Ang Uwak Na Nagpanggap (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Uwak na Nagpanggap – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng isang uwak, na may buod at mga aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Ang Uwak Na Nagpanggap (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Uwak na Nagpanggap (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Ayon sa scribd.com, ito ay isang pabula ni Aesop. Marahil ito ay isinalin lamang sa Tagalog ng isang awtor na hindi namin nahanap.

Sino ba si Aesop?

Si Aesop ay isang mananalaysay at pabulista na sinasabing nagsulat ng ilang pabula na ngayon ay kilala bilang Aesop’s Fables. Siya ay nanirahan sa sinaunang Greece sa pagitan ng 620 at 564 BCE.

Siya ay kilala rin bilang ama ng mga sinaunang pabula at nakagawa ng mahigit dalawang daan na pabula. Ang mga nakakalat na detalye ng buhay ni Aesop ay matatagpuan sa mga sinaunang mapagkukunan, kabilang sina Aristotle, Herodotus, at Plutarch.

Para sa karagdagang kaalaman, ang mga manunulat ng pabula ay tinatawag na mga “pabulista.” Samantala, ang mga manunulat ng maikling kwento ay tinatawag na mga “kwentista.”

Ang Uwak na Nagpanggap

Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng paboreal sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba’t ibang kulay na taglay niyon.

At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon at habang nasa tubig ang mga paboreal ay walang paalam na pinuntahan ng uwak ang mga naiwang balahibo.

Iba’t-ibang hugis at kulay ang mga ito. Nakaisip ng magandang ideya ang uwak. Kumuha siya ng malagkit na dagta ng isang halaman. Matapos ipahid ito sa buong katawan ay mabilis niyang idinikit ang pinulot na naggagandahang balahibo.

Hindi siya makapaniwala nang masalamin niya sa Kristal na tubig ang buong kaanyuan. Magandang-maganda ang balahibo at pakpak niya. Hindi na siya itim at ordinaryong uwak.

Kulay bahaghari na siya na makulay na makulay. Natitiyak niyang matatanggap siya ng mga paboreal. Dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga paboreal at nagpakilala bilang kauri ng mga ito…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Uwak na Nagpanggap
Ano ang tema ng kwento?Kawalang-kasiyahan at pagpapanggap” ang tema ng kwento.
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay ang uwak, mga paboreal, at mga kauri ng uwak.
Tagpuan ng kwentoHindi nabanggit.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “makuntento at maging masaya tayo sa ating sariling anyo at hitsura.”
Sino ang may akda ng kwento?Ang may akda ng kwento ay si Aesop.
Pagsusuri ng Kwento

Ang Uwak na Nagpanggap mga Aral

  • Makuntento at maging masaya tayo sa ating sariling anyo at hitsura.
  • Tanggapin at mahalin natin kung ano at sino tayo.
  • Ang pagpapanggap ay isang mali at masamang gawain.
  • Walang sinuman ang makakapagkunwari habang buhay.
  • Pahalagahan natin ang mga taong tanggap tayo kung sino tayo.

Ang Uwak na Nagpanggap Buod

Noong unang panahon, ang isang uwak ay nagkunwaring paboreal at nagpakilalang isa sa kanilang kauri. Ngunit siya ay nabisto at nang bumalik siya sa kanyang mga kauri ay hindi na siya tinanggap ng mga ito.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, takot na lumisan ang uwak matapos itong pagtutukain ng mga paboreal. Nang magbalik ito sa kanyang mga kauri ay hindi na siya tinanggap ng mga ito.

Ating tandaan, na ang pagtalikod sa sarili mong kauri ay walang magandang patutunguhan. Matuto tayong makuntento at pahalagahan natin ang sariling atin.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment