Ang Pagong At Ang Kuneho (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Pagong at Ang Kuneho – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwento ni Pagong at ni Kuneho, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Ang Pagong at Ang Kuneho
Ang Pagong at Ang Kuneho (Buod At Aral Ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda nito.

Sino si Dr. Jose P. Rizal?

Si Dr. Jose P. Rizal o José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay ang may akda o sumulat ng pabula na ito. Siya ang pambansang bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa sa pamamagitan ng kanyang mga nobela.

Isang ophthalmologist sa propesyon, si Rizal ay naging isang manunulat at isang mahalagang miyembro ng Kilusang Propaganda ng Pilipino, na nagtataguyod ng mga repormang pampulitika para sa kolonya sa ilalim ng Espanya.

Si Rizal ay itinuturing na isa sa mga pinakadakilang bayani ng Pilipinas at inirekomenda na parangalan ng isang opisyal na empaneled na National Heroes Committee.

Gayunpaman, walang batas, executive order o proklamasyon ang naisabatas o inilabas na opisyal na nagpapahayag ng sinumang Pilipinong makasaysayang pigura bilang pambansang bayani.

Isinulat niya ang mga nobelang Noli Me Tángere (1887) at El filibusterismo (1891), na magkasama ay kinuha bilang isang pambansang epiko, bilang karagdagan sa maraming mga tula at sanaysay.

Dagdag pa rito, siya ay isang Pilipinong nasyonalista, manunulat, at polymath. Ngayon, basahin na natin ang kwento ng pabulang ito.

Ang Pagong at Ang Kuneho

Isang hapon, nagkita si Pagong at si Kuneho sa daan. Biniro ni Kuneho si Pagong sa kanyang maliliit na paa na naging dahilan kung bakit napakabagal niyang maglakad.

Nainsulto si Pagong sa mga biro ni Kuneho. Sa kagustuhan ni Pagong na patunayang mali si Kuneho sa kanyang mga paratang, hinamon niya si Kuneho at nagsabing, “Kung gusto mong subukin ang aking kakayahan, bakit hindi natin daanin sa isang paligsahan. Maaaring mabilis ka subalit malakas naman ang aking resistensya,” ang hamon ni Pagong.

“Anong paligsahan ang nais mo?” tanong ni Kuneho.

“Kung gusto mo ay unahan na lang tayong makarating sa tuktok ng ikatlong bundok,” sagot ni Pagong.

Nagalak si Kuneho sa hamon ni Pagong. Tiwala sa sariling magagapi niya si Pagong sa paligsahan. Bawat isa sa kanila ay nangumbida ng kanilang mga kaibigan upang saksihan ang kagila-gilalas na paligsahan.

Kinabukasan, umagang-umaga, marami ang nagsidalo. Dumating ang kalabaw na minsan na ring nakalaban ni Pagong, ang kabayo, baboy, palaka, bibe, manok, aso, pusa, kambing, baka, pato, lawin, usa, baboy ramo at marami pang iba. Hindi, magkamayaw ang mga hayop sa kasiyahan. Noon lang sila makakapanood ng ganoong klaseng labanan.

Ang unggoy ang nagbigay-hudyat ng pasimula ng paligsahan. Sa pasimula pa lang ay naiwan na nang malayo si Pagong. Halos hindi na makita ni Kuneho si Pagong dahil sa kalayuan ng kanilang pagitan…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Pagong at Ang Kuneho
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “pagmamaliit.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Sina Pagong, Kuneho, Kalabaw, Iba pang hayop, at Unggoy ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoSa bundok ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “huwag mang maliit ng sinuman at maging mapagpakumbaba.”
Sino ang may akda ng kwento?Ang may akda ng kwento ay si Dr. Jose P. Rizal.
Pagsusuri ng Kwento

Ang Pagong at Ang Kuneho Aral

  • Huwag mang maliit ng sinuman at maging mapagpakumbaba.
  • Magtiwala sa sarili, ngunit huwag masyadong kumpiyansa sa punto na naaapakan mo na ang iba.
  • Huwag mawalan ng pag-asa kung sa tingin mo ang iba ay mas mahusay kaysa sa iyo, dahil mayroon ka ring kalidad na wala sa kanila.
  • Igalang ang mga katangian ng iba at huwag natin silang ikumpara kaninuman.
  • Huwag manghusga base sa nakikita ng mata at huwag maging mapagmataas.

Ang Pagong at Ang Kuneho Buod

Isang hapon, hinamon ni Pagong si Kuneho sa isang paligsaan dahil sa pagmaliit nito sa kanya. Nagsimula ang paligsahan na masyadong kumpiyansa si Kuneho na siya ang mananalo. Sa huli, natalo ni Pagong si Kuneho.

Ano ang kawakasan sa kwento ni Pagong at ni Kuneho?

Sa pagtatapos ng kwento, nakatulog si Kuneho sa ilalim ng puno sa sobra niyang kumpiyansa sa sarili. Hindi niya namalayang nalampasan na pala siya ni Pagong. Si pagong ay patuloy pa ring ibinibigay ang lahat ng kanyang makakaya makarating lang sa paroroonan.

Sa huli, si Pagong ang nanalo sa paligsahan at hiyang-hiya si Kuneho na siya ay natalo. Humingi siya ng paumanhin kay Pagong sa kanyang mga panlalait at pang-iinsulto. Simula noon ay naging halimbawa na sila ng mga hayop. Kanilang isinaisip na hindi nila dapat minamaliit ang kanilang kapwa.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment