Ang Uhaw na Uwak – Ang artikulong ito ay tungkol sa maikling kwento ng uhaw na uwak, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming masusing pananalilksik, ang pabula na ito ay muling isinalaysay ni Boots S.A. Pastor.
Si Boots S. Agbayani-Pastor ay ipinanganak at nakatira sa Cubao, Quezon City. Siya ay nag-aral ng Fine Arts ngunit naging manunulat bago siya nakapagtapos. Ang kanyang mga artikulo at maikling kwento ay lumabas sa iba’t ibang pambansang publikasyon.
Dagdag pa rito, sumulat din siya ng mga script para sa mga audiovisual presentation, telebisyon, at pelikula.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng maikling kwento ng uhaw na uwak.
Ang Uhaw na Uwak
Isang araw, isang uwak ang nakaramdam ng pagkauhaw habang palipad-lipad siya sa gubat. Agad siyang naghanap ng lugar kung saan siya makakakuha ng tubig na maiinom.
Napadako ang uwak sa hardin ng isang palasyo na malapit sa gubat. Sa ibabaw ng isang marmol na mesa ay may nakapatong na tapayang yari sa bubog.
Dumapo ang uwak sa mesa at natuwa siya nang makita niyang may tubig sa tapayan.
Ngunit hindi maabut-abot ng uwak ang tubig sa ilalim ng tapayan. Masyado kasing mababaw ang tubig. Isa pa, masikip ang bunganga ng tapayan para maipasok niya ang kanyang ulo sa loob.
Luminga-linga ang uwak, naghahanap ng paraan para malutas ang problema. “Hmmm… Ano kaya ang gagawin ko?” wika niya…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Uhaw na Uwak“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Pagtitiyaga” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang uwak ang natatanging tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Sa gubat ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “walang suliranin na hindi natin kayang solusyunan kung tayo ay nag-iisip lamang.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Ito ay isinalaysay ni Boots S.A. Pastor. |
“Ang Uhaw na Uwak” Aral
- Walang suliranin na hindi natin kayang solusyunan kung tayo ay nag-iisip lamang.
- Bawat problema ay may solusyon.
- Huwag basta basta sumuko sa anumang suliranin sa buhay.
- Hindi natin makakamit ang ating mga layunin nang walang pagsisikap.
- Maging matiyaga tayo sa pag-abot ng ating mga layunin sa buhay.
“Ang Uhaw na Uwak” Buod
Isang araw, may isang uhaw na uwak na naghanap ng lugar kung saan siya makakakuha ng tubig. Hanggang sa nakakita siya ng mapagkukuhanan ng tubig ngunit nahirapan ito sa pag-abot ng tubig. Kaya, siya ay nag isip ng paraan upang makainom at sa huli, siya ay nagtagumpay.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, nilagyan ng uwak ng bato ang tapayan upang umangat ang lamang tubig nito. Sa huli, siya ay nagtagumpay sa kanyang plano at sa wakas ay naka inom din ng tubig.
Ating tandaan, sa pag-abot ng ating mga layunin sa buhay kailaangan natin itong samahan ng pagsisikap.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Aso At Ang Uwak
- Ang Pagong At Ang Kalabaw
- Ang Lobo At Ang Ubas
- Si Aso At Si Ipis
- Ang Tigre At Ang Lobo
We are proud Pinoy!