Ang Pagong at Ang Kalabaw – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng pagong at ng kalabaw, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming masusing pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwentong pabula na ito.
Ang Pagong at Ang Kalabaw
Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na,
“hindi ang isang tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko. Hindi tulad mong lampa na’t maliit ay sobra pa ang kupad kumilos.”
Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. “Sobra kang mapang-api. Minamaliit mo ang aking kakayahan. Dapat mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.”
Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw.
“Kapag ako ay tinalo mo sa labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon.” “Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?” Pakutyang sambit ng kalabaw…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Pagong at Ang Kalabaw“ |
Ano ang tema ng kwento? | Ang tema ng kwento ay “pagmamataas.” |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Sina pagong, kalabaw, at ang apat na kaibigang pagong ni pagong ang mga tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Sa bundok ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “sa pagpili ng kaibigan, hindi ito dapat nakabatay sa panlabas na anyo at kakayahan.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Walang nakasaad tungkol sa may akda nito. |
Ang Pagong at Ang Kalabaw Aral
- Sa pagpili ng kaibigan, hindi ito dapat nakabatay sa panlabas na anyo at kakayahan;
- Piliin ang kaibigang totoo at nandyan sa oras ng problema o kasiyahan.
- Huwag maliitin ang sinuman, dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang lakas at kakayahan.
- Huwag manloko o mandaya ng kapwa.
- Huwag maging mapagmataas, sa halip ay maging mapagpakumbaba.
Ang Pagong at Ang Kalabaw Buod
Isang araw, may isang pagong na gustong makipagkaibigan sa kalabaw. Tinanggihan ito ng kalabaw dahil sa kaanyuan nito. Dahil dito, sila ay nagkaron ng karera at natalo ang kalabaw.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, nagulat si kalabaw na sa bawat pag-abot niya sa bawat bundok ay naroon na si pagong. Hanggang sa makarating ito sa ikalimang bundok, nagulat nanaman ito na naunahan na naman siya ng pagong.
Sa sobrang hiya at galit ay sinipa nito ang pagong. Pero imbes na ang pagong ang masaktan, siya ang nasaktan dahil sa sakit na dulot ng nabiyak niyang kuko.
Ating tandaan, na lahat tayo ay may kanya kanyang kakayahan. Kaya, huwag nating maliitin ang sa tingin natin ay mas maliit at mahina kaysa satin. Ang kaibigan ay pinipili base sa personalidad, hindi sa anyo at kakayahan nito.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Kabayo At Ang Kalabaw
- Sino Ang Magtatali Ng Kuliling?
- Ang Kabayo At Ang Mangangalakal
- Ang Mag-anak Na Langgam
- Ang Aso At Ang Uwak
We are proud Pinoy!