayop.
Tagpuan ng kwentoSa baryo maligaya, sa pusod ng malawak na kagubatan ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “para maabot natin ang ating mga pangarap o mithiin sa buhay, kailangan nating magsumikap at maghanda.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi nabanggit.
Pagsusuri ng Kwento

“Baryo Maligaya” Aral

  • Para maabot natin ang ating mga pangarap o mithiin sa buhay, kailangan nating magsumikap at maghanda.
  • Lahat ng bagay ay dapat na pinaghahandaan, huwag tayong masyadong ma kumpiyansa kung gusto nating makamit ang isang bagay.

“Baryo Maligaya” Buod

Isang araw, sa baryo maligaya, kaarawan ng haring leon, kaya may pagdiriwang at paligsahan sa pag-awit ang mga hayop. Sa mga grupo na nagpalista, ang mga ibon lamang ang naghanda at nagkaisa. Sa huli, sila ang tinanghal na Koro ng Baryo Maligaya.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kuwento, ang mga nag handa at nagkaisang mga ibon ang nanalo sa paligsahan. Sila ang tinanghal na “Koro ng Baryong Maligaya.”

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment