Bakit Dala Dala ni Pagong ang Kanyang Bahay – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng isang pagong, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming masusing pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng pabula na ito.
Bakit Dala-Dala ni Pagong ang Kanyang Bahay?
Noong mga unang araw ay sinusugong paminsan-minsan ng bathalang maykapal si Barangaw magmula sa alapaap upang tingnan kung maligaya ang ating mga ninuno. Kung minsan si Barangaw ay nag-aanyong bahaghari upang pahintuin ang unos na maaaring makasira sa mga pananim.
Kung minsan ay nag-aanyong isang sultan, naglalagay ng putong, nagdadamit ng kundiman at palakad-lakad sa loob at labas ng balangay. Isang baston o tungkod na nilalik na kamagong ang kanyang dala-dala tanda ng kapangyarihan.
Ito ang pinaparusa niya sa mga malulupit at mga masasama, at ito rin ang ginagamit niya sa paggawad ng gantimpala sa mabubuti.
Isang araw noong panahon ni Lakan Lumatay ay inutusan nga ni Bathala si Barangaw na mamasyal sa Malanday upang malaman ang mga daing ng mga aliping namamahay at aliping sagigilid.
Samantalang naglalakad si Barangaw, nakaalinig siya ng abot-abot na lagapak ng hagupit na kasabay ang malungkot na daing. “Bakit kaya?” ang tanong ni Barangaw sa kanyang sarili walang kakilakilatis siyang nasok sa silid na pinanggagalingan ng daing ng taong hinahagupit ng lanubo ng bayabas.
Kitang-kita niyang namimilipit sa sakit ang taong hinahagupit na sa kahit saan tamaan! “Kaawa-awang alipin!” ang malungkot niyang nasabi. Walang nakakita kay Barangaw sapagkat ang tagaputong niya ay maysa tagabulag, ngunit kitang-kita niya ang lahat.
Naroon si Lakan Lumatay at nakapamewang, pinag-abot-sikong nakabalita ang alipin at pinapalo ng walang patumangga ni Magbitag na siyang tagapagparusa ni Lakan.
“Saan mo itinago ang iyong anak na dalaga?” Ang tanong ni Magbitag, sandaling tinigilan ng palo ang alipin ito’y hubad baro, at ang katawan ay halos putok-putok na sa kapapalo…
Pindutin ang button sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | Ang pamagat ng pabula ay “Bakit Dala-Dala ni Pagong ang Kanyang Bahay?“ |
Ano ang tema ng kwento? | Ang tema ng kwento ay “katarungan, pagpapatawad, at katapatan.” |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Sina Bathala, Barangaw, Lakan Lumatay, Magbitag, Alipin, Anak ng alipin, at Malaya ang mga tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Sa Malanday ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “maging mabuti sa ating kapwa.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Walang nakasaad tungkol sa may akda ng paabula na ito. |
Aral ng Pabula
- Maging mabuti sa ating kapwa at huwag maging malupit sa sinuman.
- Ang ating kasamaan ay may kahihinatnan at kaakibat na kaparusahan.
- Ugaliin nating mag patawad, gaano man kasama ang nagawa sa atin.
- Ang katapatan ay isa sa pinakamahalagang katangian sa mundong ito, kaya pahalagahan natin ang mga taong tapat sa atin.
Bakit Dala Dala ni Pagong ang Kanyang Bahay Buod
Noong unang panahon, may isang masamang Lakan ang pinarusahan ang isang mabuti at tapat na alipin. Nang ipadala ni Bathala si Barangaw, nasaksihan niya ang pangyayari at pinarusahan ang masamang lakan at ang tagaparusa nito.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, pinarusahan ni Barangaw ang Lakan at ang taga parusa nito sa kasamaang nagawa ng mga ito.
Ating tandaan, na ang paggawa ng masama ay may kaakibat na kaparusahan. Hindi natin dapat hinahagupit ang mga taong walang kasalanan. Maging mabuti tayo sa ating kapwa at ito rin ay magdudulot sa atin ng kabutihan.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
We are proud Pinoy!