Ang Puti at Itim na Kambing – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng dalawang kambing, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.
Dagdag pa rito, marami man tayong mabasang iba’t-ibang halimbawa ng pabula, nasisiguro naming sa iba’t-ibang klase ng mga pabula na ito ay may iba’t-ibang aral din tayong matututunan.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Para sa karagdagang kaalaman, ang mga manunulat ng pabula ay tinatawag na mga “pabulista.” Samantala, ang mga manunulat ng maikling kwento ay tinatawag na mga “kwentista.”
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwentong pabula na ito. Gawin nating inspirasyon ang mga aral na ating makukuha sa pabula na ito, nang sa ganun ay tayo’y maging mabuting tao.
Ang Puti at Itim na Kambing
Sa isang makitid na tulay ay nagkasalubong ang dalawang Kambing. Sapagkat hindi maaaring magkasabay ang dalawa, kinakailangang bumaba muna sa pinanggalingan ang isa.
“Napakakitid ng tulay. Maaari bang bumalik ka muna at paraanin ako?” pakiusap ng Itim na Kambing.
“Bakit hindi ikaw ang magmagandang loob. Higit na mabuti ang nagbibigay kaysa tumatanggap.” sagot ng Puting Kambing.
“A basta. Nauna ako sa gitna ng tulay kaya ako ang dapat na makadaan.”
“Mali ka kaibigan. Sabay lang tayong nakarating sa ating kinatatayuan kaya pareho lang tayong may karapatang makatawid.”
“Kung ayaw mong magparaan ay iitim ang balahibo mo sa init ng araw.”
“Umitim na kung umitim pero ako ang dapat na makagamit sa daan.“
“Hindi kita mapapayagan.”
“Talagang di ka papayag. Hindi lang pala maitim ang balat mo. Pati pala kalooban mo ay kasing-itim din ng anyo mo…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Puti at Itim na Kambing“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Pagmamataas” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang mga tauhan sa kwento ay ang dalawang kambing. |
Tagpuan ng kwento | Sa makitid na tulay ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “maging mapagpakumbaba sa ating kapwa.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi nabanggit. |
“Ang Puti at Itim na Kambing” Aral
- Maging mapagpakumbaba sa ating kapwa.
- Ang pagpapakumbaba ay hindi nakaka baba ng pagkatao.
- Ang pagmamataasan ay walang maidudulot na mabuti.
- Ang pagpaparaya ay isang magandang gawain na dapat natin tularan.
“Ang Puti at Itim na Kambing” Buod
Isang araw, sa isang makitid na tulay, ang puti at itim na kambing ay nagkasalubong. Hindi sila maaaring magsabay na dumaan at ni isa sa kanila ay walang gustong magparaya.
Kaya’t pareho silang nagpilit na dumaan at parehong nahulog at nalunod sa ilug-ilugan.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, sa pagpipilit ng dalawang kambing na makadaan ng sabay ay pareho silang nahulog at nalunod sa ilug-ilugan.
Ating tandaan, na ang pagmamalaki at ang hindi pagpapakumbaba ay walang magandang patutunguhan. Matuto tayong magparaya at magbigay-daan sa iba.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Magkapitbahay Na Kambing At Kalabaw
- Ang Sakim Na Aso
- Si Dagang Bayan At Si Dagang Bukid
- Ang Uwak Na Nagpanggap
- Ang Barumbadong Gansa
We are proud Pinoy!