Ang Sakim Na Aso (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Sakim na Aso – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng isang sakim na aso, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Ang Sakim Na Aso (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Sakim na Aso (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwento na ito.

Ang Sakim na Aso

May isang sakim na Aso na lagi nang nagnanakaw ng mga pagkain ng mga inosenteng Tuta.

Isang araw ay gala nang gala ang Aso sa paghahanap ng magugulangang Tuta. Masuwerte ang ganid sapagkat isang Tutang may sakmal na pata ang makakasalubong nito sa daan.

Nagkunwaring hindi pansin ng bruskong Aso ang Tuta pero nang mapalapit ay bigla nitong inagaw ang taba at nagtatakbong papalayo…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Sakim na Aso
Ano ang tema ng kwento?Kawalang-kasiyahan at kasakiman” ang tema ng kwento.
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay ang aso at ang tuta.
Tagpuan ng kwentoSa tulay ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang pagiging sakim at mapanlamang ay walang magandang maidudulot sa atin.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi nabanggit.
Pagsusuri ng Kwento

Aral ng “Ang Sakim na Aso”

  • Ang pagiging sakim at mapanlamang ay walang magandang maidudulot sa atin.
  • Huwag magnanakaw ng pag aari ng iba, dahil ito ay isang masamang gawain.
  • Makuntento sa kung anong meron tayo.
  • Matuto tayong magsumikap para sa mga gusto natin.

Buod ng “Ang Sakim na Aso”

Isang araw, may sakim na aso na nang-agaw ng pagkain sa isang tuta. Nagtatatakbo ito hanggang sa makarating ito sa tulay at nakita ang kanyang repleksyon sa tubig.

Sa pag-aakalang ibang aso ito, tinahulan niya ito upang makuha ang dala nito. Ngunit nang tumahol siya, nahulog ang karne sa tubig at sisinghap-singhap na lamang ito sa panghihinayang.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, nahulog sa tubig ang pata na kagat-kagat ng aso, dahil sa kanyang pagtahol.

Ating tandaan, na ang pagnanakaw sa pag-aari ng iba ay isang masamang katangian. Paghirapan natin ang mga bagay na gusto natin.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment