Ang Uwak at Ang Banga – Ang artikulong ito ay tungkol sa maikling kwento ng isang uhaw na uwak, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Ayon sa aming pananaliksik, ang pabula na ito ay isinalin sa Tagalog ng isang awtor na hindi namin nahanap. Ang orihinal o ingles na bersyon nito ay pinamagatang “The Crow and The Pitcher” ni Aesop.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng maikling kwento ng uwak at ng banga.
Ang Uwak at Ang Banga
Isang araw, sa panahon ng tagtuyot, naghahanap ang isang uhaw na uwak ng tubig na maiinom. Uhaw na uhaw siya at buong araw siyang naglalakbay. Mamamatay siya sa uhaw kapag hindi siya nakainom ng tubig sa pinakamadaling panahon.
Sa wakas ay nakahanap siya ng isang banga na may lamang maliit na tubig sa loob nito. Subalit ang banga ay mataas at may makitid na leeg. Kahit anong subok niya ay hindi niya abot ang tubig…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Uwak at Ang Banga“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Pagtitiyaga” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang uwak ang natatanging tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Hindi nabanggit. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “huwag tayong sumuko sa lahat ng layunin natin sa buhay, hindi man tayo nagtagumpay sa unang subok natin.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi nabanggit. |
Ang Uwak at Ang Banga Aral
- Huwag tayong sumuko sa lahat ng layunin natin sa buhay, hindi man tayo nagtagumpay sa unang subok natin.
- Bawat problema ay may solusyon, kaya tayo ay maging matiyaga.
- Sa pagkuha ng isang bagay, kailangan natin magsumikap.
Ang Uwak at Ang Banga Buod
Isang araw, may uhaw na uhaw na uwak na naglalakbay upang maghanap ng tubig. Siya ay nakakita ng isang banga at pinagtiyagaan nitong mainom ang laman nitong tubig.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, nilagyan nito ng bato ang banga upang umangat ang lamang tubig nito. Sa huli, siya ay nagtagumpay at sa wakas ay naka inom din ito ng tubig.
Ating tandaan, sa pag-abot ng ating mga mithiin sa buhay kailangan natin itong samahan ng pagsisikap.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
We are proud Pinoy!