Ang Tigre At Ang Lobo (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Tigre At Ang Lobo – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang kwentong pabula, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Ang Tigre At Ang Lobo (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Tigre at Ang Lobo (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming masusing pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwento na ito.

Ang Tigre at Ang Lobo

Isang araw ay nahuli ng Tigre ang isang Lobo sa kasukalan. Kakainin na sana ng mabangis na Tigre ang kaniyang huli nang itaas ng Lobo ang kaniyang leeg at nagwikang,

“Teka, teka. Alam mo bang kaproproklama lamang ng mga Bathala na ako na raw ngayon ang Hari ng Kagubatan?”

“Ikaw? Hari ng mga Hayop?” hindi makapaniwalang sabi ng Tigre.

“Kung hindi ka naniniwala ay sumama ka at maglakad tayo sa buong kagubatan. Tingnan mo lang kung hindi matakot ang lahat makita lang ako!”

Hindi malaman ng Tigre kung paniniwalaan ba o hindi ang tinuran ng Lobo…

Pindutin ang button sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Tigre at Ang Lobo
Ano ang tema ng kwento?Katusuhan” ang tema ng kwento.
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay ang tigre, lobo, at iba pang mga hayop.
Tagpuan ng kwentoSa kagubatan ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “maging mapanuri tayo sa mga tao at nangyayari sa ating paligid.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi nabanggit.
Pagsusuri ng Kwento

“Ang Tigre at Ang Lobo” Aral

  • Maging mapanuri tayo sa mga tao at pangyayari sa ating paligid.
  • Mahalaga na may kaalaman tayo, upang hindi tayo maloko.
  • Minsan sa buhay, dapat tayong maging wais, para tayo ay mabuhay.
  • Huwag basta basta maniwala sa sinasabi ng iba.

“Ang Tigre at Ang Lobo” Buod

Isang araw, nahuli ng tigre ang lobo. Bago paman ito kainin ng tigre ay nagsalita ito at niloko ang tigre. Pinatunayan nito sa tigre ang kanyang sinabi, ngunit sa huli ay nahuli siya na nagsisinungaling. Bago pa siya sunggaban ng tigre ay kumaripas na ito ng takbo.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, napag-isip-isip ng tigre na siya ay niloloko lamang ng lobo. Nang manlisik na ang mata at magsitayo ang mga balahibo nito ay kumaripas na nang takbo ang lobo.

Ating tandaan, sa buhay, upang hindi tayo maloko, kailangan nating maging mapanuri sa ating paligid, at maging wais upang tayo ay mabuhay.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment