Ang Palaka At Ang Kalabaw (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Palaka at ang Kalabaw – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang kwentong pabula, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Ang Palaka At Ang Kalabaw (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Palaka at ang Kalabaw (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda o sumulat ng pabula na ito? Batay sa aming pananaliksik, ang pabula na ito ay isinulat ni Roger II Marcella.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.

Ang Palaka at ang Kalabaw

Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan ay sumikat na ang araw. Maganda na ang panahon. Namasyal ang mga anak ni Inang Palaka sa tabi ng sapa.

Nakita nila ang isang kalabaw na nanginginain ng sariwang damo. Sa tingin ng mumunting palaka ay napakalaking palaka ang kalabaw. Dali-dali silang umuwi at ibinalita ito sa kanilang ina.

“Ina, nakakita kami ng napakalaking palaka!” sabay-sabay na sabi ng mga anak ng palaka.

“Totoo? Malaki pa sa akin?” wika ng Inang Palaka. “Ako na ang pinakamalaki sa lahat ng palaka.”

“Talaga pong napakalaki”, patotoong muli ng mga anak na palaka. “Sumama po kayo sa amin nang inyong makita.”

“Hala, tayo na”, wika ng Inang Palaka. “Hindi ako naniniwala na mayroon pang palaka na mahigit ang laki kaysa sa akin.”

At sabay-sabay na pumunta ang mag-iinang palaka sa tabi ng sapa.

Itinuro ng mga anak na palaka ang nakitang kalabaw na patuloy na nanginginain ng damo…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Palaka at ang Kalabaw
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “kayabangan.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Sina Inang Palaka, kalabaw, at mga anak ng palaka ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoSa tabi ng sapa ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang kayabangan ay magdudulot lamang sa atin ng kapahamakan.”
Sino ang may akda ng kwento?Ang may akda ng kwento ay si Roger II Marcella.
Pagsusuri ng Kwento

Ang Palaka at ang Kalabaw Aral

  • Ang kayabangan ay magdudulot lamang sa atin ng kapahamakan.
  • Huwag tayong maging mayabang, sa halip, maging mapagpakumbaba tayo.
  • Lagi nating tandaan o isaisip na may mga taong mas nakakahigit sa atin.

Ang Palaka at ang Kalabaw Buod

Isang araw, habang namamasyal ang mga anak ng inang palaka, ay may nakita silang kalabaw na inakala nilang isang malaking palaka. Sinabi nila ito sa kanilang ina at ang kanilang ina ay nagpakitang gilas dahil hindi nito matanggap na may mas malaki kesa sa kanya. Hanggang sa pumutok ang tiyan nito at namatay.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, pumutok ang tiyan ng inang palaka at siya ay namatay. Naawa ang kanyang mga anak sa kanya at sinabing, “ayaw niyang mahigitan ng iba kaya siya nagdusa.”

Ating tandaan, na walang masama kung may mga mas nakakahigit sa atin. Kailangan nating tanggapin na hindi lamang tayo ang may kakayahan sa mundo. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kakayahan, kaya huwag nating ikumpara ang ating mga sarili kanino man.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment