Ang Mayabang na Palaka – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng mag-anak na palaka, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin salin na sa iba’t ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwentong pabula na ito.
Ang Mayabang na Palaka
May mag-anak na palaka na masayang naninirahan sa isang sulok ng bukid. Si Amang Palaka ay isang mabuting ama. Ngunit ito ay may kayabangan. Palagi nitong ipinagmamalaki ang kanyang sarili.
“Ako ang pinakamalaki. Tingnan mo ang katawan ko,” buong pagmamalaking sabi nito.
“Oo nga! Ama, ang laki-laki mo!” humahangang sabi ng anak.
Minsan ay namasyal ang Batang Palaka. Nakakita siya ng kalabaw. Iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng kalabaw. Nalibang siya sa kakatingin dito kaya’t matagal bago niya naisipang umuwi na…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Mayabang na Palaka“ |
Ano ang tema ng kwento? | Ang tema ng kwento ay “kayabangan.” |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Sina Amang Palaka, Batang Palaka, kalabaw, at Inang Palaka ang mga tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Sa bukid ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “ang kayabangan ay magdudulot lamang sa atin ng kapahamakan.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Walang nakasaad tungkol sa may akda ng kwento na ito. |
“Ang Mayabang na Palaka” Aral
- Ang kayabangan ay magdudulot lamang sa atin ng kapahamakan.
- Huwag tayong maging mayabang, sa halip, maging mapagpakumbaba tayo.
- Lagi nating tandaan o isaisip na may mga taong mas nakakahigit sa atin, at ok lang iyon.
“Ang Mayabang na Palaka” Buod
Sa isang sulok ng bukid, may mag-anak na palaka na masayang namumuhay. Isang araw, habang namamasyal ang batang palaka, may nakita itong kalabaw na inakala niyang napakalaking palaka.
Nang siya’y nakauwi, nasabi niya ito sa kanyang ama. Hindi ito matanggap ng kanyang ama kaya nagpakitang gilas ito. Sa sobra nitong kayabangan, pumutok ang tiyan nito.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kuwento, pinalaki nang pinalaki ng amang palaka ang kanyang tiyan hanggang sa ito’y pumutok.
Ating tandaan, na walang masama kung may mga mas nakakahigit sa atin. Kailangan nating tanggapin na hindi lamang tayo ang may kakayahan sa mundo. Lahat ng tao ay may kanya kanyang kakayahan, kaya huwag nating ikumpara ang ating sarili sa sinuman.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Langgam At Ang Kalapati
- Si Alitaptap At Si Paruparo
- Si Haring Tamaraw At Si Daga
- Ang Kasal Ng Dalawang Daga
- Baryo Maligaya
We are proud Pinoy!