Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa, at Daga – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng aso, pusa, at daga, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang basahin ang kwento ng aso, pusa, at daga.
Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa, at Daga
Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at animo’y isang paraiso.
Ang mga aso, pusa, at daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa kani-kanilang mga suliranin. Subalit ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang pangyayari.
Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain.
Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang tingnan kung ligtas ang kaniyang amo…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | Ang pamagat ng pabula na ito ay “Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa, at Daga“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Pagkakaibigan at hindi pagkakaunawaan” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang mga tauhan sa kwento ay ang aso, pusa, at daga. |
Tagpuan ng kwento | Sa isang bahay ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “walang bagay o problema na hindi maaayos ng malumanay na usapan.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi nabanggit. |
Aral ng Pabula
- Walang bagay o problema na hindi maaayos ng malumanay na usapan.
- Matuto tayong makinig sa paliwanag ng iba.
- Huwag magtanim ng galit at pahalagahan ang pagkakaibigan.
Bakit Laging Nag aaway ang Aso, Pusa, at Daga Buod
Noong unang panahon, ang aso, pusa, at daga ay magkakaibigan. Palagi silang nagbibigayan at nagtutulungan. Hanggang isang araw, nagkaroon ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan at tuluyang nasira ang kanilang pagkakaibigan.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, matapos mag away ang tatlong magkakaibigan ay tuluyan ng nasira ang kanilang relasyon sa isa’t-isa. Tuwing sila’y nagkikita ay palagi silang nag aaway.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Uhaw Na Uwak
- Ang Uwak At Ang Banga
- Bakit Dala-Dala Ni Pagong Ang Kanyang Bahay?
- Si Mahistrado Kuwago
- Ang Inahing Manok At Ang Kanyang Mga Sisiw
We are proud Pinoy!